|Chapter 5|

385 58 22
                                    

°°°°°

Jaqy's POV

"Aray ko! Aray ko!"

"Che!" Sabay sapak sa kanya. "'Wag kang over acting ginagamot lang kita," sabi ko habang pinapahiran ng betadine ang pasa niya sa pisngi. Resulta kasi iyon sa biglang pagdagan ko sa kanya dahilan para mapahiga ito ng malakas sa sahig.

"Ouch! Teka 'tol bakla ka ba?" Tanong niya. Napalaki ang mga mata ko.

"H-hindi 'no! Hindi!"

"Aray ko. 'Wag mong idiin ang paglapat. Masakit!"

"Tsss."

Serious na serious ako sa ginagawa ko. Darn it. Is this the right thing to do? I don't know how to treat people. Sheesh! Anong sunod nitong betadine? Alcohol ulit? Ang tanong, bakit ko ba 'to ginagawa? Nakaka--asdfghjl! Grr!

Biglang hinawakan ng lalaki ang kamay ko seems like pinapatigil niya ako. Napatingin ako sa mga mata niya. He has an intense set of brown eyes. Gwapo naman siya pero may aura siyang kakaiba. Hindi ko lang ma-identify basta may kakaiba talaga.

"Are you gay?"

Agad ko siyang sinabunutan. Kainis! Kung hindi niya lang talaga ako tinulungan kahapon at inalagaan kaninang hating gabi dahil pusa rin naman... Tss! Hindi ko talaga 'to gagamutin. Marurumihan pa ang mga kamay ko.

"How many times do I need to tell you this, huh? I'm not a gay nor even a guy!"

"You're not a guy?! How come you have a dick if you're not a guy?" Pumula yata ang mukha ko. Ang dali niya lang sabihin ang d-word. Brrrr!

"A-ahm. Did I say I'm not a guy?" Pekeng tumawa ako. "You heard wrong I am a guy. You can even check my NSO if you're not gonna believe me," cross finger kong sabi. Oh please! Oh please! Believe me! Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto. Life saver!

"Gising ka na pala. May dala akong一 anong nangyari sa'yo?"

Siya! Siya iyong lalaki na may dalang payong kahapon. What the hell is he doing here? Don't tell me.

"Nag li-live-in kayong dalawa?"

"What? Me?!" sabi no'ng lalaking may pasa sa mukha.

"Siya?! Kalive-in ko?! Nababaliw ka na ba?!"

Okay. Too defensive... nah. Joke lang.

"Sa... lamat pala kahapon," mahinang sabi ko. Ang bigat sabihing salamat. Well hindi ako sanay 'no! Hindi ako sanay! Inilapag ng bagong dating ang tray sa mini table tsaka lumapit sa akin. Nagulat naman ako. Bakit siya lumalapit? Anong nasa isip niya? Habang humahakbang siya palapit ako naman umaatras palayo hanggang sa wala na akong maihahakbang pa paatras.

"Para sa lahat ng ginawa ko sayo hindi simpleng salamat ang kailangan ko," pabulong na sabi niya. Iniharang niya pa ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"A-ano?" Inilapit niya ang mukha niya sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya na humahaplos sa likurang bahagi ng leeg ko. Hi-hindi ako komportable! May binulong siya. Hindi ko masyadong naintindihan kasi ang nasa atensyon ko ang hanging tumatama sa akin mula sa parteng iyon ng katawan ko.

"Katawan mo." Bulong niya. Napalaki ang mga mata ko at agad ko siyang naitinulak.

"Anong sabi mo?! Lalaking-lalaki ako tapos ikaw lalaki ka rin naman 'di ba o bakla ka?! Bakit mo kailangan ang katawan ko?! Nababaliw ka na ba?! O gusto mong ipakulong kita sa salang harrasement!" Sigaw ko. Halos maputol ang ugat ko sa leeg. Baliw na siguro 'tong lalaking 'to. Anong akala niya sa akin an easy girl? Err nevermind. Anyways, anong katawan ko?! What is heck? Kainis! Kainis to the nth power! Tapos tingnan mo ang mukha niya para pang nakakita ng nwe specie ng organism kung makatingin sa akin. Gulat na gulat lang sa inasta ko? Dapat lang! Ano bang inaakala niya maging reaksyon magiging masaya kasi gusto niya katawan ko?! Insane! Crazy! Dumbass jerk! Argh!

Slice of Her and HimWhere stories live. Discover now