Chapter 15

2K 146 28
                                    

Plea


Sa kabila ng saradong mga mata ay nararamdaman ko ang pagtama ng liwanag sa aking mukha. Hindi iyon mainit, sa halip ay nagdudulot ng magandang pakiramdam sa akin. Na para bang isa iyong yakap na nagbibigay paalala ng isang buhay na mayroon ako ngayon.

Huminga ako ng malalim ngunit nanatiling nakapikit. At sa ginawa kong iyon ay nagawa kong malanghap ang pamilyar na amoy ni Tadeo. Mas nagsumiksik ako sa malambot na unan na nasa ilalim ng ulo ko na halos yakapin ko na iyon para lamang mas kumapit pa sa akin ang amoy. Napangiti ako ng walang partikular na dahilan. Basta ang alam ko ay magaan ang pakiramdam ko para sa umagang ito kahit na puyat ako.

I like you, Celemtine. So much.

Napabalikwas ako ng bangon. Ang kaninang nakapikit na mga mata ay nanlalaki na ngayon dahil sa muling pag-alingawngaw ng mga salita na iyon sa isip ko. Tinambol sa hindi ko mapangalanang dahilan ang puso ko at dinomina ang buong pagkatao ko na gumising sa akin.

"Fugebar..." lutang na saad ko, isang salita na ginagamit kong alternatibo para maiwasan ang makapagmura. Natutop ko ang bibig sa kaguluhang nararamdaman dahil sa bulong na iyon na narinig ko bago tuluyang tangayin ng antok. "Totoo ba iyon? O masyado lang akong nabihag ng mga emosyon dahil sa mga narinig mula kay Tadeo kagabi?" pagtatanong ko sa sarili.

Bumaluktot ang tuhod ko palapit sa dibdib ko matapos ay yumakap doon ang mga braso ko. Salubong na salubong na ang kilay ko habang sa isip ay pilit na binibigyan ng linaw ang kahulugang nararamdaman.

Maging ang pagbukas ng pinto ay hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin sa sobrang pagkalunod sa sariling isipin.

"Good morning, sushine," magiliw na bati niya sa akin.

At dahil sa kakaibang timbre ng boses niya ay napalingon ako sa kaniya. Bumati sa akin ang maganda niyang ngiti, salamin ng maliwanag na ekspresyon ng kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

May nagbago. Iyon ang sigurado ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang malayo na sa dilim na nakasanayan ko na. Iba ngayon. Sobrang kakaiba dahil parang ang gaan lang ng pakiramdam niya at tila walang mga emosyonal na bagaheng dala-dala.

"Hungry?" he asked. He took three big steps and was able to easily come close to where I was.

Katulad kagabi ay dumapo na naman sa ulo ko, sa buhok, ang kanang kamay niya. Marahan niyang inalis sa mukha ko ang mga tumatabing na buhok doon dala nang pagtulog ko. The smile on his lips never fade. And if it was still possible to grow bigger, that's probably what I am seeing right now.

"I actually cooked something. Kaso baka hindi mo gusto." Nginiwian niya ako matapos ay binawi ang sariling kamay para lamang mapakamot sa sariling batok. "You see, I am not friends with my kitchen. But I did try make one decent breakfast for you even though it's just simple pancakes."

"I... ahm..." Napangiwi ako sa hirap na makabuo ng kahit isang simpleng salita.

I was overwhelmed by his actions at the same time, I could still hear his whispering voice on my head. At hindi ko alam kung paanong aakto sa harapan niya. His changes was so sudden as if he is finally letting himself be free from what he has been keeping.

Tadeo let out a chuckle and went back stroking my hair. "I'll wait at the kitchen. Do your things first."

With one final storke he took a step backwards until he was out of the room. Tanging ang pagsuklay na lang sa sariling buhok ang nagawa ko matapos muling mapag-isa sa kuwarto. Ngunit sandali lang iyon dahil nauwi sa paggulo ko ng sariling buhok hanggang sa magmukha na akong bruha sa sobrang dami ng emosyong sabay-sabay kong naramdaman.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Where stories live. Discover now