Part 41: Revelation of the 4 boys

4 0 0
                                    

The lucky guy

SAVANNAH POV

ILANG araw na rin ang lumipas at naging abala ang bawat isa.  Hindi ko na rin masyadong nakakasama si bestie dahil nagkaroon ng urgent meetings ng sunod-sunod sa kompanya nila. Habang ako, ito marami rin ang inaasikaso ko para sa proyekto naming lima.

Kahit na ayoko na silang makasama at makatrabaho dahil nakakagulo sila sa puso at isip ko. Pinili ko na lang pabayaan ito, inisip ko na lang na kailangan magkaroon ako ng focus dahil ayokong madismaya ang parents ko. Ayokong maging rason lang ng kawalan ng kosentrasyon ko silang apat— Mga lalaki.

At habang inaasikaso ko ang papeles, tiningnan ko muna sa aking laptop kung ano bang iskedyul ko ngayon. At napalunok ako nang sunod- sunod dahil sa mga nakita ko.

Ayoko man sundin ang mga nakalagay rito pero wala akong magagawa dahil nandito na. Hindi ko alam bakit laging ganito ang ginagawa ni daddy. Oo, si daddy lang naman ang gumagawa ng iskedyul ko sa kompanya. Ang nakakalungkot pa ay isang linggo na naman silang kasama at paniguradong  pagsubok na naman ang kakaharapin ko.

Okay girl. Inhale, exhale. Breath! Kaya mo 'yan. Wala kang gagawin kundi ang mag-focus at huwag silang bigyan ng pagkakataon pa. You need to show who you are. Hindi ka marupok, hindi. Malabo...

At pagkatapos kong palakasin ang sarili ko pinili ko munang isara ang laptop ko at mag-unat-unat. Iisipin ko na lang na lahat ng koneksyon ko sa kanila ay trabaho lang, oo as in trabaho lang. Hindi na lalagpas doon, wala akong pipiliin. Wala!

Tumayo na ako dahil pagkatingin ko sa oras ng selpon ko ay saktong alas dose na. Kaya niligpit ko muna ang mga gamit ko bago tuluyan lisanin ang opisina ko.

CAFETERIA

Saktong-saktong ang pagpasok ko sa Mini Cafeteria ng Syncthecia. Hindi naman sa ayokong walang customer dito sa amin. Feel ko lang ngayon na huwag masyadong matao. Dumiretso na ako counter para sabihin agad ang order ko, dahil sa totoo lang gutom na gutom na rin talaga ako.

Inorder ko na lahat ng gusto kong kainin. Hindi naman siguro ako tataba ng isang araw noh? Ewan ba, sana lang maubos ko lahat ng iyon. Nasabi ko na lahat ng orders ko sa staff namin, kaya dumiretso na ako sa kanan na wala masyadong tao para doon ang maging puwesto ko.

At habang naghihintay, nagmamasid lang ako sa paligid. Halos ilang taon na rin pala ito at kitang-kita pa rin ang mga pagbabago rito. Dumadami na rin kasi ang mga empleyado ni daddy, at baka nga sa susunod lakihan niya na rin ito yung tipong ipapalagay niya na lahat ng iba't ibang klase ng mga pagkain.

At kung mangyayari iyon, hindi na hassle para sa lahat. Madalas kasi mga simpleng pagkain lang ang mayroon dito.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may natatanaw akong pamilyar na lalaki. May dala-dala itong pagkain, at ang nakakawindang ang dala-dala niya ang mga pagkain ko.

Wait, anong ginagawa niya rito?

Hanggang sa ipatong niya sa lamesa ko ang mga ito. "Hi milady! This is your orders!" Masiglang bigay ni Jay sa akin ng nga pagkain ko.

"T-Teka, anong ginagawa mo rito? Ikaw lang ba?" takang pagtatanong ko.

"Nakakatampo naman 'tong milady ko, opo ako lang po ang nandito. I cook for you pero bakit iba pa ang hinahanap mo?"
Malungkot nitong tugon.

"No! Sorry, hindi naman sa gano'n. Nagtataka lang ako may mga chef naman bakit ikaw pa ang nagluto?" Paglilinaw ko.

"Actually napadaan lang ako rito, gusto ko lang sana kasi magkape. Nakakaumay kasi roon sa kompanya namin. Kahit bukas pa ang iskedyul ko rito. Tapos nakita kita na kakain na, sabi ko try ko kayang ipagluto ka. So taste it." Mahabang linyahan nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

At dahil na rin gutom na ako, kumain na lang din ako ayon din sa sinabi niya. Inisa-isa kong tikman ang niluto niya, hindi pa talaga siya umalis at nakiupo pa talaga sa table ko.

"Just enjoy your food. Busog naman na ako na makita kang kumakain."

Halos ibuga ko lahat ng nakain ko. At dahil alerto si Jay, inabutan niya agad ako ng tubig. "Hey, be careful. Ako lang naman 'to. Masarap ba?  Well, ako lang naman ang masarap magluto sa aming apat." Dagdag nito na siyang ikinairita ko lalo.

Inayos ko muna ang sarili ko bago magsalita, "Okay sige masarap na 'tong niluto mo pero bakit ba andito ka pa?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Grabe naman miss, ganiyan mo ba talaga ako mamiss? Aalis ako pagkatapos mong kumain. Ubusin mo na po iyan. Ngayon lang kita nakita ng harapan, huwag mong ipagkait dahil sa totoo lang namiss kita."

Sa pangalawang pagkakataon, nabilaukan na naman ako.
Ininuman ko agad ng tubig. Wala man lang kasi preno ang bibig, kailangan talaga habang nakain ako nagpapakilig? Ang sarap niyang batukan para matauhan.

"Alam mo Jay, okay na eh kaso ang ingay at magulo ka. Salamat at busog na ako," inis kong sabi at kahit hindi pa talaga ako busog, pinili kong tumayo dahil hindi talaga ako mabubusog sa ginagawa niya.

Ngunit pinaupo niya ako, "Sorry na, sige na aalis na ako para makakain ka nang maayos. Finish your food. Sayang naman kung hindi mo uubusin. I have to go, milady. Take care." Malambing nitong turan at tila kusa akong umupo. At bigla niya akong hinalikan sa noo.

Pagkatapos ng mga oras na iyon, tuluyan niya akong nilisan. Habang ako ay natulala naman.

"Yieee! Grabe po ma'am ang sweet po talaga ni sir Jay noh?" biglang daldal ng isa sa babaeng staff namin.

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig iyon. "Focus to your work, Bea." Seryosong tugon ko at kinain ulit ang pagkain.

Humingi naman ng patawad ang staff namin na si Bea dahil sa kaniyang ginawa. Pero sa totoo lang tama naman siya, his action is amazing and very effortless. Kahit sino kikiligin pero this time ayokong pairalin iyon. Ayokong masira ang mga salita ko kanila lang.

Kaya inubos ko na lang ang pagkain, at habang kinakain lahat ng niluto niya ay napaisip ako. "Ano pa kaya ang kaya mong gawin, Jay? Hindi ko alam bakit iyon ang nasagi sa isip ko pero isa lang ang nakakapanibago, naubos ko yung niluto niya. This is the first time that I finished my lunch meal.

Usually kasi hindi ko nauubos dahil nagmamadali ako. Alno bang secret recipe niya at ganon na lang kasarap lahat ng niluto niya? At imbes na mag isip pa ako nang mag isip. Pinunasan ko na ang bibig ko at akmang tatayo na para bumalik sa kompanya ng biglang...

"Ma'am, ipinabibigay raw po ni Sir. Jay." Inabot nito ang paper bag. Kinuha ko na lang iyon at sinabing "Salamat, Ven. Pakiligpit na lang ito tapos na kasi ako. Nandiyan pa ba siya?"

"Walang anuman po, ma'am. Sure po! Kakaalis lang po, sige po  ma'am ligpitin ko na." Tugon ng waiter namin at inasikaso na ang kinainan ko.

Umalis na ako sa table ko at dumiretso na sa elevator. At habang nasa elevator ako, napaisip na naman ako.

So he see it? Grabe Jay, baka lumaki na naman ulo mo. Pero bakit may pa-kape pa tapos may tinapay pa. Anong mayroon?
Halos kausapin ko na nama ang sarili ko.

At dahil sa 4th floor pa ako, tiningnan ko ang paper bag. Mabuti na lang ako lang ang tao rito, at may nakita akong sulat.

To: Milady Savannah

Hi milady! I am glad that you finished your food. Ang sarap ko noh? Este ng pagkain. Anyway, here's my bake too at tinimpla kita ng kape. I actually visit your cafeteria dahil talaga sayo at syempre marami 'yang mga binake ko, yung mga natira binigay ko na sa mga staff mo. See you tomorrow. Take care of yourself. I miss you so much!

From: Your handsome Jay ♥︎♥︎♥︎

At may puso-puso pa talaga sa gilid ng pangalan niya. Hanggang tumunog na ang elevator, senyales na nandito na ako. Lumabas akong nakangiti. Hindi ko mapigilan dahil sobrang thoughtful and kind niya.

Pumasok na ako sa opisina,  napaupo at napangiti sa naisip ko.
Your so lucky Jay. But I realized something, ano pa kaya ang mga gagawin mo?

At ano pa kayang mga ihahanda ng mga kakompetensya mo?

The Glamorous LadyWhere stories live. Discover now