Chapter 3

2.8K 164 99
                                    

Diagnosis

Pikit ang mga mata na yumukyok ako sa babasaging lamesa na nasa harapan ko. Ang matapang na aroma ng kapeng tinimpla ko na siyang dahilan nang pagpunta ko rito sa pantry ng ospital ay agad na nanuot sa ilong ko ngunit hindi 'yon sapat para gisingin ang diwa ko. Nararamdaman ko na ang antok na kanina pa ako hindi nilulubayan sa kabila nang pagpipilit kong gisingin ang sarili sa iba't ibang pamamaraan. Kanina bago umalis sa bahay ay nakainom na ako ng kape, nakapag-almusal na rin ako, at naikot ko na rin ang buong ospital bilang pampagising pero ang antok na nararamdaman ko ay nangingibabaw pa rin.

Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pintuan ng pantry ngunit wala na akong lakas pa para balingan ang bagong dating. It's already seven am in the morning and I still haven't gotten an ample amount of sleep. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako makatatagal ngayong araw. Wala rin naman akong ibang masisisi dahil ako rin naman ang may dahilan kung bakit ako nauwi sa pagiging ganito.

Kasalanan pala ng Netflix dahil tinukso niya ako na manood at pilit na pinaniwala ko naman ang sarili kong pagdi-distress ang ginawa na hindi naman totoo dahil nadagdagan lang ata ang stress ko ngayon. I slept around three am only to wake up two hours after that for my shift here in the hospital to think na hanggang 7 rin ng gabi ang uwi na minsan ay sobra pa depende sa utos at okasyon. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko ang sarilig magpatukso sa kulay pulang mga letra ng Netflix sa kabila nang kaalaman na may pasok ako kinabukasan.

"Netflix ka pa," natatawang sambit ni Shane sa tono na halatang nang-aasar. Nasabi ko kasi kanina sa kaniya ang dahilan kung bakit para akong multong naglalakad sa pangingitim ng ilalim ng mga mata ko.

"Kasalanan ni Netflix at Captain Ri, mapang-akit," paninisi ko sa bidang lalaki ng KDrama na pinanood ko na siya ring dahilan ng pagiging puyat ko.

"Maghahanap ka na nga lang masisisi, 'yon pa talaga," natatawang salansa niya sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang paglundo ng kinauupan ko na sofa marahil ay naupo siya sa tabi ko. Hindi ako gumawa ng maski kaunting galaw dahil sa oras na gawin ko 'yon ay paniguradong iikot ang mundo ko sa hilo.

Ito talaga ang hirap kapag kulang ka sa tulog. 'Yong pakiramdam na para kang idinuduyan at sa bawat galaw mo ay parang hindi ka nakaapak sa lupa. Pakiramdam ko rin ay umiikot ang ulo ko at hindi na ako makakausap ng matino ng kahit na sino. Kung makikita lang ako ni Nurse Celino ay malamang na nalintikan na ako dahil sa ayos ko.

Mabuti na lang talaga at nakikiayon sa akin ang tadhana dahil wala ang ginang ngayon para sa isang personal na dahilan. Ngunit nagbigay siya sa akin ng utos na huwag akong agarang uuwi mamaya para sa dahilan na hindi ko pa alam. Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa bawat galaw ko ay hilo ang nararamdaman ko.

Pinipilit ang sarili na umayos ako nang pagkakaupo at hinarap si Shane na tahimik na sumisimsim ng kape nang magsalita siya, "dumating ang Director kagabi," imporma niya sa akin.

"Kailan?" tanong ko na sinundan ko nang pag-inom ng kape.

"Kagabi nga, nakikinig ka ba?" Napasimangot ako sa sarkastiko at nang-aasar na tinig na ganimit ni Shane. "Bago ako umuwi nakita ko siyang dumating, dito yata nagpalipas ng gabi. Baka may kinalaman sa pagpapatawag sa'yo ni Nurse Celino mamayang hapon."

Nangunot ang noo ko. "Anong kinalaman ko?"

Nagkibit-balikat siya sa akin at ibinaba ang inumin sa babasaging lamesa bago isinandal ang likod sa malambot na sofa. "Siguro ay may kinalaman sa pasyente mo. Gano'n kasi palagi ang nangyayari sa tuwing may bagong nurse na nakatoka sa taas."

Hindi ko nagawang intindihin ang sinasabi niya dahil hindi 'yon buong naipo-proseso ng utak ko. Pero sa tagal na rin ni Share rito sa ospital ay alam na niya ang mga kaganapan at kalakaran dito. Mas nauna kasi siyang nakapasok na sinundan ko ilang taon ang makalipas.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Where stories live. Discover now