Chapter 18

3.6K 56 4
                                    

"SA TINGIN ko mas magandang sa beach na lang tayo magbakasyon bago ang graduation," suhestiyon ko pagkatapos kong basahin ang message ni Yumi. Ipinatong ko ang aking phone sa aking hita.

Tumigil sa pagti-type ng message si Aiden sa kanyang phone at saka tumingin sa gawi ko. Magkaharap lamang kami at nasa pagitan namin iyong mesa.

"Ang tanong ga-graduate kaya tayo ng sabay-sabay?" ani Aiden.

"Ikaw lang naman ang nangungulelat ngayon sa ating lahat. Kailangan mong ayusin dahil seryoso na 'to. Pinangako natin sa barkada na sabay-sabay tayong ga-graduate kaya umayos ka," wika ni Troye.

"Daddyow, chill ka lang. Ga-graduate ako kasabay ninyo," saad ni Aiden habang taas-baba ang kanyang mga kilay.

"Oh, Keith. Kailan mo ipapakilala 'yong si mystery girl?" pag-iiba ni Tobi.

"Kapag sinagot na niya siguro ako," sambit ko. Kinuha ko ang aking phone na nakapatong sa hita ko at saka binuksan ang screen nito. I stared at my new wallpaper. Iyong photo namin sa Japanese restaurant.

Nagulat na lamang ako nang hablutin ni Yohan ang phone ko at saka tumitig sa screen ng phone ko.

"Yo! Ano ba! Ibalik mo!" saway ko sa kanya sabay hablot ng phone. Ngunit naiwas niya kaagad ito palayo sa akin.

"Damn, bro! Kay ganda nga ni mystery girl!" puri ni Yohan. Tumayo si Aiden at Tobi para tingnan iyong picture namin ni Yumi. Napa-face palm na lamang ako nang magkumpulan silang tatlo.

"Anong pangalan ni mystery girl? Grabe, saan mo 'to nabingwit?" kunot-noong tanong ni Tobi. "Sure akong hindi siya sa school natin," dagdag pa niya.

"Hindi ba nabanggit ni Dani sa inyo? Sa online dating site ko siya nakilala," sagot ko naman. Ayoko na sanang sabihin ngunit wala rin naman akong magagawa dahil kukulitin nila ako.

"Ang swerte mo naman, dude," ani Aiden. "Hindi ako sanay na ganitong simpleng babae pero maganda at with class ang trip mo ngayon. Alam ko kasi you're into wild girls," dagdag pa niya.

Inihiga ko ang aking ulo sa edge ng sandalan ng sofa at tumitig sa puting kisame. "Tapos na ako sa ganoong stage. Inaamin ko naman na naglalaro lang ako dati at hindi gaanong seryoso. Pero iba na ngayon. Kung pwede ko na nga siyang yayain magpakasal gagawin ko na," wika ko.

"Aba! Twenty-one years old ka pa lang, Keith. Wala ka pang trabaho. Paano mo bubuhayin si mystery girl, aber?" ani Troye.

"Marami na akong ideya, Troye. Seryoso talaga ako kay Yumi," sambit ko sabay ngiti. Napansin nila Yohan ang pagde-daydream ko at tinawanan nila ako ni Aiden.

"Magpapamisa na ba kami?" saad ni Tobi. "Ibang-iba ka na ngayon, Keith. Hindi kami sanay. Masyado kang seryoso sa buhay."

"Ewan ko. Basta. Ramdam ko talagang si Yumi na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko," dagdag ko pa.

"Kilalanin mo muna ng maayos," wika ni Troye. "Hindi mo alam kung anong tunay niyang ugali. Kakikilala niyo pa lang sa isa't isa."

Natahimik iyong tatlo sa sinabi ni Troye at ganoon rin ako. Hindi ko inaalis sa kanila na payuhan ako, ngunit hindi ko maiwasang ma-badtrip ng kaunti dahil nawala iyong tuwa ko sa pag-iisip na magiging smooth lamang ang lahat sa pagitan namin ni Yumi.

"I'll see to it na okay si Yumi. So far, okay naman siya sa akin. She exceeded my expectations kung iyon ang gusto mong malaman, Troye. Kapag nakilala ninyo siya, kayo na ang makapagsasabi kung anong impression niyo sa kanya," wika ko.

"Nako, huwag masyadong seryoso. Ang importante getting to know na kayo at masaya ka, Keith. Huwag mo na lang tularan itong si Aiden kay Hayley," wika ni Tobi.

"Ano ka ba, brother! 'Wag mo nang banggitin ang nakaraan. Past is past!" depensa ni Aiden.

Hindi na siya pinansin pa ng kanyang kapatid at iniba na lamang ang usapan. "So, sa beach na tayo sa summer before graduation?" ani Tobi.

"Sige, go ako diyan," sang-ayon ni Yohan. "Tanungin lang muna natin 'yong girls."

"Sige. Para makapag-ipon na rin ako. Tipid muna sa allowance nito," wika ni Tobi.

Tumayo si Troye. "Sige, kita-kits na lang sa school sa Monday. Mauna na ako. Pakisabi na lang kay tita Daphne at Dani na umalis na ako."

"Sabay na ako sa'yo, Troye," ani Yohan. Wala nga pala kasi siyang sasakyan. "Kahit pakibaba na lang sa kanto. May lakad rin kasi ako, eh." Tumayo siya at hinagis ng marahan ang phone ko sa akin.

Tumango si Troye bilang sagot at saka na tumuloy kasama si Yohan. Naiwan naman kaming tatlo nila Tobi at Aiden sa sala.

"Mauna na rin ako. Pakisabi na lang rin kay tita Daphne at Dani kung mag-stay pa kayo," sambit ko nang tumayo ako.

"Wala naman akong gagawin kaya dito na muna ako," wika ni Tobi. "Sasamahan ko na lang muna ang mga girls dito."

"Syempre wala rin akong gagawin kaya dito na muna ako," ani Aiden.

"Sige, aalis na ako," wika ko at saka na tumuloy.

Habang bumabyahe ay naisipan kong tawagin si Yumi. Mabuti na lamang ay nakakonekta ang aking phone sa speaker ng sasakyan via bluetooth. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ito.

"Hi, Miss Panda," bati ko sa kanya na may ngiti sa aking labi.

"Hi, Keith," mahinhin niyang bati sa akin.

"Pasensya ka na hindi ako nakapag-reply kaagad kanina. Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"Okay naman ako. Uhm... siguro ano... na-miss lang kitang kausap," nahihiya niyang wika.

Uminit ang magkabilang pisngi ko at pinipigilang huwag sumigaw dahil sa kilig. I simple composed myself and smiled.

"Na-miss mo ba akong kasama?"

Hindi kaagad sumagot si Yumi at narinig ang kanyang pagbuntong-hininga. "Oo..."

Napakagat ako sa aking labi. Bigla kong tinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada dahil baka mabangga ko ito dahil nanlalambot ako sa sobrang kilig. Mabuti na lamang ay nasa loob pa ako ng village malapit sa entrance at wala sa highway dahil kung hindi ay aksidente ang aabutin ko.

"Keith?" nag-alalang sambit ni Yumi sa pangalan ko.

"I'm still here, Yumi," sambit ko. "I want to say something," dagdag ko pa.

"Ano 'yon?"

"I miss you too," I confessed.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon