|Chapter 33|

225 36 6
                                    

°°°°°

Jhad's POV

"Teka! Hintayin mo ko!"

Narinig kong may sumigaw sa may likod ko. Paglingon ko agad kong nakita ang isang babaeng tumatakbo. Tiningnan ko kung sino ang tinawag nya at nakita isang lalaki pala iyon. Nakapamulsa at sa bibig may lollipop pa. Napangiti ako. Parocker rin 'to eh noh. Good thing lang at bagay sa kanya.

"Ang tagal mo!" inis na sabi nung lalaki. Nasa tabi na nya ngayon ang babae na ngayon ay hinahabol ang hininga.

"Paki mo?!" inis namang sagot nung babae. Napatawa ako. Nakakatawang tignan ang mga 'to pero agad naman rin akong napabusangot. Hirap talaga pag walang ginagawa tutunganga lang at mag-oobserba sa paligid. Nasan na ba kasi yung si Ythan? Sukat iniwan ako dito mag-isa eh.

"Oh."

Tiningala ko ang ulo ko't nakita si Ythan na may hinahalad na cotton candy. Tiningnan ko lang ang pagkaing yun.

"'Di mo kukunin? Paborito mo ito noon." sabi nya at umupo sa tabi ko. Tahimik na kinuha ko iyon at tiningnan ulit. Ineksamina kung may alikabok bang nakadikit. Arte na kung arte naninigurado lang, okey? -.-

"Hey. Ayos ka lang?" tanong ni Ythan.

"Hmm. Ba't mo natanong?" tanong ko at kinain na ang cotton candy.

"Parang wala ka kasi sa sarili. Iniisip mo pa ang sinabi ni Jayden sayo kanina?"

Natigilan ako sa pagkain at napakunot ang noo ko.

Mahal kita.

Mariing napapikit ako at umiling. Putapetae! Wag mong isipin yun Jaqy. He's just joking! Hindi nya-

Mahal kita.

Ugh! Ano ba?! Hindi! Hindi pwede! Hindi! Baliw talaga yung si Jayden alam na may haharapin pa akong problema tapos heto parang wala lang na nag-iwan ng bomba. Nakakainis talaga. Ba't kasi ginawa nya pa yun? Ba't ba kasi sinabi nya yun? And not to mention sa harapan pa nila! Yan tuloy tinawanan ako ni Lyth. Nakakasar talaga!

"Jaqy!" tawag ni Ythan sa atensyon ko. Lumingon ako sa kanya.

"Sorry. Ano nga iyon?" tanong ko. Nakakahiya. Tsk! Nakita kong bumuntong hininga sya tapos ngumiti.

"Makinig ka. Kalimutan mo ang mga problema mo ngayon. Just for today act as if you don't have any problem to face. Kalimutan mo muna sila ngayon. About the spell or even the thing about Jayden. Mag-enjoy ka ngayong araw." sabi nya. I rolled my eyes.

"It's not easy to act, Ythan. Niloloko ko lang ang sarili ko noh kung ganun."

"Well temporary lang naman eh." may pagkachildish na sabi nya at ngumiti pa. Napangiti ako.

"Fine." sabi ko.

"Punta tayo dun may rentahan ng bike."

"Tss. Di ako marunong. Wag na."

"Edi tuturuan. Tara!" sabi ni Ythan at tumayo na. Tumayo na din ako at tumabi sa kanya sa paglalakad.

"Nga pala Ythan. May babae ka nang mahal ngayon?" tanong ko. Wala akong ma-isip na topic at agad ko lang naisip yun matapos naming dumaan sa isang couple sa panay PDA.

"May hinihintay kasi ako."

Tiningnan ko sya pero ngumiti lang sya.

"Yung totoo. Nang gagago ka ba? Ikaw? Maghihintay? Weeh?" hindi makapaniwalang tugon ko. Tiningnan ko din ang features nya. Gwapo, mayaman na ngayon, at mabait naman itong si Ythan. Sikat pa. -.- Oh bakit wala?

Slice of Her and HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora