|Chapter 19|

252 51 20
                                    

°°°°°

Jhad's POV

"Argh!" Hiyaw ko sabay padyak padyak pa ng malakas. Nakakainis na lamok! Kanina lang ako pinagpyepyestahan. Ang gara rin nila sa mga makikinis ko pang balat ang napiling tusukin sa kanilang nakakainis na talim sa bibig ba iyon o ano? Ewan. Grrr! Bwisit na一 ah!

Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa labas ng bahay nakaupo sa gilid ng daan at nakatunganga lang hinihintay ang tatlong hari na dumating. Ay ewan! Nagtext kasi si Jayden sa akin na matagal-tagalan daw sila ng uwi gawa ng may practice sila at baka raw uumagahin sila o sa susunod na araw. Sa susunod na araw? Putspa! So hanggang susunod na araw rin ako makakapasok sa bahay nila? Napatingin ako sa cell ko. Tsk! Pwede ko namang tawagan si Audry na pumunta rito at dalhin ang susi ko pero useless lang kasi iniwan ko nga sa bahay nakalimutan ko namang saan ko iyon nilagay. Kung sana nga lang pwede ako makapasok do'n pwedeng-pwede na ako nalang mismo pero it's too risky.

"Sino ba ang tatawagin ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa phone ko at busy kakascroll down sa phonebook ko. Si Paula kaya? Wag nalang baka pag do'n ako magsta-stay may makikita akong bolang kristal, voodoo doll and such. Brrr! Creepy.

"Jhad?"

Napatingala ako matapos kong marinig na may tumatawag sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita ko siya.

"Danica. What are you doing here?" I asked at iniwas na ang tingin ko sa kanya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagscro-scroll down. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Wala lang gusto ko lang sanang bumisita sa'yo pero ba't nandito ka sa labas?" Tanong niya ulit. Tsk! Sa akin? Nakakatawa. Hindi ko siya pinansin at hindi na umimik. Kung alam niya lang na ako si Jaqy alam kong lalayuan ako nitong bruhang 'to tsaka ang ganda rin niya kung papansinin ng isang Jaqy Laine Viston. Wow lang.

"U-uhm. Galit ka pa ba sa akin?"

Still hindi ko siya inimikan bahala siya riyan. Pero sana nga lang tantanan niya na ang pag-uusap sa akin at lubayan na ako. Nakakasura pagmumukha niya pati boses. Umusod ako ng kaonti sa kanya. Actions speaks louder than words sana nga lang hindi siya magtatanga-tangahan. Narinig ko naman bumuntong hininga siya.

"Alam kong galit ka pa sa ginawa ko sa kaibigan mo. Si Audry? Sorry naman akala ko kasi siya si Jaqy."

Napasmirk ako. Oo alam kong wala kang planong saktan si Audry pero ginawa mo na tsaka ako pala 'yong may plano mong sampalin? Ingungod-ngod ko nalang kaya ang mukha mo sa semento. Tsss.

"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin? Humihingi naman na ako ng sorry e. Sorry na," sabi pa niya. Still ayaw ko siyang kausapin bahala siya riyan.

"Jhad? Hindi mo ba talaga ako papansinin? Humihingi na ako ng pasensya sa ginawa ko kay Audry. Sorry na," sabi nya at bigla niyang yinakap ang braso ko na siyang nagpitlag sa akin.

"H-hoy! Bitawan mo nga ako. Ang dumi dumi mo. Bitaw!"

"Ayaw. Sige na. Sorry na kasi," sabi niya sabay nguso pa at pa-asong mga mata. Kung ipoke ko kaya 'yong dalawang mata niya magiging bulag talaga 'to! Hinawakan ko ang mukha niya at buong p'wersang tinulak.

"Aray ko!" Reklamo niya pero still nakakapit sa braso ko. Walanya 'to!

"Bitaw nga. Nadudumihan ako! Bitaw! Ang kulit mo! 'Ge ka sasampalin talaga kitang Demonica ka! Bitaw!" Hiyaw ko. Naramdaman kong umiling-iling siya kahit nakatakip ang kamay ko sa pagmumukha niya.

"Ayaw. Pansinin mo na ako at tanggapin ang sorry ko. Sige na Jhad!"

"Bitaw nga! Bwisit!" inis na sabi ko.

Slice of Her and HimWhere stories live. Discover now