Chapter 25

2.1K 118 7
                                    

A/N: This is the last chapter of A Manacled Patient. Thank you for supporting the story of Tadeo Kraus!


Farewell

Pikit ang mga mata na dinama ko ang malamig na panghapong hangin na dumadampi sa balat at pisngi ko. Sobrang sarap sa pakiramdam at sa kabila ng lamig no'n ay init ang naramdaman ko sa puso ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata para lamang batiin ng isang magandang tanawing bumubusog sa paningin ko. Papalubog na ang araw at ang kulay kahel na kalangitan at kapaligiran ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, inaapektuhan ako sa emosyonal na paraan.

Gustuhin ko man na pahupain ang lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Idagdag pa ang malamyos na musikang pumupuno sa buong rooftop ng coffee shop na kinaroroonan ko na lungkot ang dala. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko sa bahay na lang manatili ngayong day-off ko. Kaso ay nakapangako na ako ng pagkikita sa taong hinihintay ko ngayon.

Isang buwan matapos ang pagbabalik ko sa trabaho nang tuluyang gumaling ang sugat ko ay ngayon lang ako nagpahinga. Wala akong ibang inatupag kundi ang mga kailangang gawin sa ospital at sa bahay. Inabala ko ang sarili ko sa iba't ibang klase ng gawain at paraan. Pinuno ko ang isip ko ng mga bagay na walang kinalaman sa isang partikular na tao. Pinilit kong gawing okupado ang bawat araw na dumadaan sa buhay ko at siniguro kong kailanman ay hindi ako babalutin ng lungkot. Na maging sa pagtulog ay kinakailangan ko pang magpatugtog para ang mga liriko at tono lang ang tanging pupuno sa isip ko.

Pero ang pansamantalang paglimot pala ay kailanman hindi magiging solusyon para tuluyang wakasan ang mga emosyong pumupuno sa isang tao. Katulad ngayon na nabigyan ng laya ang isip ko na muli na namang balikan ang mga bagay na pilit kong iniiwasan. Ang lungkot na matagal kong inalis sa dibdib ko, ang pangungulila, at pag-aalala ay sabay-sabay ko na namang naramdaman.

"Hey," maingat na pagkuha ng pasin ng pamilyar na tinig mula sa likuran ko.

Inihanda ko na ang praktisadong ngiti na siyang ipinakikita ko sa mga taong nakapaligid sa akin nitong mga nagdaang araw. Iyon na ang hangganan ng kakayahan ko kaya kahit hindi buong-buo ang naibibigay ko, sinusubukan kong unti-unting gawing totoo.

"Good afternoon po, Sir Theo," magalang na pagbati ko.

Nginiwian niya ako matapos ay naupo sa bakanteng puwesto sa tapat ko. "You really need to stop addressing me like that, Clementine. Lalo na kung wala naman tayo sa ospital," ngiwi niya.

"But you're my boss, Sir," nag-aalangan na dahilan ko.

"It would sound better if you would drop honorifics when talking to me. Calling me Kuya Theo sounds even better," nakangising turan niya.

Natitigilan ko siyang tinignan. Kumabog sa kaba at kakaibang klase ng tuwa ang puso ko na pinapatay ang lungkot na bumabalot doon. Sa mga salitang iyon ay ipinaramdam niya na tanggap niya ako bagaman wala naman kaming relasyon ng kapatid niya.

Walang dudang magkapatid nga sila dahil noong mga panahong bago pa lang ako sa pagiging nurse sa kaniya ay parehong mga salita ang narinig ko sa kanilang dalawa. "It would take time to get used to not calling you Sir. Hindi tama sa pandinig ko at parang hindi ko kayo nirerespeto."

Nanatiling nakapaskil sa mga labi niya ang makahulugang ngisi na ibinibigay niya sa akin. "Respeto pa rin naman ang pagtawag sa akin ng Kuya, ah?"

Nag-iwas ako ng tingin sa takot na bigyan ko ng kahulugan ang mga ngising nakikita ko sa kaniya ngayon. Binalingan ko ang papalubog na araw at pilit na kinalma ang nagwawala kong puso sa pamamagitan nang pagnonood sa magandang tanawin na iyon.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ako magpupunta rito ay magagawa ko pang ma-appreciate ang ganda ng tanawin na nasa harapan ko. Mararamdaman ko rin sana ang kapayapaang dulot no'n at giginhawa sana ang pakiramdam ko na dala ng malamig na hanging yumayakap sa akin ngayon.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon