|Chapter 1|

875 68 33
                                    

Warning: Cusses and a scene that is quite sensitive are present. Excuse me for this part. Please open minded ang kailangan dito.

°°°°°

Jaqy's POV

"Shh!" Sita niya sa akin. Gamit naman ang mga mata ko tiningnan ko siya ng matalim.

"Wag kang maingay!" sabi pa ng kasama niya sabay takip sa bibig ko. Sheet! Kamay! Ewww! Sinubokan kong manlaban. Buwesit!

Binitawan na niya sa wakas ang bibig ko pero hinigpitan niya naman ang pagkakahawak niya sa aking braso. Yuck! Para na akong unti-unting pinapatay. Nakakapanghina.

Ano bang kamay ito? Ano bang trabaho niya at naging ganyan kakapal ang kamay niya? Tagabiyak ng semento? Buwesit talagang buhay oh. Tipong hindi mo gustong magpahawak o madikitan man lang ng bacteria pero roon naman umaatake ang coincidence. Buwesit talaga! Buwesit! Tapos ang malas malas pa! Ilang ulit na ba ako napadaan dito sa eskinitang 'to pagtrip kong maglakad-lakad tuwing hatinggabi sa panahong aatake ang insomia ko? Malapit lang ito sa bahay at wala pa namang nangyayaring kakaiba except ngayon-- Aargh! Ang sarap pumatay!

"Kulit niyo rin e 'no! Pakawalan niyo nalang sabi ako e!"

Imbes na matakot ng todo sa kanila dahil nga sa kalagayan ko ngayon pero buwesit na buwesit ako sa taong nakahawak sa akin. Sarap mangbigwas ng tao. Buwesit! Kainis!

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa akin kaso hindi niya talaga ako binibitawan.

"'Yan ang gusto ko pare, matapang. Rawr!" sabi ng isang gorilla sa unahan at bumungisngis pa ang impakto. Suminok siya palatandaang lango sa alak ang gago.

I really want to slap his forehead very hard 'yong tipong makakakita na ng tutubi na paikot-ikot sa ulo niya para magising. Dapat kasi sa alak i-banned tingnan mo nga ang epekto pag nasa espirito ka ng alak. Nababaliw at sa kamalas-malasan ako pa ang minalas. Galing!

Napatingin ako sa isang kingkong na kasama rin niya at aba tiningnan ako ng malagkit. O-kay? I'm used on being watched like that almost everyday but considering that those people are hot and good looking so it's okay. Kaso sa kaso ni kingkong capital Y-U-C-K-! Kinilabutan ako 'dre!

"Akin na nga sabi ang wallet mo, e!" Sabay sinok ni gorilla. Ngayon ko napansing may hawak hawak siyang-- wait. Tiningnan ko ito ng mabuti. Is that a bread knife?

"H-huh?" Dang! Natigilan ako sa bread knife. Anyways, I glared to the guy. "Wala nga sabi akong perang dala. Ang kulit! Ilang ulit ko bang uulitin sa inyo? Kung meron man ibibigay ko kaagad 'no. Argh! Pwede ba pakitanggal ng kamay mong nakahawak sa braso ko? Eww!"

"Anong wala?! Sa kinis at ayos mo pati maganda ka pa saka hula ko rito ka rin sa subdibisyong 'to ka nakatira so sinong niloloko mo, kami?!" Nakadilat ang mga mata sabay singhal ni gorilla sa akin with matching talsik laway pa. Tapos na akong maligo 'no!

"May pa so so ka pa riyan! Sige, bibigyan ko kayo ng calling card pero pakawalan niyo muna ako. Bukas pag wala na ang espirito ng alak sa katawan niyo tumawag kayo sa akin at bibigyan ko kaagad kayo ng pera. Promise!" Inangat ko na rin ang right hand ko para masabi talaga nilang nanunumpa ako. I want to get out of here. Like... now? Para magawa ko iyon ay dapat laruin ko muna ang laro nila. Tss!

"Promise?"

Nashock ako sa mukha ng tatlo. Biglang nagningning ang mga mata nila. Binitawan ako ni chimpanzee at nag-usap usap sila. Mga loko loko talaga akalain niyong naloko ko. Napatawa ako sa isip ko.

Mahina akong lumakad. Dapat na akong tumakas dito sa lugar na ito at sa mga unggoy na iyon. Pagkatapos, pagkauwi ko sa bahay agad agad akong maliligo sa maligamgam na tubig na binuhusan ng alcohol, isang truck ng alcohol! Tapos ibababad ko ang sarili ko roon ng matagal na matagal kahit makatulog ako sa tub at abutan ng umaga okay lang. Napahagikhik ako. Excited na ako! Napatingin ako sa kanila at agad ibinalik ang tingin sa harap. So long suckers!

Slice of Her and HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora