Part 38: Gift

4 0 0
                                    

She's back

SAVANNAH'H POV

ABALA ako sa ginagawa ko hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at laking gulat ko sa pangalan na bumalandra sa screen. "Bestieeee!" sigaw ko at napatayo ako. Dali-dali kong binuksan iyon. Si Sheillaisha lang naman ang nagmessage halos isang taon na rin ang lumipas. Sobrang bilis ng pangyayari na sa wakas nagparamdam ang babaeng 'to.

I missed you so much, bestie. See you!

Halos mapatalon ako sa tuwa. She will come back! Higit sa lahat, ako ang unang minensahe niya. Hindi na ako nagreply agad. Gusto ko siyang surpesahin sa airport. Malamang naman umalis na rin ito. I know her kapag may flight siya hindi niya na pinapatagal. I finish all my untasks papers para makapaghanda na rin. Ayokong sayangin ang pagkakataon. Sobrang namiss ko rin talaga ang bestfriend ko.

At sana, masabi mo na rin lahat ng gusto kong malaman. At sana rin bestie, naghilom ka na. Pero... Hayaan mo wala akong balak na piliin ang unang lalaki sa buhay mo. Kaya ko pa naman pigilan ang nararamdaman ko.

Ilang saglit pa ay natapos ko na rin ang ginagawa ko. Actually sa bahay ko na lang dinala ang trabaho ko, nagpaalam naman ako kay daddy and mommy. Pumayag naman sila na tatlong araw muna ako rito sa bahay na tapusin ang ibang bagay. Hindi ko na muna inisip yung mga apat na gwapong nilalang. I was been stress so bad. I can't take that struggles, dahil akala ko handa na ako at kaya ko, so I choose this, kaya pinili ko muna ang umiwas para makapag isip.

Pero ang totoo, nalilito ako- naguguluhan ako sa posibleng desisyon at hakbang ko. Hindi madali ang ganito, kaya sana maunawaan din nila ako.

NAISIP kong pumunta sa airport ng pasado alas-tres, ako lang mag isa. Busy rin kasi si mom and dad at kaya ko rin naman ang magmaneho. Halos 30 mins din ang biyahe pero kaya naman. Gusto ko na rin siyang makita talaga at mayakap. Alam kong marami kaming pag-uusapan.

Nagmaneho na nga ako, at natatanaw ko na rin ang ilang mga kakauwi lanh galing sa iba't ibang bansa na naghihintay ng kanilang sasakyan o ang mga susundo sa kanila. Ngunit habang binabaybay ko ang daanan, may nakita ako isang lalaki na hindi ko alam kung anong koneksyon naming dalawa. Pero... nawala rin ang iniisip ko ng makita ko si bestie na nasa kanan banda na naghihintay ng kotse. Binilisan ko ang pagmamaneho para ako ang sumundo sa kanya.

Hindi niya rin kasi alam na ako ang susundo sa kanya, hindi kasi ako nag iwan ng mensahe. Gusto ko kasi siyang surpresahin. Tinabi ko muna sa gilid ang kotse ko kung saan medyo malayo sa kanya. Wala pa naman siyang nakikitang kotse. Naglakad na ako palapit sa kanya. At habang pasimple akong lumalapit sa kanya para hindi niya agad ako mapansin, napansin kong palinga-linga siya.

Hanggang sa makarating na nga ako sa likod niya, pansin ko nga may tinitingnan siya. At ang kaniyang mga mata ay nakatuon doon sa kaliwa yung lalaking napansin ko rin kanina. Napataas ako ng kilay dahil sa pagtataka. Hinayaan ko muna siya at pinagmasdan ang gagawin niya. Ngunit sumenyas ito na magpapara ng kotse kaya inunahan ko na.

"Bestieeee!" sigaw ko mula sa likuran niya.

Nagulat ito at halos ihulog ang bag na hawak niya. Ngunit niyakap ko na siya, pinaunlakan ng samo't saring pangungumusta. Subalit mas pinili niyang magkuwento na lamang kapag nasa condo niya na mismo. Sinunod ko ang gusto niya, sapagkata alam kong pagod din talaga siya sa biyahe, hindi rin biro ang maupo ng ilang oras. Nakakaumay.

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse ko, ang dami niya rin palang dala. Ano-ano kaya ang pasalubong niya sa akin? Halos mapangiti ako sa aking naisip.Pero sa huli, pinili kong kulitin siya sa nangyari kanina.

"Huy bestie! Ikaw ha! Sino yung lalaki na pinagmamasdan mo kanina? tawang sabi ko habang patuloy na naka-focus sa pagmamaneho.

"H-ha? Utal nitong tugon.

"Yung lalaki kamo na tinitingnan mo sa kalayuan, ikaw ha? magkuwento ka na kasi." Pangungulit ko at saglitang tumingin sa salamin na nag-re-reflect sa tao sa likod para makita ko ang reaksyon niya.

"Wala iyon bestie. Wala!"

"Sus! Kilala kita bestie ha? 'Wag ako!"

"Hays bestie talaga! Kahit kailan alam na alam mo, nako talaga! Oh siya, kasabayan ko lang siya. Pamilyar kasi siya, tinitigan ko kasi siya pala yung nakaiwan ng panyo sa airport sa US tapos hinabol ko pa kasi ako yung nakakita. Tapos biglang nandito siya, like sinusundan niya ba ko?" Iritableng paliwanag nito.

Halos mapangiti naman ako sa paliwanag niya. Mukhang nangangamoy something ha, pero ang weird 'non. Bihira yung same place na uuwian ninyo both tapos magkikita ulit kayo.

"Destiny mo na yata bestie!" Tugon ko sabay halakhak.

Tinarayan naman ako nito, "Hindi bestie noh! Kakahilom ko pa lang, hindi pa ko handa sa pag-ibig na 'yan." Pagtataray nito.

"Nako bestie, magmaneho ka na lang, marami akong pasalubong sayo." Dagdag nito dahilan para piliin ko ang pananahimik.

I really know her, she is my childhood friend. Ayokong darating sa punto na maiinis na talaga siya dahil kapag pagod siya mabilis siyang mainis o hindi kaya she ended up to angry. So I choose to limit the communication because she need rest and respect.

Habang nagmamaneho, tinitingnan ko mula sa likuran at pakiramdam ko marami marami siyang ikukwento mamaya. At nakikita ko rin naman sa kanya na okay na siya, alam kong sa tagal niya sa US nalaman niyang kaya niya na. At sa totoo lang, gusto ko rin na malaman niyang ang gulo ng sitwasyon ko. Sa sobrang gulo, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Malapit na tayo, bestie sa condo mo." Pagsira ko sa katahimikan, tinigil ko muna rin ang mga iniisip ko. Siguro kapag okay na, tsaka ako magsasabi sa kanya.

Ngiti lang ang tinugon niya sa akin. Hanggang sa tuluyan na namin narating ang kaniyang condo.

Nagpatulong na kami sa guard and staff na dalhin ang ilang gamit niya. Medyo marami rin kasi, at tinungo na rin namin ang room niya.

"Okay ka lang ba bestie?" takang tanong ko rito dahil kanina pa kasi siya tahimik. Iba yata tama ng lalaking nakita niya kanina.

"Oo naman bestie!" Masigla nitong tugon.

Ngumiti na lamang ako at dinala ang ibang dalahin niya sa kaniyang room.

"I missed you so much bestie!" Biglang sigaw nito at niyakap ako, kasalukuyan na rin kasi kami nasa room niya. Pinababa ko na rin ang mga gamit na dala-dala niya.

"I missed you more, bestie." Malambing kong tugon at ngumiti sa kanya ng kay tamis.

Nakita ko ang kasabikan niyang makita at makasama ako. Akala niya siguro nagtatampo pa rin ako, pero alam ko naman at naiitindihan kasi ang pinagdadaanan niya.

"Sorry bestie ha, alam kong yung umalis ako wala akong pasabi. Pero salamat kasi nandito ka, akala ko hindi mo ako susunduin o pupuntahan." Emosyonal nitong paglilinyahan.

"Nako bestie, hindi ah. Nalungkot man ako pero naiintindhihan kita. Alam ko naman din kasi na nahihirapan ka that time." Tugon ko.

Halos maging emosyonal kaming pareho sa oras na 'yon pero nakita ko na seryoso talaga siya.

Niyakap ko na lamang siya para maging kampante siya, at malaman niyang wala akong sama ng loob sa kanya. Dahil ang totoo, nauunawaan ko talaga siya.

"Salamat, bestie." Ngiti nitong sabi.

At sa mga oras na iyon, nakita ko ang totoong regalo niya. Bukod sa mga materyal at mamahaling bagay na mayroon siya ay ang pagtatama sa mga maling nagawa niya.

At para sa akin, pagpapatawad at pagmamahal ang sukli sa regalo niya.

The Glamorous LadyWhere stories live. Discover now