Chapter 10

4.3K 56 2
                                    

KINABUKASAN, bago ako umalis ng bahay para sunduin si Dani sa kanila ay nagpapogi muna ako sa harap ng full-length mirror sa aking kwarto. Kung dati ay confident na ako sa kahit anong isuot ko tuwing wash day, ngayon ay mas pinag-iisipan ko na. Para bang nagpa-practice ako kung paano ko dadalhin ang aking sarili kapag nariyan na si Yumi sa harapan ko.

"Dalian mo, Dani. Male-late na tayo."

"Sus, wala ka namang jowa na naghihintay sa'yo, bakit ka nagmamadali?" bwelta ni Dani sa passenger's seat habang sinusukbit niya ang seatbelt sa kanyang katawan.

Hindi alam ni Daniella na kahit ako ay nagtataka rin sa sarili ko. Hindi naman ako iyong lalaki na masyadong ma-presko. Sadyang may confidence lang ako at simple, isang rason kung bakit may mga pasimpleng nagkaka-crush sa akin. Paano ko nalalaman? Mayroong nag-a-add sa akin sa mga social media accounts ko, tapos mag-cha-chat sila from time to time. Simple gesture pero ramdam ko naman na may gusto sila sa akin. May mga kinausap ako sa mga 'yon, pero hanggang doon lang.

Ayaw kong ma-late sa school ngayong araw, siguro ay dahil ayokong ma-late bukas sa meet up namin ni Yumi. Ganoon ako ka-excited.

"May nabalitaan ako," pag-iiba ni Dani. Pinaandar ko ang sasakyan at nagsimulang mag-drive. Nadinig ko ang sinasabi ni Dani kahit nakatuon ang atensyon ko sa kalsada. "Si Andrea," dagdag pa niya.

"Oh, what happened?" bored kong tanong. Sa pagbanggit lamang niya ng pangalan ni Andrea ay nabawasan ang enthusiasm ko para sa araw na 'to.

"She's acting weird, Keith. Bigla niya kasi akong kinausap kahapon. We never spoke to each other like ever. Alam mo 'yan," saad ni Dani sabay tingin sa akin. "Nagulat nga ako, eh. Binati ko siya, sabi ko 'what's up?'. Tapos ang sabi niya, 'Can I ask you something? Is Keith seeing someone?'"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa kwento ni Dani tungkol kay Andrea. Hindi ako makapaniwala na ganoon siya kadesperada para lapitan ang isa sa mga kaibigan ko na kailanman ay hindi niya nakausap o pinansin. Dani is way prettier than her kahit pareho silang mga Tourism students.

"What? Why would she ask that?" naguguluhan kong tanong.

"Kasi nakita  ka raw niya when we were at Steven's place. Nasa labas ka raw at may kausap sa phone. Why would you go out from the house? Naiintindihan ko kasi maingay sa loob pero mas masaya ka pa raw doon sa labas habang may kausap ka. And she also knew that there was nothing going on between you and Cleo," kwento ni Dani. "Hindi ako makapaniwala talaga, Keith. As in, nagulat ako kasi kinausap niya ako out of the blue," she added.

"Alam naman pala niyang walang namamagitan sa amin ni Cleo. Ano naman sa kanya? You should've told her to fuck off," naba-badtrip kong wika.

"She's really into you, Keith." Tumingin si Dani sa akin at pagkatapos ay sa kalsada na ulit.

"Huwag mong sabihing boto ka kay Andrea? I don't like her anymore. I like someone else."

At napamura na nga ako sa aking isipan nang mapagtanto ko ang sinabi ko kay Daniella.

"You what?! Who?!" sigaw ni Dani sa akin. Humampas pa sa bintana ang kanyang high ponytail na nakaayos gamit ang pulang bandana. Siya pala ang tinagurian naming snowhite dahil sa maputi siya at makinis ang balat. Mahilig rin kasi siya sa red lipstick. We never see her wearing any other color of lipstick. Mahaba rin ang kanyang buhok at slim ang pangangatawan.

Muntik ko nang mailiko sa kabilang linya ang kotse kaya napabusina ang kasalubong na sasakyan. Nailiko ko kaagad sa gilid ng kalsada ang sasakyan at dahil sa lakas ng pagkakapreno ko ay muntik nang mauntog ang ulo ni Dani sa dashboard.

"Keith Abelardo!" sigaw ni Dani sa pangalan ko.

"Daniella! Gusto mo bang maaksidente tayo! Bakit ka ba kasi sumigaw!"

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon