Chapter 13

4.1K 77 7
                                    

AATAKIHIN NA yata ako sa sobrang kaba. Para bang nagba-backflip ang puso ko sa loob ng aking dibdib.

Hindi pa rin lumalabas sa taxi si Yumi kahit na nakaparada na iyon sa gilid ng university. Naaaninag ko ang likod ng kanyang ulo sa loob ng taxi. Napansin ko na nakahawak siya sa kanyang phone na nakadikit sa kaliwang tainga niya.

This is it! Bumuga ako ng malalim na hininga bago ko binuksan ang pinto ng aking kotse. Bago lumabas ng sasakyan ay kinuha ko ang bouquet of flowers na nakapatong sa passenger's seat.

Dahil sa paraan ng paglabas ko sa sasakyan ay tila ba isa akong modelo na nagte-taping para sa isang commercial. Siniguro ko na mukha akong hindi kinakabahan at confident sa aking sarili kahit kabaligtaran niyon ang totoo kong nararamdaman.

Itinutok kong muli ang aking phone sa kanang tainga at nagsalita.

"Nasaan ka, Miss Panda?" tanong ko sa kabilang linya ng phone.

Keep it cool, Keith, wika ko sa aking isip. Hindi maaaring makita ni Yumi na halos matae na ako rito.

"Palabas na ako ng taxi, Keith. Anong kulay ng suot mo? Para mahanap sana kita kaagad. Nakasuot ako ng simpleng white dress. Kulay pastel pink naman ang ribbon sa buhok ko," paglalarawan ni Yumi.

Gumalaw iyong babae sa loob ng taxi habang ako naman ay na-estatwa rito sa tabi ng aking kotse. Inalis niya ang pagkakadikit ng kanyang phone palayo sa kanyang tainga para buksan ang pinto ng taxi.

Naging slowmo ang kanyang paglabas. Para bang sa pelikula. Marahan niyang itinapak ang kanyang paa na may suot na simpleng closed shoes na kulay cream at mukhang two inches ang pointed nitong heels. Pagkatapos ay doon na nga sumabog ang dibdib ko nang masilayan ko ang pigura ng side view niyang katawan. Nang makalabas siya ng tuluyan ay natulala na lamang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa napakagandang dilag na nakaharap sa akin. She was only five meters away from me dahil magkatapat iyong taxi na sinakyan niya at ang sasakyan ko sa gilid ng university.

Pakiramdam ko ay kami lamang dalawa sa lugar na ito ngayon habang nakatingin kami sa isa't isa. Isama pa ang pag-ihip ng marahan ng hangin to make the scene more dramatic.

Wavy ang buhok ni Yumi katulad sa kanyang mga photos. Naka-ponytail ang kalahati ng kanyang mahabang buhok gamit ang kulay pastel pink na ribbon. Napaka-classy niyang tingnan sa kanyang kasuotan. She has this elegance and feminine aura na mas lalong nagpapaganda sa kanya. And her delicate features makes me want to protect her.

Hindi ko mawari kung may sariling utak ba ang aking mga paa dahil kusa na lamang silang lumakad papunta kay Yumi. Nang mapagtanto niya ang paglapit ko sa kanya ay nahihiya siyang ngumiti sa akin.

Napamura ako sa aking isipan. Napaka-cute niyang ngumiti! Gusto ko sana siyang yakapin ngunit pinangunahan ako ng kaba at sa tingin ko ay hindi pa oras para gawin iyon. Ayokong isipin niya na nagte-take advantage ako sa kanya at ayoko ring masira ang pagkakakilala niya sa akin.

Nang tuluyan akong makalapit sa kanyang harapan ay inabot ko kaagad sa kanya ang bouquet of flowers.

"Hi, Miss Panda. It's nice to finally meet you," bati ko kay Yumi. Inipon ko ang natitirang confidence sa dibdib ko para magmukha akong confident sa kanyang paningin.

"Hi, Keith," bati niya sa akin with a smile on her face. "Thank you. And nice to meet you too."

Kinuha niya ang bouquet of flowers sa akin. Ngiti pa lamang niya ay hulog na hulog na ang puso ko. I think she is going to be the death of me.

"Hindi ko alam na ganito ka pala kagwapo sa personal. Hindi mo naman ako in-inform," mahinhin niyang wika. Napansin ko ang pamumula ng kanyang mukha. She is not wearing too much makeup. Kung mayroon man ay napaka-light lamang nito dahil nakikita ko pa rin ang natural skin niya sa mukha.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon