|Chapter 29|

177 39 12
                                    

°°°°°

Jaqy's POV

Oh no! For pete's sake! Bakit nya pa dapat makita ang pagbabago kong ito? Oh crap. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?!

Oh Jaqy keep cool. Keep cool!!

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kakatapos lang ng pagbabago ko ng katawan sa masakit na paraan at habol ko pa ang hininga ko pagkatapos nun. Tapos nung nahimasmasan ako ito ang mangyayari sa akin? Putek! Ang subrang malas ko naman pala eh. Hinihingal ulit ako. Natataranta ako! Argh! Jaqy sabing keep cool lang!! Ahhh tokwa! Kinakabahan ako.

"Woi!!" biglang sabi nya at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat. Dahil sa wala ako sa utak ko kanina at dahil sa biglang paghawak nya sa balikat ko nagulat ako ng todo dahilan para mapatili ako.

Napatingin ako sa kanya ng subrang talim kulang nalang matumba sya sa sahig at mangisay. Well nagpapasalamat ako kasi nawala ang kabang nararamdaman ko kanina pero still nakakagulat pa din iyon.

Nung napansin nya ako agad syang lumayo. Kitang-kita sa mukha nya ang takot at kaba. Just then I want to laugh his face real hard but I manage to control myself. I still need to keep my cool aura though para matakot pa din sya. Wala lang gusto ko lang syang matakot bakit ba?

"P-pasensya na. Sorry! Kasi naman subrang hinihingal ka kahit anong pagpapakalma ko sa iyo gamit ang mga salita ko hindi mo pa rin pinapansin. Lalo akong kinabahan nung namutla ka pa." natatarantang sabi nya. Hindi ko mapigilang mapangiti pero nanumbalik ang kaba though hindi na ganun ka malala kagaya kanina.

"S-sorry."

Napakagat ako sa labi ko sabay tungo. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at inilagay ang isang kamay ko sa likod at kinuyom ko ang kamao ko. Sorry? Ghad! -.-

"H-huh? B-bakit ka naman humihingi ng pasensya?" tanong nya. Tumingala ulit ako at tiningnan sya sa mata. Bigla ko namang naramdaman ang mukha ko na uminit. What the! Asdfghjkl!! Damn this feeling! Walang oras tong feelings na ito ah. Panira ng moment! Nilihis ko ang paningin ko sa ibang direksyon. Shit na malagkit nalang if napansin nya yung pamumula ko ng mukha.

"Kasi nagsinungaling ako." sabi ko. Umabot ng ilang segundo yata pero wala syang sinasabi. Nagtaka ako. Wala syang sasabihin? W-wala syang ire-react? Ganun na ba yun? Tiningnan ko sya at nung ginawa ko yun nakita ko ang labi nya na nakangiti. Tokwa? Anong iniisip nito? tanong ko sa sarili ko. Parang masaya pa yata sya na nagsinungaling ako ah.

"Go on. Ano ba yung kasinungalingang tinutukoy mo?" tanong nya na may ngiti pa rin sa labi. Napailing na lamang ako. Yung totoo nakahithit yata to eh.

"Problema mo? Okey ka lang?" kasi naman noh. Wala palang kwenta ang effort ko magpapakakaba kanina tapos wala lang? Putek na.

"Wala naman. Okey naman ako." sabi nya na nakangiti pa din. Napangiwi ako. "So?" sabi niya pa.

"Nagsinungaling nga sabi ako."

"Kaya nga. Ano ba yun?"

"Tsk! Kairita ka!"

Ugh! Ewan ko kung ano ang pumuputok ng butsi ko! Masaya na nga ito eh hindi sya galit! Hindi ako mahihirapan sa pag-e-explain. Oo nga't naguguluhan sya pero grr gusto ko kasi syang magalit o mainis man lang pero bakit kabaliktaran? Bakit panay pa sya ngiti sa akin na parang wala lang instead mukhang pabor nya pa ang nalaman nya?! Pinagloloko ba ako nitong taong to?

"Sabihin mo na. Naghihintay ako Aud." sabi nya. Bumuntong hininga ako. Ang weird talaga nitong taong toh. Naalala ko tuloy yung sabi ni Audry sa akin doon sa isang tao. Itong-ito ang pagde-describe ni Audry sa akin eh. Hindi ko daw sya matimpla same with this guy. -.-

Slice of Her and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon