|Chapter 32|

175 36 7
                                    

°°°°°

Jhad's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at agad bumungad sa akin ang puting kisame sa kwarto ko. Napabuntong-hining ako. Oo nga pala nasa bahay ako ng mga Zerien. Tumayo na ako at matapos manghilamos agad akong bumaba. When my eyes landed in the living room. I saw two guys sitting in the sofa and watching a show, while eating their breakie perhaps.

"Morning." narinig kong may bumati sa likod ko kaya lumingon ako.

"Oh Ythan morning rin." ganting bati ko din sa kanya.

"Kumain ka na." sabi ni Ythan. "Coffee, Jaine?" pagpatuloy nya pa sabay angat ng cup nya. Nakangiting umiling ako.

"Ayaw ko. Sige pasok lang ako sa kusina." sabi ko at pumasok na nga.

Tatawagan ko mamaya si Paula baka may impormasyon na sya tungkol sa taong yun. Tsk! May pa-deal deal pa kasing nalalaman itong si Mackie eh yan tuloy nahihirapan kami. Tapos limitado pa ang oras ko. Nakngtulips! Tsaka ang nakakatawa lang ako pa talaga sa milyon-milyong tao dito sa mundo ang ginawa nyang geunie pig para masubukan nya ang pags-spell nya kuno. Putek! Nakakatawa. Grabe.

Susubo na sana ako ng kanin nung pumasok si Jayden. Dala-dala ang plato nya tsaka pasubo na din sya nun at kinakamay pa nya. Nagtagpo ang paningin namin and for some odd reasons I get awkward. Tumikhim ako at bumalik ako sa pagkain. Hindi ko din alam kung bakit panay tambol ng puso ko. Ano ba 'to?

Anyway, kahit hindi ko sya tinitingnan alam kong lumapit sya sa mesa. Inilapag nya ang plato just across me at medyo nagitla ako sa pagtama ng plato sa mesang gawa ng glass. Kinagat ko ang dila ko. Ugh! Sana hindi nya nahalata yun. Now I'm being a jumping scaredy cat. Wow! Inangat ko ang paningin ko at nakitang pumunta sya sa may ref. Kumuha sya ng isang pitsel ng tubig at pumunta sa may cupboard para kumuha ng dalawang baso.

"Ayos lang ang tulog mo?" tanong nya nung umupo sya paharap sa akin.

"Oo. Okey naman." sabi ko. Binalik ko na ang atensyon ko sa plato ko.

"Ganun ba? San kayo galing kahapon ni Ythan? Ang tagal nyong umuwi."

"Wala. Hindi naman importante." pagsisinungaling ko.

"Ganun ba?" tanong nya. Tiningnan ko sya at tumango. Ngumiwing tumango din sya at kumain na nga. Katahimikan lang ang namayani sa mesa namin sa oras na ito. It's very quiet that I can even hear the ticking of the clock. Lalo kong binilisanan ang pagnguya at lunok ng mga pagkain sa bibig ko. I want to get away from him right now. Gusto kong lumayo sa kanya kahit wala syang ginagawa sa akin ngayon.

I like you and I don't care if you'll think of anything about my gender. Jhad, I meant what I said and I'll let you feel it no matter what it takes.

Natigilan ako at napalunok. Now there's the reason. Sinabihan nya nga pala ako na may gusto sya sa akin at hanggang ngayon naguguluhan ako sa dapat kong isagot sa kanya. Ugh! Bakit ba kasi dumagdag pa sya eh? Aside tuloy sa pag-iisip kung sino nga ang taong sumumpa sa akin iisipin ko din kung paano ko sya haharapin. Nakanaman oh sarap gulpihin lang. -.-

"Hindi mo ba sasabihin sa akin?" tanong nya. Tiningnan ko sya.

"Ano naman ang dapat kong sabihin sayo?" tanong ko. Tumayo na din ako at dinala ang mga pinagkainan ko sa lababo.

"Ikaw. Ikaw nga ang tinatanong ko diba?" tanong nya at narinig ko ang paggalaw ng upuan at maya-maya nasa gilid ko na sya.

"Wala naman eh." agad kong sagot. Nakakunot na din ang noo ko. Ano bang gusto nyang iparating?

"Wala nga ba?" tanong nya matapos sa ilang minuto din nyang pananahimik.

"Bakit ba? Sabihin mo nalang kaya sa akin kesa ipaligoy-ligoy mo." sabi ko at hinarap ko na sya. Natapos ko na rin ang paghuhugas ko.

"Gusto ko sayo galing Jhad. Ayaw kong magmula sa akin kasi baka itanggi mo lang." sabi nya.

"Ewan ko sayo." sabi ko at inirapan ko sya. Agad din akong umalis at lumabas sa dining. Buset! Anong gusto nyang sabihin ko? Wag nya kong bigyan ng kulang na kulang na statement kasi hanggang ngayon nalilito pa ako sa anong gagawin ko sa katawan ko. Paakyat ako ng hagdan nung may humawak sa braso ko.

"Wala ka ba talagang tiwala sa amin? Sa akin? Alam ko na ang sekreto mo. Sabihin mo na sa akin parang-awa mo na." sabi ni Jayden. Nagulat ako sa sinabi nya. P-paanong...? At bakit sya nagmamakaawa? Bakit?

"Anong nangyayari?"

Napalingon kami at nakitang si Lyth yun. Lumabas naman sa cr si Ythan na may pangamba sa mga mata. So hindi sya ang nagsabi. Paanong nalaman ni Jayden? Tiningnan ko sya ulit.

"Sabihin mo na Jhad ang totoo. Na ikaw at si Jaqy at si Jaine ay iisa." sabi ni Jayden.

"A-ano? Ythan anong ibig sabihin nito?" tanong ni Lyth. Halata sa boses nya na hindi sya makapaniwala.

"T-totoo ang lahat ng sinabi mo Jayden. M-maaari mo na akong bitawan." mahinang sabi ko. Naramdaman ko ang paggaan ng paghawak nya hanggang sa binitawan na nya ako.

"Tara. Doon na tayo sa sala para makapag-usap tayo ng maayos." maotoridad na sabi ni Lyth. Tahimik kaming sinundan sya. Pagkaupo namin agad kong naramdaman ang tensyon. Ohh! Ayaw ko talaga sa hotseat! Nakakawala ng dugo! Pero wala akong choice ngunit sabihin at ipaliwanag sa kanila ang nangyayari sa akin ngayon. Tsaka kung ano ba talaga ako. Sa oras na iyon tahimik na nakikinig lang sila Jayden at Lyth sa akin habang si Ythan na may alam na tinutulungan akong ipaliwanag sa kanila para maintindihan nila ng maiigi.

Nakatingin ako sa mukha nilang dalawa at ang nababasa ko lang ngayon kay Lyth ay pagkahanga at parang natutuwa pa sya. Parang ginagawa nya ang nangyayari sa akin ng malaking joke. Nakanaman oh. Tapos si Jayden wala akong ibang mabasa kundi ginhawa.

"Kukuha lang ako ng maiinom." sabi ni Ythan. Tumango ako. Nanuyo ang lalamunan ko dun ah.

"Si-" sabi ko sana kaso napatigil ako.

"Kung ganun hindi ko na pipigilan ang puso ko sayo Jhad. Makinig kayo, ikaw Jhad. Mahal kita." namumulang sabi nya at agad tumakbo papunta sa pinto. Naiwan akong nag-iinit ang mukha, naguguluhan, at gulat na gulat. Did he just say- Walang hiya talaga oh. Sa harap ba talaga ng dalawang to! Jaydeeeen!

Natigilan ako sa pagm-murder ni Jayden sa isip ko nung tumawa si Lyth.

"Anong nakakatawa?" inis na sabi ko.

"W-wala. Sige may lakad pa ako ngayon at sa hula ko hindi pa uuwi iyong si Jayden kaya mukhang kayo ang maiiwan dito." sabi ni Lyth at unti-unti na ding pumunta sa pinto.

"Bye." nakangising aso nyang sabi sabay kaway at sinara na nga ang pinto.

"Okey ka lang?" tanong ni Ythan. Umiling ako.

"Ahhh. May naisip ako. Hintayin mo ko dito may kukunin lang ako sa itaas at aalis tayo."

"Sa'n tayo pupunta?"

"Basta." sabi nya at iniwan na ako sa paanan ng hagdan.

"Teka wala pa akong ligo!" sigaw ko at umakyat na din.

-.-.-.-.-.-

Sinabi ko bang malapit na itong matapos? Hahaha. Kunti nalang. As in! Please support this 'til the end. Yieeee! Paramdam kayo peps... hehehe. Vote and Comment po kayo. :3 Thanks for reading dear SHH readers!

Jhad's pic---->

Slice of Her and HimWhere stories live. Discover now