Chapter 16

4.1K 65 4
                                    

PAGKATAPOS KONG ihatid si Yumi sa bahay nila, dumiretso ako sa bahay nila Aiden at Tobi. Pinapasok agad ako ni Tita Aida.

At tama nga si Dani. Naroon ang buong barkada sa sala na tila kanina pa nagba-bonding. May boxes of pizza, popcorn, burgers, softdrinks, at snacks na nakakalat sa mesa. Naglalaro ng Call of Duty sina Yohan at Aiden sa PS5 habang kumakain naman si Dani ng pizza. Si Sabrina naman ay busy sa usapan nila ni Rian. Si Troye at Tobi naman ay nag-uusap tungkol sa inter-school basketball competition at pinag-uusapan si Jace the douche.

Matsismis din ang mga lalaki.

Nang mapansin ako ni Dani, napatayo siya kaagad at patakbong lumapit sa akin. Dahil sa kanyang ginawa ay napatigil rin ang iba sa kanilang ginagawa at bumaling sa gawi ko.

"Keith! Sorry talaga. Maawa ka, 'wag kang magagalit sa'kin, please. Hindi ko sinasadya!" Para siyang nananalangin sa harapan ko at halos lumuhod si Dani. Alam naman niyang hindi ako nagagalit pagdating sa kanilang mga girls. Mukha tuloy siyang ewan sa ginagawa niya sa harapan ko. Pinagkiskis pa niya ng mabilis ang kanyang mga palad.

Alam din naman nila kung paano ako magalit. Ayoko nang banggitin pa kasi hindi ko rin kilala ang sarili ko kapag galit ako. Pero natututo naman akong kontrolin 'yon ngayon. Hindi alam ni Dani na nakatulong pa 'yong message niya para lumakas ang loob ko na ligawan si Yumi.

"Bro! Bakit wala kang sinasabi samin, ha? Akala ko ba may bro-code tayo? Ang daya naman, eh," maktol ni Yohan. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Troye dahil 'yong sofa na kinauupuan niya ang may bakante pa.

"Kilala ko kasi kayo. Tsaka nasabi na rin naman ni Dani sa inyo. Sasabihin ko naman kung getting serious na," wika ko. Napansin ko ang pananahimik ni Sab sa kanyang kinauupuan habang nakikinig sa diskusyon.

Naalala kong may sasabihin pala siya sa akin sabi ni Dani. Balak ko ring tanungin siya mamaya kung ano 'yon.

"Si Andrea, bro. Bukambibig ka pa rin. 'Yon ang balita. Anong balak mo doon sa isang 'yon?" tanong ni Aiden.

"Balak? Wala. Wala naman namamagitan sa amin ni Andrea. Klaro naman sa sinabi ko sa kanya na wala na akong interes."

"Pakilinaw mo nga ulit sa kanya. Mukhang hindi ka titigilan, eh," dagdag pa ni Aiden.

"Gumagawa siya ng paraan para hindi mamatay ang issue sa inyong dalawa. Baka makarating 'yan sa mystery girl na ka-date mo," ani Rian.

"Kumusta pala 'yong date niyo?" tanong ni Dani.

"Okay naman," tipid kong wika. Ngunit sa kaloob-looban ko ay hindi na magkamayaw ang puso ko dahil sa sobrang tuwa.

Pero wala pa akong balak na ikwento sa kanila ang first date namin ni Yumi. Sa akin na lang muna iyon. Masyadong precious si Yumi at ayokong masira 'yong mood, knowing na puputaktihin nila ako ng mga tanong.

"Siya ba iyong nasa picture?" tanong ni Tobi.

"She's way better in person, dude. Maganda rin ang personality niya. She's perfect," nakangisi kong sabi.

"In love ka na nga. Walang wala ba si Andrea sa kanya?" tanong pa ni Tobi. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tobi.

"Bro, malayong malayo siya kay Andrea. Walang wala siya sa mga babaeng nakilala ko noon. She's different."

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon