Part 39: Time together with her

5 0 0
                                    

Bonding with her

SAVANNAH'H POV

EMOSYONAL man kami kahapon, masasabi kong isa iyon sa magandang pangyayari sa buhay ko. Bihira na rin kasi kami umabot sa punto na gano'n. Madalas umiiral ang takot, pride at pansarili naming kagustuhan o interes. Nakita ko naman na talagang kahit dati pa palagi rin siyang nagpapakumbaba at pilit na inuunawa ang mayroon pagkakaibigan namin. Sheillaisha is really understanding friend.

Kaya rin talaga tumagal ang pagkakaibigan namin dahil pinili namin na unawain ang isa't-isa. Sheillaisha is a really good friend for me. Simula't simula pa, she is very approachable and kind person. Kaya siguro ayoko rin talaga mas lumalim pa ang nararamdaman kong kay Matthew, ayoko rin kasi na mag isip siya ng kung ano-ano.

Pagkatapos ng drama namin kahapon, naisipan namin na lumabas ngayon. Natuwa rin si mom and dad sa mga pasalubong sa kanila. Halos kilalang brand kasi ang mga dala ni bestie. Well, she is a glamorous lady too kaya kahit anong gustuhin niya kaya niyang makuha.

Napag isipan namin na lumabas muna. Gustong-gusto ko na sabihin sa kanya na may pinagdadaanan ako bestie pero hindi ko masabi dahil napakabilis naman kung agad-agad.

Narito kami ngayon sa isang kilalang store  sa France, ang  J and K Store – ito ang  tawag dito. Iba't ibang klase ng magagarang damit, bags, accessories at iba pang gamit na maaaring gamitin.

"Finally bestie! We can have another bonding." Masayang sabi sa akin ni Sheillaisha habang tumitingin ng mga dress.

"Oo nga eh, isipin mo sobrang tagal na rin iyon na  halos tatlong taon na rin."

"Sige na bestie pili ka na." Dagdag ko.

Naglibot-libot kaming dalawa at halos isang oras na ang lumipas at hindi pa rin kami makapili. Ganito talaga siguro kapag babae, halos aabutin ka ng ilang oras basta mahanap mo lang yung pinakamaganda at the best para sayo. At sa kabilang banda, bigla kong naisip ang ganitong mga kataga,  Sana rin kung gaano kami kasinop sa pagpili sa mga bagay na gusto namin ay ganoon din sa taong magiging kapareha namin. Yung taong makakasama namin habangbuhay. Hays, pag-ibig nga naman talaga ay kakaiba.

"Bes, ayos ka lang ba?" Tapik sa akin ni Sheillaisha dahil natulala na naman pala ako. Bumalik na ulit ako sa reyalidad. At hindi ko inasahan na mawawala na naman ako sa sarili ko.

"Oo naman bestie!" Mabilis kong tugon dahil ayoko siyang mag aalala. Oras namin ito bilang magkaibigan. Ayokong sirain ang pagkakataon na magkaroon kami ng bonding.

Binigyan niya na lamang ako ng magandang ngiti at bumalik sa ginagawa niya. Pilit kong inalis sa isip ko ang mga bagay na hindi dapat. Dahil pagkatapos nito, baka bukas o sa susunod kailangan ko na harapin ang mga bagay na nagpapahirap sa akin ngayon.

"Sure ka bestie ha? Magsabi ka lang sa akin, makikinig naman ako. Kung about 'yan sa mga boys. Gora! I am here bestie!" Masiglang pagpapaliwanag nito dahilan para madurog ang puso ko. This girl makes me cry, she knows me a lot.

"Ikaw naman bestie, date natin 'to oh! Tigilan muna natin sila. Let us enjoy this day, marami pa tayong pupuntahan." Pagdadahilan ko at hinila na lamang siya sa collection ng mga bags para naman hindi niya na alahanin pa.

Sobrang na-aapreciate ko yung pag-aalala niya. Pero syempre gusto kong mas mag enjoy sa bonding namin. Alam ko naman na handa siyang makinig sa mga rants and problems ko, but now I want to have a chill and to relax. Bakit ba naman kasi kailangan ko problemahin yung mga 'yon? Nakakainis lang dahil apat silang nagbibigay sakit sa ulo ko.

Habang tumitingin ng mga bags si bestie, huminga muna ako nang malalim at inalis nang tuluyan sa isip ko ang mga gumugulo sa isip ko. Kailangan ma-enjoy ko 'tong araw na 'to.

The Glamorous LadyWhere stories live. Discover now