Prologue

5.3K 238 35
                                    

“Miss Guinto.”

Mabilis na napatayo ako ng tuwid nang marinig ko mula sa aking likuran ang boses ng head nurse namin sa maliit na ospital na pinagtatrabahuhan ko. Dahan-dahan akong tumayo at tinalikuran ang nurse station na kaninang kaharap ko para harapin si Nurse Celino.

Ang istriktong ekspresyon ng mukha niya ay hindi pa rin nawawala. Ang dalawang kamay ay parehong nakapasok sa harapang bulsa ng pang-itaas na uniporme habang marahan na tinatawid ang distansya sa pagitan naming dalawa.

The sound of her steps resonated along the empty hall. I swallowed hard when she’s almost near me. No, I am not afraid of her but I am more than nervous.

Kilala siya sa buong ospital bilang isang istriktong head nurse. Nasa late 40’s na ang edad niya ngunit bata pa rin ang itsura at postura. Sa pagkakaalam ko rin ay siya ang pinakamatagal nang nanilbihan sa ospital na ’to, na sa kabila ng ilang beses na pagpapalit ng mga tauhan ay nanatili pa rin siya rito at hindi nawawala.

People who worked here have high respect for her, that includes me.

But fear was greater when it comes to her. Parang nakakatakot ang magkamali. Hindi dahil sa madalas siyang magalit kundi dahil mas lumalamang, sa kahit na sino sa amin, ang kagustuhan na gumawa ng tama at malinis na trabaho bilang pagrespeto na rin sa kaniya.

“Yes po, Ma’am?” magalang na tanong ko.

“You’ll be assigned to the top floor from now on,” she announced.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Sigurado po kayo?”

“Yes. Nag-resign si Nurse Jimenez noong isang linggo lang. Short tayo sa tao ngayon. And you’re the only nurse available now.”

That explains why I haven’t seen Nurse Jimenez lately. Bigla na lang siyang nawala to the point na kahit kami ng mga kasama ko ay napapatanong na lang kung nasaan siya.

Kumuyom ang kamay ko sa biglang pagragasa ng kaba at excitement na sabay kong naramdaman sa puso ko. The top floor is something that I haven’t set foot on ever since I started working in this institution. Bawal kasi ang mga tao sa palapag na iyon, at palagi kasing iisang assigned nurse lang na nakakapaglabas-masok sa lugar na ‘yon.

It’s located on the fifth floor of the hospital, hence it was called the top floor. No one is allowed to enter unless there is a direct order from the director, that is being forwarded to us by Nurse Celino.

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko sa kabila nang pabilis nang pabilis na pagtibok ng puso ko. I won’t deny the fact that I wanted to enter that place. 

Simula nang malaman ko ang tungkol doon ay gusto ko nang mapuntahan. Maraming curious sa amin kung anong mayroon sa lugar na ’yon at kung bakit tila protektado ng buong ospital. At hindi lang din ako ang nakakapansin na parang may special treatment na nagaganap sa partikular na lugar doon.

“Ngayon ko na ho ba pupuntahan? Patapos na po kasi ang shift ko,” sabi ko.

“Yes, Miss,” sagot niya sa akin.

Mabilis na tumalima ako at nasa akto na nang pagkuha ng mga kakailanganin ko bago pumunta roon ngunit agad na napigilian ako ni Nurse Celino sa pamamagitan nang muli niyang pagtawag sa pangalan ko.

“There’s no need for that,” saad niya

Naguguluhang tiningnan ko siya. Nakita ko ang pagbuntonghininga niya na para bang maski siya ay napapagod na rin sa pagbibigay ng eksplanasyon tungkol sa ganitong bagay. Hindi ko siya masisisi sa bagay, magmula yata nang makapasok ako sa ospital na ito ay nasubaybayann ko na ang hindi lang iisang beses na pagpapalit-palit ng mga nurse na naka-assign sa top floor.

Madalaas na marinig ko rin sa mga kasamahan namin na noon pa man, bago ako dumating, ay ilang beses na ring nagpalit ng nurse roon. Ang karamihan sa mga dahilan na naririnig ko ay nagsawa na raw at napagod.

At ‘yon ang ipinagtataka ko.

Sa uri ng trabaho namin ay kailangan na palagi kang may baon na mahabang pasensya. Kailangan na hindi mo hahayaan na mapatid ang pasensya mo lalo na kung sa bawat lingon mo ay may mga bagay na ikaiinit ng ulo mo. And I couldn’t understand why people are saying that they grew tired of working at that particular floor of this hospital.

“Ma’am?” I asked confused.

“Just feed him and put this on him before he sleep.”

Sinundan ko ang paggalaw ng kamay niya. Mula sa bulsa ng kaniyang uniporme ay marahang inilabas niya ang kaniyang kamay kasabay ng isang bagay na mas nagdulot ng kaguluhan sa akin.

“Use this before leaving the room. Make sure that you properly put this on him,” she instructed.

Napapangangang nakatingin ako sa kaniya. “Po?”

“Use this, before he can kill himself.”

I was dumbfounded, more than that as a matter of fact. My eyes are still locked on those things that are now on top of the table of the nurse station.

And even with the footsteps of Nurse Celino leaving me, I didn’t make any move. Umangat ang kamay ko upang ramdamin ang bagay na ’yon. It was hard… and cold. And that alone sent shivers to my whole being as tension seeped into my every vain while staring confusedly at that object.

Posas.

---

A/N: Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to habang ang daming pending na isinusulat ko. But I just have that feeling to post this one. Hopefully ay masuportahan ninyo. The updates on this one wil be slow. As in slow talaga since I still need to do some research about this one.

Hoping that you'll support me on this new series. Thank you so much! :))

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Where stories live. Discover now