Chapter 29: The Last Day

3 0 0
                                    

Acceptance is real.

Sheillaisha POV

Alam kong mahirap ang desisyon na ito. Hindi ko gusto na tuluyan lisanin ulit ang bestfriend ko. Alam kong magtatampo siya kapag nakita at nalaman niya ito. So I will make a letter at iiwan na lang siguro sa mga maids nila.

I am now here in my condo, fixing everything 'coz tomorrow is my flight in States. I will have 2 months vacation for the mean time. Regarding naman sa work, ko bago naman ako umalis inayos ko naman ang lahat para wala na rin maging aberya pagbalik ko.

While fixing my things makes me feel lonely, nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung tama ba na isulat ko na lang lahat ng dapat kong sabihin sa bestfriend ko. I know naman she will understand me because until now, I can say that I am not totally fine.Akala ko kasi after we talked, everything will be clear and I will be heal. But I am not totally fine. May mga bagay talagang malaking sampal sa akin.

Hindi naman ako galit sa besfriend kong si Savannah, hindi rin naman masama ang loob ko kay Matthew. Siguro, kailangan ko muna maglibang at umiwas talaga.Mahirap na dahil kung mananatili pa ako rito, araw-araw kong pahihirapan ang sarili.

Oh, self. Kalma lang everything will gonna be okay. You can do it. You will be heal just trust your timing.

Mukha na naman akong ewan dahil kinakausap ko ang sarili ko, mas pinili ko na lamang ayusin ang gamit ko dahil mahirap na baka marami pa akong makalimutan, maaga pa naman ang biyahe ko bukas.

Sinubukan ko munang  payapain ang sarili ko. Hindi madali ang desisyon at huling gagawin ko pero kailangan. Sa totoo lang, hindi naman ito ang plano ko na maging huling araw ko rito sa France pero mas kailangan ko ito gawin para na rin sa sarili ko.

Wala na rin naman akong papel pa, bukod doon malinaw naman na sa akin ang lahat. Ang kailangan ko na lang talaga sa ngayon ay maghilom at talagang matanggap ang katotohanan na wala na talaga.

Halos tatlong oras ang tinagal ko sa pag aasikaso, gabi na rin pala ng matapos ako kaya pagkatapos 'non naghanda na rin ako ng dinner ko.

Simpleng bread and pasta lang ang kinain ko. Wala rin kasi akong gana para mag-heavy meal pa. Napaupo ako sandali sa table ko, pinagmamasdan ang paligid.Ilang buwan din pala ang tinagal ko rito, nakakamiss naman bigla. This condo is already mine.Halos 4 na buwan pa lang ang pagtatagal ko rito, pero aalis na agad ako. Hindi ko na tuloy magagawa na umabot ng isang taon dito. Actually, biglaan din talaga ang nangyari.

Sana pag alis ko maging okay na lahat lalo na itong puso ko.

At sana rin maghilom na'ko.

Habang sinasabi ang mga simpleng mga kataga, hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Ganito pala talaga kahirap kapag hindi ka okay, Masyadong tahimik ang aking paligid kaya mas dumagdag sa tensyon ang sakit na nararamdaman ko.

Sa totoo lang, kailangan ko ng taong kausap. Pero mas pinili ko na lamang ang manahimik hindi dahil sa natatakot ako o ano, mas okay na muna siguro 'to. Para naman tuluyan kong matanggap na wala na talaga.

Kinuha ko na ang papel at ballpen at doon ko sinimulan na magsulat ng letter sa kanya, alam ko naman na maiintindihan niya ko. Alam ko magtatampo na naman siya kasi hindi naman ito first time na pag alis ko na walang paalam.

I will explain naman kapag okay na ang lahat at higit sa lahat, okay na rin ako.

Buo na rin ako, hindi na durog at hindi na wasak.

I loved my childhood friend, but this time I need to think first of myself.

Sa paglipas  ng panahon at oras, marami talagang nagbago. I know our friendship still strong pero hindi ako p'wedeng maging kampante pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. I hope sa pag alis ko walang magbabago.

At sana talaga matanggap ko na ang katotohanan para tuluyan ko na rin maharap ang posibleng kinatatakot ko.
Ang hirap pala ng ganito, yung tipong magkakagusto yung taong minahal mo tapos sa bestfriend mo pa. Well, hindi naman kasalanan ni Savannah talagang nangyari na lang ang lahat dahil hindi naman talaga kami para sa isa't- isa ni Matthew.

Imbes na mag isip ako ng kung ano-ano. Pinili ko na lamang mag-focus. Humarap ako sa papel at isinulat ko na ang mga dapat kong sasabihin sana sa personal sa bestfriend ko.

Ngunit habang sinusulat ko ang bawat letra, nakakaramdam ako ng panghihina. Kaya siguro mas tama na ganitong paraan muna ang gagawin ko. Ayokong makita na naman niya ang pagiging mahina ko. Sapat na yung nasaksihan niya noong nag usap kami ni Matthew. Yung panahon na 'yon alam kong galit siya at nag-aalala sa akin, ngunit ngayon hindi ko na makita iyon.

Nakakainis naman kasi yung lalaki na 'yon, isipin mo apat sila pero siya pa ang nagugustuhan ng bestfriend ko. Humanda talaga siya kapag sinaktan niya yung pinakamamahal kong kaibigan.

At habang kinakausap ko na naman ang aking sarili, hindi ko napansin na malapit na pala akong matapos. Ganito nga siguro kapag nasasaktan ka, ang dami mong sasabihin o masusulat.

Pero mas nadurog ako sa huling katagang sinulat ko, sinaad ko kasi roon na mag-iingat siya lalo na yung puso niya ingatan niya mula kay Matthew.

Kapag kasi puso na ang tumibok, hindi mo naman na p'wedeng pigilan dahil kung babalewalain mo lang, ikaw pa rin naman ang talo. Kaya kailangan talaga mas nanaig yung utak mo kaysa puso mo kapag nagmamahal ka. Hindi dahil para hindi ka masyadong masaktan, kundi alam mo ang posibleng kahihinatnan kapag nagpatuloy ka pa.

Natapos na rin ako at tinupi ko ang papel at inilagay ito sa pulang sobre. Idadaan ko ito ngayon bago tuluyan gumabi. Alam ko naman na nasa kwarto na rin 'non ang bestfriend ko at hindi naman na ako papasok pa sa loob.

Pasado alas diyes ng lumabas  ako at dumiretso sa mansion nila. Sandali lang naman ang biyahe ko, ilang minuto nakarating na ako at bumaba na rin.

Pinindot ko ang doorbel at hinawakan ng mahigpit ang pulang sobre.

Ilang segundo rin ay lumabas ang isa sa maids nila.

Isang babae na medyo nasa katandaan na ngunit makikita mo pa rin ang kagandahan nito.

"Magandang gabi po!" buong inam kong pagbati.

"Magandang gabi rin po ma'am, hinahanap ninyo po ba si madam?" takang tanong nito.

"Hindi po, nais ko po sanang ipaabot ninyo na lang po ito kinabukasan. Huwag ninyo po sanang buksan. Pasensiya na rin po sobrang late na po ang dating ko. Goodnight na po at maraming salamat." Pagpapaliwanag ko kasabay ng pag abot ng pulang sobre.

Tumango naman ito. Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya, kumaway na lamang ako at naglakad papunta sa kotse ko.

Alam kong nakakalungkot ito, pero ito ang nararapat.

Bestie, babalik ako. Sorry kung sa ngayon kailangan ko muna gawin ito ng mag isa. Magpapakatatag ako. Ingatan mo sana ang puso mo. Maging matalino ka rin sana sa pagpili mo.

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ito. Kasabay rin 'non ang paghagulgol ko sa loob ng kotse.

Bakit ako pa?

Bakit??

...

The Glamorous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon