Chapter 15: Conversation Ends

13 0 0
                                    

Clarifying everything
Sheillaisha POV

Nandito na nga kami sa Restaurant ni Mr.Kyo, ang Kyonih Restó. Maganda ang kabuuan, mula sa tsokolateng kulay at sa mga disenyong base sa agrikultura ng mga French.

Nakapasok na kami sa loob at hindi ko inaasahan na may message sa akin. I received one message to unknown user.

Who is this?

After kong makita at mabasa ang mensahe nito alam kong siya na talaga 'yon. Nararamdam ko rin na gusto niya ko makausap, hindi ko lang maintindihan kailangan sa harapan pa ni besty? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o ano.

Hindi tuloy ako mapakali dahil pakiramdam ko hindi siya papayag. I know my besty, she so caring and she really loves me. Ayaw niya yata akong nasasaktan.

"Hey, besty?! Are you okay? Kanina ka pa tulala sa phone mo. May nangyari ba?" takang nitong tanong habang nakatitig sa akin.

"A-ahhh w-ala. A-ayos l-lang a-ko. T-tara n-a't kumain," utal kong sabi.

Tinabi ko na lang ang cellphone ko dahil ayoko na siyang mag-isip dapat akong magfocus sa bonding namin ni Savannah. Ayokong umiyak sa kanya at magdrama. Hays! Bakit naman kasi ngayon pa?

"Sure ka ha? Sige ako na mag-ta-take ng orders natin," masaya nitong sabi.

Tinawag niya na nga ang waiter dito at ako naman pilit na pinakalma ang sarili. Gusto ko na lang hayaan o kung pwede lang kalimutan at huwag nang pansinin pa. Hindi naman kasi talaga madali na ganito. Bakit naman kasi sa laki-laki ng mundo nagtagpo pa tayo ulit?

Halos mapataas na lang ang kilay ko sa naisip ko. Hays!

Oh' destiny, why you're so harsh in me? Why?

Nasira ang pag-e-emote ko ng magsalita si Savannah. "Hey?! Are you listening? Kanina pa kita tinatanong. Ayos ka lang ba talaga ha? Ako na pumili alam ko naman gusto mo. I hope hindi ka nagbago ng taste." sabay marahan itong ngumiti at tumingin sa akin.

"I'm okay besty! S-sorry. Masakit lang ulo ko." pagdadahilan ko habang humawak sa ulo ko para talagang damang-dama.

Ilang sandali pa habang naghihintay kami ay tumunog na naman ang phone ko.

Kinuha ko iyon at hindi ko mapigilan na magpakita kay Savannah ng kakaibang emosyon.

"Bes? Sino 'yan? Are you really okay ha?!" takang sabi nito na parang nagagalit na.

"B-bes," utal kong sabi.

I received a message coming from him again. And yes, he is in the outside of this restaurant waiting for us.

Paano niya naman 'to nalaman? Damn! I hate it!

Halos mabaliw ako sa kakaisip. Sasabihin ko na sana ng biglang may pumasok na lalaki. Taglay nito ang katangkaran at katangusan ng ilong at ang amoy niyang panlalaki na nakakaaliw amuyin.

Nang masilayan ko ang kabuuan niya napatayo ako bigla.

"M-matthew?!" malakas kong sabi dahil sa pagkagulat.

"Anong ginagawa mo rito ha? Sinusundan mo ba kami?" takang sabi ni Savannah.

"Calm down girls. Alam ko nagulat ko kayo but please maupo muna kayo. Look Sheillaisha, I am here para kausapin ka nang maayos," seryosong saad nito.

"Alam ko kasalanan ko at nahihirapan ka pero sana hayaan mo naman ako na makausap ka," dagdag nitong sabi. Humarap din ito kay Savannah para sa karagdagan niyang sadya.

"Savannah, I'm really sorry but allow me to talk to your bestfriend kahit nandito ka na." pagmamakaawa nito.

Nanlumo ako sa asta niya. Hindi naman ako marupok sadyang ramdam ko lang talaga na sincere siya na makausap ako. Kikiligin na ba ko? Well, kung pwede lang ibalik ang lahat sa dati pero feeling ko malabo na.

Hindi na kasi pwedeng balikan pa ang nasira't nagkalamat na.

Halos mapabuntong-hininga na lang ako sa naisip ko. Ang hirap naman kasi.

"Sige papayag ako. Make it sure na maayos ninyo na okay? I will respect your both decisons. Uy bes ha? Go ahead. Lalabas na muna ako para makapag-usap na kayo," saad nito at tuluyan na ngang umalis.

Naiwan na nga kami ni Matthew. Halos mapipi at maging estatwa ako dahil hindi ako makasalita't makakilos.

Kung kailan gusto ko na sabihin lahat tsaka naman ganito napipi pa.

"I'm really sorry. Sorry for everything that I have done, Sheillaisha. I know hindi mo pa ko napapatawad. Hindi ko naman hinihiling na maging tayo. Gusto ko lang mag-usap tayo at maayos kahit bilang magkaibigan na lang," mahabang paglalahad nito na siyang nagbigay kirot sa puso ko.

Mahal ko pa rin talaga siya pero sa kabilang banda, sinasabi ng isip ko na tama na. Alam ko naman siya ang una pero lahat naman ng ito ay para tapusin na at alam kong iba na.

"It's okay Matthew. Naiintindihan ko naman na pero oo, masakit pa rin naman sa akin ang lahat kaya sana naman maintindihan mo rin yung nararamdaman ko. After all what happened, akala ko kasi ako yung may mali pero parehas lang pala tayo," mahabang sabi ko habang nagpipigil ng luha.

Hindi ako makatingin ng diretso dahil ayokong titigan ang kabuuan niya. Hindi dahil nakakaramdam na ako ng paglingid ng aking mga luha, kundi ayokong maalala ang lahat.

"Matthew, sana noon pa lang sinabi mo na lahat. Halos taon rin ako naghintay pero biglang ganito ang bubungad sa akin. Gusto kong magalit, gusto kitang sumpain at gusto kitang saktan pero ayoko dahil mali rin naman ako. Nawala na ako sa lugar kung saan mo'ko babalikan," mahabang sambit ko habang pilit na pinapalakas ang loob ko.

"Shhh! Wala kang mali Sheillaisha. Kasalanan ko ang lahat okay? I knoe we can't fix it. But I am here para magsorry sayo personally and hindi ka pa rin nagbabago. Bukod sa maganda ka, maunawain ka." malambing niyang paglalahad habang hawak ang kamay ko.

Gusto ko kumawala pero nanatili lang ako sa posisyon na hawak niya pa rin itong mga kamay ko.

"Matth-" putol kong sabi nang magsalita siya ulit.

"Forgive me, My Sheillaisha. Kahit hindi pa ngayon pero huwag mo naman sana akong iwasan sa susunod." daing nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Pati ako nakipagtitigan na rin at nag-iisip sa dapat kong gawin. Hindi naman kasi talaga madali na magpatawad lalo na kung labis kang nasaktan.

Inalis ko ang kamay ko habang nag-iwan sa kanya ng mga katagang alam kong ikaaayos naming dalawa. "Salamat kasi naunawaan ko na ang lahat. Give me time Matthew na maghilom. I hope you understand my decision."

Tumango ito at pilit na ngumiti. Alam kong ito na yung mas okay na gawin kaysa naman hayaan ko pang umasa na posible na maayos pa.

"Sige na Matthew, I need to go para mahanap si Savannah. Thank you." Pagpapaalam ko at lumabas na nga ako.

Hinanap ko ang kotse ni Savannah at hindi naman akp nahirapan dahil kulay pula ito. Dumiretso na ako sa parking area pero wala siya roon.

Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Tsk! Sabi niya sa labas lang siya.

Imbes na kausapin ang sarili ay kinuha ko na lang ang cellphone ko para I-dial ang phone number niya. Tinawag ko agad ito pero her phone is unattended.

Oh, Savannah?! Where are ypu?!

Naglakad-lakad ako baka nqpunta sa kung saan na malapit dito sa Kyonih Restó. At habang naglalakad ako ay nagpapatuloy pa rin akong tawagan siya.

Tawag ako nang tawag hanggang sa may nakita akong kumpulan na nagaganap doon. Hindi ko matansya kung ano ang mayroon kaya't lumapit ako.

Hindi ko inasaahan ang nakita ko.

"B-besty h-help!!" sigaw nito.


The Glamorous LadyWhere stories live. Discover now