|Chapter 30|

207 36 7
                                    

°°°°°

Jaqy's POV

"Whoa!" gulat na sabi ko sabay hawak sa handle na nasa taas ng bintana ng sasakyan. Napatingin ako sa unahan at matalim ang mata na tiningnan ang aso na ngayon ay nasa gilid na ng kalsada. Putakteng aso yun ah! Maaksidente pa kami nito ng wala sa oras eh. May narinig ako na mahinang tawa kaya lumingon ako at dahil dun lalo lang nandilim ang mukha ko.

"Okey. I'll stop- Hahaha." natatawang sabi ni Ythan o Hanz. I rolled my eyes at tumingin sa labas.

"Go back to driving Ythan." I said with a low voice. Umandar na ulit ang sasakyan at maya maya napahikab ako. Ugh! Nakakaantok ang mga ilaw sa labas ng sasakyan.

"You know what Jaq, you can sleep. Gigisingin nalang kita pag nasa bahay na tayo ni Paula." sabi nya. Tiningnan ko sya tapos umiling.

"Ayaw ko."

"Childish."

"Am not!" I said. Nakita kong tumawa na naman sya. I rolled my eyes. Tumingin ako sa labas at isinandal ang ulo ko sa bintana. Pasimpleng tinakpan ko ang bibig ko para matago ang pagngiti ko. Napapikit ako. Naalala ko ang emosyon ko na naipalabas ko matapos kong maalala kung sino sya. My smile and the hug gusto ko tuloy i-parewind ang nangyari kanina para bawiin yun. Argh! Nakakahiya! I let out a sigh.

Okey. For once ipapalabas ko lang muna itong nararamdaman ko. Being vulnerable sometimes wouldn't hurt right? Eeh! Ang hirap nito... nakakahiya!

Si Hanz ay isa sa matalik naming kaibigan ni ate Audry at kuya Kayne simula pa pagkabata. Kasama na din si Paula na pinsan nito at best friend ni ate. Business partners ang dad ni Pau at yung sa amin magkakapatid samantalang yung si Hanz ay nasa middle class. Hindi kasing yaman namin pero hindi naman kasing hirap ng... you know na. Maganda ang childhood days namin iiyak ang araw pag walang tumatawa sa amin o iiyak dahil sa pang-aalaska. Hanggang isang araw matapos ang graduation naming magkakaibigan sa elementary isinama ako ni Hanz sa puntod ng mama nya para magpasalamat. Kami lang dalawa nun. Patawid kami sa daan nung may paparating na sasakyan at sa tansya ko hahagipin nya si Hanz. Agad kong itinulak sya at kesa sya ang madali at mapuruhan isinakripisyo ko ang sarili ko at ako ang nahagit.

I've been in coma back then because of the accident. Pero nung nagkamalay ako at sa mga theraphy na dinaluhan ko kahit papaano bumabalik ang lakas ko. Sa totoo din nyan hanggang ngayon hindi ko pa talaga naalala ang lahat ng nangyari noon kasi nga bata pa ako nung nangyari ang mga yun. Tapos naging lantang gulay pa ako for almost 3 years kaya nangangapa ako after kong magising. Si Audry ang naging daan ko para kahit papaano may alam ako tungkol sa mga nangyari noon. Noong nagising ako at nalaman nyang hindi ko sila masyadong naalala sya, si kuya Kayne, pati na din si Paula at si papa tsaka si Aine ang matyagang nagkwento sa akin tungkol sa nakaraan ko. Dun ko nalaman na may importante pa palang tao ang nakalimutan ko. Nakilala ko si Hanz dahil sa mga kwento nina Audry, kuya at Pau pero ni minsan hindi ko nakita ang mukha nya kasi pinagbawalan kami lalong-lalo na ako na iungkat ang nakaraan na kasama namin si Hanz kaya patago yung pagkwekwento nila. Ewan ko din sa Aine na yun kung bakit napakaparanoid nya. Nagawa pa nga nyang sunugin ang mga litrato kasama na dun ang mga litrato ding pagmamay-ari ni Paula.

Palihim na napatingin ako kay Ythan. Naalala ko ang paliwanag nya kung bakit hindi sya nagpakita matapos akong magising at biglang naglaho na parang bula. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa bintana at pumikit. Sabi nya:

"Pupuntahan naman talaga kita Jaine kaso hinarangan ako ng mommy mo. S-she said that I don't deserve to be friends with you guys because were poor. Tapos kinosensya nya ako ng todo at kung hindi daw ako lalayo mawawala ang maliit na kompanyang pinagurang tayuin ni mama. Sorry, I don't want to badtalk about your mom but I'm just being honest cause you said so."

Slice of Her and HimWhere stories live. Discover now