Chapter 16

1.8K 114 10
                                    

Ten Years

"Hindi ka ba nabibilisan?" nalululumong tanong ko.

Nasa akin ba ang mali o sadiyang may ibang persepsyon lang siya patungkol sa mga bagay-bagay kaya hindi nagtutugma ang isipan naming dalawa. Para sa akin ay napakabilis ng mga naging pangyayari. Sa isang kisapmata ay ang dami na agad nangyari sa pagitan namin na hindi ko na magawang masundan o ang masabayan man lang.

Parang isang tulog lang ang nagdaan at ang dami na agad naging pagbabago. Sariwa pa sa memorya ko ang gabi na bumago sa buhay ko, na tila noong nakaraang gabi lang ay inatasan ako ni Mrs. Celino na maging nurse niya sa top floor pero ngayon ay kulang na lang ay magmakaawa siya sa harap ko na layuan siya kung sa dulo ng lahat ng ito ay iiwan ko rin lang naman siya. Ang usapan na dapat namamagitan sa amin bilang isang nurse at pasyente ay nawala sa konteksto at napalitan ng higit pa sa personal na usapan.

Paano ba kami umabot sa ganito? SA ganitong punto na hindi na pagbuti ng kalagayan niya ang iniikutan ng mundo namin. It feels like everything that happened in the past weeks that we spent with each other have been blurred out. Ang tanging nangingibabaw lang sa akin ay ang pag-amin niya at ngayon ay ang pag-uusap naming dalawa.

Kung susumahin ay humigi't kumulang dalawang buwan pa lang simula noong una ko siyang nakita at nakilala sa ospital bilang pasyente ko. At hindi ko mabigyan ng hustisya ang mga nangyayari sapagkat hindi ko talaga kayang kumbinsihin ang sarili ko na maniwala ng buo dahil masyadong mabilis para sa akin ang lahat.

"I met you two months ago, Tad. Only two months ago. Masyadong mabilis," nalilitong dahilan ko pa.

"Mabilis para sa iyo hindi para sa akin, Clementine." He smiled at me after letting those words out. And that smile looks so bitter in my eyes. "Hindi mabilis ang sampung taon, Clementine."

Umawang ang mga labi sa gulat na sinabayan pa ng nakabibingi pagpintig ng puso ko na sa sobrang lakas ay aakalain mong nasa tapat lang iyon ng pandinig ko.

Anong ibig niyang sabihin? Gusto kong isatinig ang tanong na iyon. Ngunit sa gulat ay hindi ako makahanap ng lakas ng loob.

"Sampung taon na kitang gusto, mabilis pa rin ba iyon para sa iyo?" nanlulumong tanong niya, nahihimigam ng lungkot at pangungulila.

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya matapos ay naglakad palapit sa akin. Hindi ako nakakilos sa kalituhan at gulat na idinulot ng mga nangyayari. Ang simpleng almusal lang sana ay nauwi sa isang malalim na pag-uusap. Ang payapang umagang aming dapat na pagsasaluhan ay napuno ng mga tanong at kaguluhan.

Mas lalo kong naramdaman ang malakas na pagpintig ng puso ko nang unti-unti niya putulin ang distansya sa pagitan namin. Maging ang bawat paghinga ko ay naging malalim na para bang anumang segundo ay kakapusin na ako ng hininga. Naging mas malala pa ang ganoong reaksyon ng katawan ko nang marating ni Tadeo ang harap ko ay walang pakundangan itiniklop ang dalawang tuhod para magawa niyang pagpantayin ang mukha naming dalawa sa pamamagitan nang pagluhod.

Mas lalo akong tinakasan ng lakas na makagalaw at inalisan ng kakayahan na makapag-isip ng tama. Halos isang dangkal na lang ang naiwan na distansya sa pagitan ng mga mukha namin na mas lumiit pa nang sakupin ng dalawang palad niya ang aking dalawang pisngi.

Ang gaan, kasabikan, pagpapaintindi, at pakikiusap ay naghahalo sa mga mata niya habang mariing nakatingin sa akin. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kaniya at yumuko na lang dahil hindi ko yata kakayanin ang mas matagal pa na pakikipagtitigan sa kaniya. Pero ang lakas para gawin iyon ay wala dahil katulad ng mga nakaraang pagkakataon na naglapat ang paningin namin, naroon na naman ang puwersa na nagtutulak sa akin na saluhin ang mga tingin niya.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Where stories live. Discover now