21

22 6 2
                                    



For the hundredth time, I took a deep breath and placed my fingers on top of the piano keys. I relaxed and tried to clear my mind from any kind of distraction. But as soon I started playing the piano, the noise that I've been hearing since I woke up this morning came running back through my ears. So much for a meditation weekend. 


It's been a while since I last played the piano and so, I was planning to learn some pieces I've chosen a while back but the on-going construction beside my house is keeping me away from doing what I love. 


Napabuntong-hininga na lang ulit ako at tumitig sa piano.


"I want to play you so badly," I said while fake crying. 


"Dani, kain ka muna!", sigaw ni Nay Fellie mula sa kusina. 


I got up and went to the kitchen to eat breakfast. Hinanda niya ang paborito kong daing na bangus. Ang sarap ikain ito sa kanin at suka habang nagkakamay. Medyo gumanda tuloy ang timpla ng aking mukha.


"Kuya Dan, kain na!" sigaw ko. Kaming tatlo lang ni Nay Fellie at Kuya Dan ang andito sa bahay. Si Zara ay nasa bahay ni daddy. May mga pagkakataong masyado akong nalalakihan sa bahay namin. Iilan lang naman kami dito. Kaya minsan, kapag mayroong may birthday sa amin o kaya naman tuwing pasko, pinapapunta ko dito ang pamilya ni Kuya Dan. Gusto ko ngang dito na rin sila tumira kaso tumatanggi sila sa aking alok. 


Kami'y nagdasal muna bago kumain. Maya't-maya pa ay biglang umalingawngaw ang lakas ng radyo sa kabilang lote.


"Kuya Dan, kailan pa nagsimula yung construction sa kabila?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa aking plato. 


"Nung nasa America ka pa ma'am, naghuhukay na sila. Ngayon palang tinatayo yung bahay." Isang buwan na simula noong uwi ko sa Pinas galing ng New York pero hindi ko napansing may tinatayong bahay pala sa tabi namin. Corner lot kasi ang aking bahay. Ang gate na pinapasukan ko ay nasa kabilang parte. Yung isang gate namin na katabi ng construction ay ginawang storage ni Kuya Dan.


"Buong araw po ba sila nagpapatugtog? Maingay na nga yung mga kagamitan nila sa construction tapos dinadagdagan pa nila ng radyo. Masumbong ko nga ito sa office. Nakakabulabog sila ng kapitbahay," reklamo ko habang sinusubo ang aking pagkain. 


"Oo nga, ma'am. Hindi rin naman siguro alam yan ng may-ari dahil hindi naman palaging nakabantay. Pero ilang beses ko na nakita ang engineer diyan. Maigi sigurong siya muna ang kausapin mo para naman mapagsabihan yang mga trabahador niya," sabi ni Kuya Dan. 


"Ayaw ko nga magreklamo kasi mahirap maging kaaway ang kapitbahay," tugon naman ni Nay Fellie. 


"Eh, nay. Hindi naman tama yang ganyan. Ramdam ko yung pag-vibrate ng music nila sa pader natin eh. Nakailang construction na rin dito malapit sa atin pero hindi naman ganyan kalakas magpatugtog. Baguhan sila dito kaya kailangan nilang makisama." 


"Ikaw na magsabi, ma'am. Ikaw homeowner dito kaya tiyak, papakinggan ka nila," sambit ni Kuya Dan. Tinanguan ko siya at tinapos ko ang aking kinakain. 

Notes from the Moon (Solar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon