Part 36: Leave it or Take it

5 0 0
                                    

Choose or Stop it

SAVANNAH'H POV

After yesterday happened, pinili ko munang magpahinga sa bahay. Hindi ko alam kung pumasok ba silang apat o ano, binilin ko na lang muna ang lahat sa assistant kong si Veianna. Masyadong mabilis ang mga nangyari mula noong nakasabay ko silang apat. At ang nakakaloka, Christopher get my first kiss. Ugh! I hate it. Hindi ako pumalag.

His kissed is very passionate, hindi ko alam pero kakaiba. Hindi ko tuluyan maiwasan na hawakan ang labi ko at alahanin ang halik na iyon.

Nakakabigla ang mga pangyayari higit sa lahat hindi ko alam kung ano ang marapat kong gawin. I need someone to talk to, but my mom isn't here and my bestfriend is still taking her vacation. Ang gulo na, napakagulo na ng isip ko.

I was lying in my bed, trying to calm down and released my stress. Hindi ko muna pinapansin ang selpon ko dahil for sure kapag hinawakan ko iyon, mas magugulo ang utak ko dahil alam ko naman na mag iiwan ng mga email ang apat na lalaking iyon.

Hays! Akala ko naman trabaho lang ang sakit sa ulo pero nagkamali ako, dahil ang totoo mas nakakabaliw isipin ang mga taong nagbibigay gulo sa isip at puso ko ngayon.

Bakit ba naman kasi pumayag ako na manligaw pa silang apat? Eto ngayon tuloy ako, naguguluhan sa mga susunod na gagawin.

Ngayon ko lang din napagtanto na ganito pala kapag nasa kalagitnaan ka ng pagpili o pagsuko, hindi mo na alam kung sino, bakit at paano. Bakit naman din kasi ganito ang mahika ng pag ibig? It really hard to take the risk and honestly, I am not sure if I can go on. Ayokong may masaktan, ayokong mawala sila. But how?

Napabutong-hininga na lamang ako pagkatapos kung magmuni-muni. Wala rin kasing saysay ang pananatili ko sa bahay, mas nakakapagod lang dahil halos oras-oras mong iisipin ang susunod mong hakbang. Hindi naman talaga madali lalo na apat yung silang gumugulo sayo, ganito pala ang dulot ng pag ibig nakakabaliw isipin.

Inisip ko na lamang ang bumababa at uminom ng kahit anong malamig na inumin. Sana naman nandito sila mommy and daddy. Namimiss ko na sila, hindi ko na rin kasi kaya na ganito. Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong gawin.

Kasalukuyan na akong nasa kusina, wala ang mga maids dito dahil pasado ala una nang hapon. At pagkakatanda ko rin, abala sila sa paglilinis ng garden. May iskeydul kasi iyon, at kailangan apat hanggang limang tao ang dapat ang maglinis doon.

Pinili ko na lamang na ako na lang ang mag asikaso para sa'king sarili. Ayoko naman abalahin pa sila dahil kaya ko naman gawin iyon para sa sarili ko. Pero hindi pa rin ako mapakali sa kakaisip kung kumusta na ba sila sa opisina.

Napag isipan ko na lang ang magtimpla ng kape, at nagmasid sa paligid. Nakakabingi ang katahimikan. At habang hinahalo ang aking kape, biglang bumigat ang aking pakiramdam. Nakakalungkot pala ng ganito, hindi ko tuloy maiwasan na maisip ang panggugulo ng mga gwapong nilalang. Nakakainis pero aaminin ko, nakakamiss din pala.

Umupo muna ako sa katabing lamesa nito, hinigop ang mainit kong kape. "Kumusta kaya sila? May napili na ba talaga ako?" takang daldal ko sa'king sarili.

Hindi ko tuloy mapigilan na kausapin ang sarili ko. Sana naman may ihulog ang langit na kahit sino para maging tagapayo ko ngayon.

"Hi baby! How are you?" biglang pangungusap ni mommy.

Dali-dali akong tumayo at hinagkan ang babaeng pinakahihintay ko, ang aking mommy.

"Mommmmy!" sabik kong tugon. Niyakap ko siya ng mahigpit. At gumanti ito at tinapik ang likuran ko.

"I am not good mommy, I miss you so much. Kayo po ni daddy." Paglalambing ko.

Ngumiti ito bago nagsalita, "I understand baby. Alam kong marami kang gustong ikuwento ngayon. Pasensiya na nak, miss ka na rin namin. Buti nga nakauwi ako at nagkita tayo, sobrang busy talaga kami ng daddy mo." Mahabang pagpapaliwanag nito.

Umupo muna kami at doon ay nag usap. Sobrang abala talaga nila mommy at daddy. Pero pinakahinahangaan ko sa kanila ang pagiging matatag nila daddy. Halos labilimang dekada na rin ang pagsasama nila, at kahit kailan at tanging naging problema lang nila ay business namin. Walang ibang tao ang naging epal sa pagmamahalan nilang dalawa. Nakakamangha talaga.

Nakaramdam ako bigla ng kaba ng huminga nang malalim si mommy, kapag kasi ganito alam kong may importante siyang sasabihin. Kung anuman iyon, isa lang talaga ang masasagot ko. Hindi ko alam, at hindi pa talaga ako handa.

"Nak, kumusta ang puso. May napili ka na ba sa kanilang apat?" takang tanong nito na mas ikinabigat ng nararamdaman ko ngayon.

Hindi agad ako nakasagot, pakiramdam ko kasi hindi pa ako handa na sagutin si mommy tungkol dito. Pero kailangan kong ilabas lahat ng sakit at kaguluhan sa isipan ko, ito na yung huling ko na may masasabihan ako.

"Sa totoo lang mommy, hindi ko pa rin alam kung sino. Sa limang araw na kasama ko silang apat. Nakita ko kahit papano ang pag uugali nila, hindi pa man ganoon kalalim pero ang hirap pumili. Natatakot po ako na baka may masaktan or magkamali ako." Malungkot kong pagsagot.

Napatango ako sa mga oras na iyon dahil sa iba't ibang mga katanungan na mayroon sa isip ko ngayon. Hindi ko rin kasi maipaliwanag nang maayos, sobrang gulo. I know they doing their best to be choose but honestly, mas pinapagulo nila ang isip at puso ko.

"Don't be mad baby. I know how difficult is that, hindi ko man naranasan ang ganyang bagay pero alam ko magiging okay din ang lahat. Nakausap ko na ang daddy mo patungkol diyan, pinaliwanag ko na huwag ka sanang madaliin muna. Dahil alam kong napakahirap pumili, magagaling at mga gwapo sila. Basta anak, piliin mo ang dapat at mahal mo." Mahabang pagpapaliwanag ni mommy.

"Salamat mommy, opo siguro kailangan ko pa rin silang kilalanin mommy." Dagdag ko.

Bigla na lamang kinurot ni mommy ang pisngi ko, "Sobrang ganda kasi ng prinsesa namin kaya ayan, ang daming nagkakadarapa sayo."

"Ahhh! Mommmmy!"

Nauwi sa tawanan at kulitan ang aming huling pag uusap. Mommy is really the best. Alam niya kung paano akong pasayahin, alam niya rin kung kailan ramdam ko ang kalungkutan. Iba talaga ang magulang, they know you so much.

Pagkatapos naming mag usap, umakyat na ulit ako sa kwarto ko para magpahinga. My mom is tired too, kaya sakto rin na magpahinga na rin siya.

Huminga ako nang malalim habang kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko. And when I am already okay, and ready. I will choose the best with no regrets.

Until my phone ring.

"Hi bes! I miss you! See you!"

Ha? She is here. When? Bigla akong napatayo and I check my laptop.

And my beat so fast.

She's back...

The Glamorous Ladyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें