Chapter 15

4K 73 6
                                    

ITINABI KO sa gilid ng kalsada ang sasakyan pagkatapos ay tinitigan ko si Yumi. Nakatitig siya sa harapan ngunit nang iparada ko ang sasakyan ay tiningnan niya rin ako.

"Yumi..." sambit ko sa kanyang pangalan. Hindi pa rin ako makapaniwala na parehas kami ng wallpaper sa phone.

"Keith..." She sucked her lips in, as if she's anticipating the words I'm about to say.

"I am happy that you're here with me, that you're hanging out with me," I said truthfully with a sincere smile on my face.

"Ako rin," wika ni Yumi. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo paharap sa akin. "Masaya ako kasi niyaya mo akong lumabas. Ang akala ko kasi kausap lang ang hanap mo doon sa dating site. Alam mo ba, ikaw lang ang nagtiyagang kausapin ako ng maayos. 'Yong normal and casual conversation lang," paliwanag ni Yumi. "Palagi rin kasi akong busy sa dagat. Tsaka halos may motibo 'yong mga nakakausap ko bago ikaw," she explained. Nagulat ako nang hawakan niya ang forearm ko na nakahawak sa manibela.

Sa bawat pagkakataon na nagdidikit ang balat namin, pakiramdam ko ay gusto ko na siyang hilahin at yakapin. Pero masyado pang maaga para doon at masyado akong advance mag-isip. Ayoko namang isipin ni Yumi na katulad ako niyong hinayupak na na-meet niya dati. Dapat iparamdam ko sa kanya na malayong malayo ako sa mga motherfather na nagcha-chat sa kanya at na-meet niya.

She should be treated like a princess. No, scratch that. She should be treated like a queen— with respect.

"Thank you, Keith. It is really nice meeting you. Wala pa man pero I'm having fun already," dagdag pa ni Yumi. Pakiramdam ko nililipad ako ng hangin dahil sa tuwang nararamdaman ko. Gusto kong hawakan ang kamay niya pabalik ang kaso hindi ko sigurado kung tama bang gawin ko 'yon ngayon. Napagpasyahan ko na lang na hayaan siyang tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa forearm ko.

"Syempre naman, Miss Panda. Dapat masaya tayo. Sa mga susunod na meeting natin, for sure mas mag-e-enjoy ka," segway ko. Kumabog na naman ang puso ko sa aking dibdib. Masyado yata akong umaasa. Baka hindi na siya pumayag sa susunod kaya minabuti kong dagdagan ang aking sinabi. "Kung wala ka naman gagawin sa mga araw na mag-stay ka dito sa Manila, pwede mo naman akong i-message kung gusto mong lumabas. Okaya kung bored ka sa bahay."

"Thanks, Keith. Oo, gagawin ko 'yan. Wala rin naman akong masyadong kaibigan dito sa Manila. Halos nasa probinsya sila, tsaka busy sa mga trabaho nila," paliwanag ni Yumi.

"Buti ka pa graduate na. Ako graduating pa lang," sambit ko naman.

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Matatapos ka rin naman," she assured me. "Huwag mong i-pressure ang sarili mo sa mga bagay. Take it slow. Just enjoy it."

Para siyang malumanay na alon sa dagat. Nakaka-relax siyang pakinggan. Pagkatapos ng makabuluhang kwento namin sa byahe ay nakarating rin kami sa Japanese restaurant. Pinili namin iyong table na malapit sa grid na bintana. Mayroong fake cherry blossoms na nakadikit sa bintana na tila vines. Mayroong ilaw na nakapasok sa isang glass bowl na inverted sa itaas ng bawat table. Ang relaxing pa ng ambience at saktong sakto para sa amin ni Yumi.

Uupo na sana si Yumi ngunit nagmadali akong pumunta sa likod ng upuan at hinila iyon. Ngumiti si Yumi sa akin.

"Thank you," aniya. Pagkatapos ay umupo na rin ako paharap sa kanya.

"You're always welcome," sambit ko naman.

Kinuha ko ang menu na nakalatag sa table kasama ang mga cutleries na nakalapag.

"What would you like to eat, Miss Panda?" I asked her habang parehas kaming tumitingin sa kanya-kanyang menu.

"Hmm, I'd like to try their sushi," sagot ni Yumi.

"Gusto mo ba 'yon? Paborito mo?" tanong ko.

"Oo, kahit anong uri ng sushi gusto ko. 'Yong iba hindi ko pa natikman. Ito hindi ko pa nasubukan." Inilapit niya ang menu na kanyang hawak at tinuro sa'kin ang gusto niya.

"Sige, orderin natin 'yan. Ano pa? Pili ka pa ng iba."

"Okay na ako sa tinuro ko. Mabubusog na ako do'n," nakangiti niyang sabi.

"Sure? Kapag may gusto ka pa mamaya orderin natin."

"Thanks, Keith," she said and I winked at her. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi sa aking ginawa at umiwas pa ng tingin na may kasamang kagat pa sa kanyang labi.

Ang cute niya, nakakainis.

Itinaas ko ang aking kamay para tawagin iyong waiter at sinabi ang mga orders namin ni Yumi. Makalipas ang ilang minuto ay inilapag ng waiter iyong mga inorder namin.

Unang sinubukan ni Yumi itong sushi na may laman ng sea urchin at nang lasapin niya ito ay kitang-kita ko na satisfied siya sa kanyang pagkain. Habang kumakain ay pasulyap-sulyap lamang ako sa kanya habang kumakain siya.

"Hindi ka pala maistorbo kapag kumakain." pang-aasar ko.

"Ang sarap kasi, eh," wika naman niya habang natatawa kahit mayroong pang laman ang bibig niya. Sa nakikita ko ay walang arte sa katawan si Yumi. Ayoko man siyang ikumpara pero walang wala si Andrea sa kanya. "Huwag ka kasing sulyap ng sulyap magsalita ka rin," dagdag pa niya.

'Tangina. Napansin niya pala. Ako naman 'yong nahiya at uminit ang pisngi. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Sorry, ah, kung ganito ako kumain. Hindi maistorbo. Sabi kasi ni mama kapag kumakain para ka na ring nagdadasal. Ninanamnam ko 'yong food," paliwanag ni Yumi.

"Gusto ko tuloy pasalamatan ang mama mo dahil tinuruan ka niya ng gano'n."

"I'll tell her that," wika niya sabay subo ng panibagong sushi. Nabawasan 'yong hiya ko kasi she's being herself. Mas lalo ko lang siya gustong makilala pa dahil totoo siya sa kanyang sarili. One of the best qualities that I like in a woman.

May kaunting kulitan pa kami bago namin natapos ang mga pagkain. Napatigil ako sa pag-inom ng aking tubig nang maaninag ko si Cleo na papasok sa restaurant. May kasama siyang isa pang babae. Mukhang galing din yata sila sa art gallery dahil sa semi-formal na suot nila.

Iiwas na sana ako ng tingin ngunit napansin na kaagad ako ni Cleo nang tuluyan na silang makapasok. Ngingiti sana siya ngunit napansin niya na hindi ako nag-iisa. Nalipat ang tingin niya sa babaeng kasama ko na nakatalikod sa kanya. Ilang segundo siyang nakatitig sa likod ni Yumi. Bumalik ang tingin ni Cleo sa'kin at doon na niya ako nginitian.

Alam ko naman na may gusto sa akin si Cleo. Nagi-guilty pa rin ako dahil ginamit ko siya against kay Andrea. I will apologise to her, but not today.

"Ah, Miss Panda, tara na? Gusto mo bang mag-dessert sa ibang kainan?"

"I'm still full, Keith. Thanks for asking," ngiti ni Yumi sa'kin habang pinupunasan niya ang kanyang bibig sa tissue.

Napansin ko sa aking periphery na pumunta ng restroom si Cleo at iyong kasama niya. Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at binuksan ang message.

It's a message from Dani.

From: Daniella
Keith, kumusta ang date niyo ni mystery girl? Kailan mo siya ipapakilala? Btw, sorry kasi nadulas ako sa barkada. Alam na nilang kasama mo ngayon si mystery girl at lahat kami nandito sa bahay nila Aiden at Tobi. Hinihintay nila ang update mo. Ipakilala mo siya kapag sure ka na. Sorry talagaaaaaa :( Libre kita milktea isang buwan wag ka magagalit sa akin. :(

Anak ng pusa!

"Keith, okay ka lang?" worried na tanong ni Yumi.

"Mayumi," sambit ko sa kanyang pangalan nang tingnan ko siya ng seryoso. Napansin ko ang gulat sa kanyang mayuming mukha.

"A-ano yon?"

"Sana magkita pa ulit tayo, Miss Panda. Masaya ako dahil kasama na kita ngayon. And, uh... Sorry din kung masyado akong mabilis," wika ko.

Napakunot ang noo ni Yumi sa mga sinabi ko. Maybe, she is thinking that I'm blabbering.

"Wha do you mean?" nagtataka niyang tanong.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Nang buksan ko ang aking mga mata at nang maramdaman kong handa ko nang sabihin ang mga nais ko ay nagsalita akong muli.

"Gusto kita, Yumi. At gusto pa kitang makilala. Sorry kung mabilis ako masyado. Gusto kitang ligawan."

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon