|Chapter 25|

224 41 11
                                    

°°°°°

Jhad's POV

"Hey."

"Oh."

Tumabi sya sa akin kaya umusug ako ng kaunti. Nakaupo kami sa isang log dito ng coconut. Nakatanaw lang kami sa dagat na nilalanguyan nila Ythan at Jayden. Tinaas ko ang binti ko at hinug yun. Brrr!! Ang ginaw rin kasi eh kaso ayaw ko namang bumalik dun sa resthouse kasi tutunganga lang ako dun sa labas. Nilock kasi nung pesteng Jayden eh. Walang magawa. =___=

"Nag-enjoy ka ba?"

Napalumbaba ako. Fine, indeed I enjoyed it. The place was beautiful, nakakarelax. Presko ang hangin at napakapeaceful. I nodded. May naramdaman akong paglapat ng tela sa katawan ko kaya tiningnan ko yun. Nakangiti si Lyth sa akin habang inilalagay nya ang kamay nya sa ulo ko at marahang pinat. Napapoker face ako at winakli yun.

"Ginawa ba naman akong aso. Tss."

Tumawa naman ang loko kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Sa dagat actually. Kumakaway si Ythan sa aming dalawa at si Jayden naman nakasimangot na umaahon sa dagat. Kumunot ang noo ko nang mapansin na ako ang tinitingnan nya ng masama. Naku wag nya akong matititigan ng ganyan makikita nya talaga. Lumapit sya sa amin.

"Jhad tara langoy ulit tayo."

"Eh? Ayaw ko muna, nakakatamad."

"Ganyan ka naman palagi eh tumatamad kapag ako ang kaharap." sabi nya sabay padabog na lumakad papunta sa rest house. Sinundan ko sya ng tingin.

"Anong nangyayari?"

Lumingon ako pati yata si Lyth. Nakita kong nagkibit balikat ang katabi ko bago magsalita.

"Ewan. Parang nung highschool lang eh kung mainis ang bakla bigla-biglaan."

Tumango lang si Ythan. Hindi ko sila tiningnan pa kung hindi sa bahay kung saan nandoon si Jayden na padabog na sinara ang pinto matapos syang pumasok. Tumayo na rin ako sa pagkakaupo at umalis na dun sa pwesto. Lumalakad na ako pabalik nang may humawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"San ka pupunta?"

"Sa resthouse? Duh! Hindi ako tatakas kung yun ang iniisip mo. Ni hindi ko nga alam kong saan tayo sa parte ng Luzon eh."

"Nakakatawa ka talaga."

"Hindi ako nagjo-joke dito at pwede, pakibitaw? Nilalamig na ako Ythan."

"Ah oo naman. Sige pasok ka na dun. Dito lang muna kami ni Lyth."

Ngumiti ako ng kunti at tumalikod na. Naglakad na ako papunta sa resthouse. Umakyat ako sa apat na hagdan bago ako makaapak sa porch at lumapit sa pinto. Tumingin pa ako sa kanan at kaliwa. Nakakapanibago, ang tahimik kasi dito hindi gaya sa maynila na subrang ingay. Nag-iisa ring resthouse ito dito at walang katabing ibang resthouse kaya nakakabingi talaga ang katahimikan kung wala lang ang alon na humahampas sa dalampasigan. Itinaas ko ang dalawang balikat ko pagkatapos ipinihit na ang doorknob tsaka tinulak iyon. Pumasok na ako. Brrr. Ginaw talaga oh.

"Ngayon susundan mo ako?"

Huh? Lumingon ako just to find Jayden sitting behind his drum set. Yung ulo nya nakalumbaba kaya hindi ko makita ang mukha nya habang yung kamay nyang nakahawak sa dalawang drum stick kitang-kita ko naman kasi nakaangat yun at yung siko nya ay nakasandal dun sa isa pang drum.

"D'you hear me?"

Umismid ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Papunta ako sa hagdan nasa ikalawang palapag pa kasi ang mga kwarto.

Slice of Her and HimNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ