Epilogue

5K 58 14
                                    

3 YEARS LATER

I watched the guys surfing while the girls were sunbathing along the shore. A sad smile crept on my lips when I reminisced old the days.

"Keith! Anong ginagawa mo diyan? Don't just stand there and watch the others!" Sigaw ni Rian sa'kin nang ibaba niya sa tulay ng kanyang ilong ang suot niyang salamin. Humarap siya sa kanyang likuran para tingnan ako. She was sunbathing too.

"Tulala ka na naman diyan. Kakauwi mo lang last week from the U.S. kaya enjoy-in mo habang nandito ka pa kasama kami," wika ni Rian.

"Later, Rian. I promise."

"You've told us that a million times, Keith," aniya at pinaikot pa ang kanyang mga mata, "We deserve to enjoy life. Ano pang ginagawa natin dito kung hindi, di'ba?" Sumeryoso ang kanyang pananalita ngunit may guhit ng simpatya.

"Sorry, I just can't help it." I shrugged.

"Kaya mo, Keith," saad ni Rian habang nakatitig siya sa akin.

Huminga na lamang ako ng malalim at tumango.

"Okay," Pangungumbinse ko. Inangat ko pa ang aking mga kamay na tila ba sumusuko ako.

"You better be." Rian eyed me.

"Oh, anong nangyayari?" Inakbayan ni Tobi si Rian. Galing sa dagat si Tobi dahil nagsu-surf sila ng ibang boys.

"Tapos na kayo mag-surfing? Hindi pa nakakapag-surfing itong si Keith, eh," ani Rian. Tumingin naman sa'kin si Tobi na akala mo guilty na nakalimutan niya akong yayain dahil sa sobrang enjoy nila sa pagsu-surfing. But I thank him for that. We've talked earlier that I don't want to do anything but take a walk along the shore for a while and just feel the breeze.

He can't tell his girlfriend that. It's a boys talk and it should be just between him and me.

"Uh, babe, tapos na kami, eh. Balak nilang magpahinga na lang muna para more energy daw mamaya," saad ni Tobi at nag-peace sign sa kanyang nobya.

"Huh? Anong mayro'n mamaya?" Walang muwang na tanong ni Rian. Tobi's face formed a smirk.

"We'll go to a bar later. Para naman makapag-enjoy din 'tong kaibigan natin dahil kababalik niya lang galing U.S."

Lumapit si Aiden sa amin na basang basa rin galing sa pagsu-surfing. "Uy, what's the commotion all about?" ani Aiden.

"Napag-usapan kanina na pupunta raw ng bar mamaya, di'ba, dude?" ani Tobi.

"Yep. Walang maiiwan sa villa mamaya. Lahat sasama. Rian, can you tell the girls, please?" saad ni Troye kay Rian na kakatapos lamang makipag-usap sa kanyang client. Nagtayo kasi siya ng kanyang sariling business.

"Sure," sambit ni Rian at saka na umalis.

"Ayos ka na, Keith? Kailangan nating i-enjoy ang dalawang araw natin dito. We can't waste this opportunity na kumpleto tayong lahat na magkakabarkada," wika ni Aiden. Ngumiti lamang ako bilang sagot. "Babalik muna ako sa villa, ha," aniya pa at saka na siya lumakad pabalik sa villa.

Tumitig ako sa dagat na nasa aking harapan. I guess I'll never be the same.

Sumapit ang gabi at handa na ang lahat sa sala. I meant the guys are all ready to bang the night in the bar.

"What's taking the girls so long? Fuck." daing ni Yohan habang nakapahigang upo ito sa leather na sofa.

Aiden was busy with his phone while Troye was talking with someone over the phone. Aiden wore a bored look habang nakapangalumbaba. We could hear the girls laughing and giggling inside their room as if they were having their own little bar in there already. I sighed.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon