Chapter 1

12.9K 143 1
                                    

I WAS afraid my friends would see me spacing out again. Nagkunwari na lamang ako na mayroong ginagawa sa aking phone habang nagtatawanan sila sa kung anong kabalastugang ginawa ni Aiden kamakailan.

"Masyado kasi siyang clingy. Wala pa nga kaming label pero kung makapag-demand ng effort at oras sa akin akala mo girlfriend ko na, eh," reklamo ni Aiden habang naka-slouch ito sa kanyang kinauupuan.

"Gago ka kasi. Bakit mo pinakitaan ng motibo kung 'di mo naman pala jojowain," bato ng kanyang kapatid na si Tobi. Mas matanda siya ng isang taon kay Aiden.

"Bro, naman. Jowain agad? Alam mo namang nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko, di'ba?" punto ni Aiden.

"Alam mo, karma aabutin mo sa ginagawa mong 'yan," singit ni Rian na katabi ni Tobi.

Magkasintahan sina Rian at Tobi for almost two years. From friends to lovers ang kanilang istorya.

"Bakit hindi mo gayahin si Keith. Mukhang may pinagkakaabalahan na maliban sa iba pa niyang babae sa campus," pang-aasar ni Tobi sa akin na tila pinaparinggan ako. I could tell he is wiggling his brows kahit hindi ko siya tinitingnan.

"Totoo ba 'yan?" usisa ni Daniella habang nakatutok ang straw ng milktea sa kanyang mamula-mulang labi. Napatayo si Aiden at mabilis akong nilapitan na akala mo ay nakakalap ng importanteng impormasyon. Inakbayan pa nga niya ako.

"Bro, totoo ba? Getting serious ka na? Paano na ang ibang chicas? Titiwalag ka na ba sa Chicas-Now-Jowa-Later campaign nating magbabarkada?" Kunwaring malungkot at naiiyak ang boses ni Aiden.

"Lumayo ka nga. Mukha kang tutang pinalo sa pwet. Wala akong sinasabing seryoso ako. Tsaka kung mayroon man, ipapaalam ko rin sa inyo," wika ko.

"Ah, may napili ka na sa mga naka-meet up mo?" tanong ni Troye. Minabuti kong huwag na munang sagutin ang tanong niya at piniling manahimik. Itinuon ko na lamang muli ang atensyon ko sa pagpe-Facebook.

"Hayaan niyo na nga ang isang 'yan. Ubusin na natin itong mga pagkain at bumalik na sa kanya-kanyang mga klase. Finals na natin next month kaya umayos kayo. Alam niyo namang goal ng barkadahan na sabay-sabay ga-graduate," paalala ni Sabrina.

"Yes, boss. Don't worry. Matalino naman ako," wika ni Yohan habang mabilis niyang ititaas-baba ang kanyang mga kilay.

"Ulol. Muntik ka na ngang makabuntis last year at saka ma-expel. Umayos ka kung hindi titirisin kita ng pinung-pino," banta ni Troye. Si Troye nga pala ang nagsisilbing nakatatanda sa barkada. Dahil lumaki siya sa isang pamilya ng mga colonel at lieutenant ay natural na sa kanyang alagaan at protektahan ang mga nakababata sa kanya sa aming barkada.

"Sorry na agad, daddyow," mabilis na sagot ni Yohan. Napailing na lamang si Troye dahil sa kakulitan niya.

Habang busy pa rin ako sa pagpe-Facebook, nagtaka ako nang biglang mawala ang newsfeed sa screen ng phone ko. Nag-pop out ang isang unknown phone number na tumatawag sa akin. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib at napakunot rin ang aking noo. Hindi ko ugaling mag-save ng phone number ngunit pamilyar ang tatlong huling numero.

Hindi na ako nakapagpaalam pa sa mga kaibigan ko na may tumatawag lang saglit sa akin. Tumayo ako kaagad at lumabas sa Café habang hindi nawawala ang atensyon ko sa screen ng aking phone. Mabuti na lamang ay alerto ako sa paligid dahil kung hindi ay magkakabanggaan kami ng isang customer na kasalubong ko sa entrance ng Café.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon