Chapter 12

2.1K 134 14
                                    

Tears

Sa tatlong araw na lumipas na nananatili ako rito sa condo ni Tadeo, ang bagay na ito ang palaging kumukuha ng atensyon ko. Umaabot na rin sa punto na sa bawat pagdaan ko sa gawi na ito ay matatagpuan ko na lang ang sarili ko na hihinto para magawa kong mapagmasdan ito ng kahit ilang segundo... na minsan ay umaabot pa ng minuto.

Hindi ko masabi ang eksaktong dahilan. The image is just simply familiar. Ang bawat anggulo no'n, maging ang kulay at maging ang maliliit na detalye ay pamilyar. At parang nasa dulo ng ng isip ko kung saan at paano ko iyon nakita pero malabo ang imaheng ibinibigay ng memorya ko kaya hirap akong alalahanin kung paanong naging pamilyar ang itsura no'n.

"Ano 'to?" tanong ko sa kaniya na alam kong kanina pa ako pinagmamasdan mula sa likuran ko.

He was sitting on the leather sofa of his living room while I was standing in front of a framed colored sketch of a teddy bear which I assume is connected to his company. Nasa pagitan iyon ng pintuan ng kuwarto niya at ng sa akin kaya naman kuhang-kuha no'n ang atensyon ko sa tuwing madadaanan ko.

"It was the design of the first edition of teddy bear that Cuddle Bears released years ago," sagot niya sa maingat na pagsasalita, tila may isang bagay na hindi gustong sabihin at ipaalam.

Nangunot ang noo ko. Humakbang pa ako ng isang beses palapit sa drawing na iyon para magawa kong mas mapagmasdan kahit na sapat na ang layo no'n para magawa kong makita ang bawat detalye. Pinasingkit ko ang mga mata ko habang inaalala kung bakit parang pamilyar ang bawat anggulo no'n sa akin.

Normal na disenyo ng teddy bear lang naman iyon. Kulay kayumanggi, may katabaan ang katawan, at nakangiti. Tipikal kung titingnan. Pero ang kulay pulang kapa sa likod no'n ang siyang kumukuha ng pansin ko. Masyado kasing pamilyar na para bang nakita ko na, sadiyang hindi ko lang talaga maalala. Kung tutuusin ay parang pangbata ang dating niya. Iyong klase na mas magugustuhan ng mga menor kaysa sa mga matatanda. Para siyang superhero dahil sa pulang kapa sa likod niya.

"Kasama ba ito sa mga ibinebenta niyo?" tanong ko ulit sa kaniya.

Tadeo cleared his throat before speaking again, "It was never available in the market."

"Never? Anong ibig mong sabihin?" Salubong ang dalawang kilay na humarap ako sa kaniya.

Mailap ang mga mata na humarap siya sa akin pero ang salubungin ang mga mata ko ay hindi nangyari. Yumuko siya at nagkamot ng batok na para bang nahihiya. "Iisa lang 'yan. At iisang tao lang ay may hawak niyan."

Mas lalo lang akong naguluhan sa narinig. Kung iisa lang ang ganito, bakit namumukhaan ko? Bakit pamilyar at parang nakita ko na gayong katulad ng sinabi niya ay hindi naman nila ipinagbibili sa madla?

"Huwag mo ng isipin masyado, Clementine. That was our root that's why I am keeping it," paliwanag niya.

Tumango ako kahit na mayroon pa rin sa kalooban ko na gustong lumingon at muling pagmasdan iyon. Marahan kong iniiling ang ulo ko upang tuluyang burahin ang mga pumupuno roon na hindi ko na naman mahanapan ng sagot.

Ang pag-iingay ng cellphone ni Tadeo na nasa center table ang pumutol sa ginagawa kong pag-iling. Sa layo no'n sa akin ay hindi ko nagawang makita kung sino ang tumatawag. Tuloy ay wala akong ideya kung bakit ang kaninang payapang mukha ni Tadeo ay nalukot at napalitan ng iritasyon. Hindi siya gumawa ng kahit na anong kilos para sagutin ang tawag hanggang sa naputol na lang ang linya. Ngunit mabilis ding nasundan ang pag-iingay nang muli na naman siyang tawagan ng taong iyon.

Marahas ang buntong-hininga na sunod na pinakawalan ni Tadeo. Pinasadahan niya pa ng kanang kamay niya ang itim at malagong buhok niya at sinuklay gamit ang mga darili niya. Inis ang siyang nababasa ko sa mukha niya. Na mas lalo pang nadepina sa pagkakakunot ng noo niya. At base sa mga nakikita ko, naroon din sa kaniya ang kagustuhan na patuloy na ignorahin ang tawag na natatanggap.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon