Kabanata 20

303 13 1
                                    

Kabanata 20

Good News

Lomeli's POV

Inaasahan ko na ang bagay na 'to. Sa gabi gabi ba naman, hindi ako mabuntis?

"Buntis ako?" nanghihinang tanong ko.

"Yes. You're one month pregnant, Mrs. Buenavidez. But I have a bad news. May nakita kaming namumuong tumor sa utak niyo." malungkot na balita ng doktor.

"T-tumor? May masama po bang epekto sa anak ko ang sakit ko?"

"Yes. Kapag nagtagal pa. Kailangang maoperahan ka sa lalong madaling panahon. Kapag nagtagal pa ay bababa ang tyansang maligtas kayo ng anak mo. I saw the documents. You had an accident before na naging dahilan ng lahat ng ito tama ba?"

"Yes po. Payag po ako. Hindi na ako papayag na mamatayan ng anak ulit."

"Sure na kayo, Mrs? Kailangan namin ng consent ng asawa niyo o ng parents niyo."

I thought this already end. Natapos ang problema sa tatay ni Sheen- I mean ate Lianemy. Pero ngayon may panibago nanamang problema.

Pinuntahan namin ni Raizen at Raize ang puntod ng kambal ni Raize. Umuulan. Pati ang langit ay nakikiramay sa'min. She's a baby girl. Rainbow sana ang pangalan niya.

"I'm sorry, Rainbow. Dahil kay Mommy namatay ka. Hindi sana nangyari sa'yo 'to." umiiyak na saad ko.

"Twin, sabay sana tayong maglalaro. Makikita mo dapat kung gaano ka sweet sila Mommy at Daddy. I miss you."

"My precious little Rainbow. We miss you."

Nahinto kami sa pagsasalita nang may tumawag sa'kin.

Ate Lianemy is calling

"My adoptive father died."

"Ha? Namatay si Sergio?"

"Yes. Heart attack. May iniwan siyang letter. Now I know why he did those. Alam mo ba? Kahit na ganon siya, naging mabuting ama siya sa'kin. May iniwan siyang letter para sa'kin. Ako lang yung family niya kaya sa'kin iiwan ang lahat ng ari arian niya. He's still my adoptive dad. Alam kong sobrang dami na niyang kasalanan. Pero sana makita mo yung letter niya." humahagulgol na sabi ni Ate mula sa kabilang linya.

May nag pop up na Mail sa phone ko.

Ate Lianemy:

This is the letter.

Aking anak,

Lianemy, pasensya na anak. Alam kong sobrang dami nang kasalanan ang nagawa ko. Pero wala akong pinagsisihan sa mga 'yon. Alam mo ba kung bakit ko ginawa lahat 'to? Naghihiganti ako. Lomeli's grandfather killed my parents. My family. Alam mo kung bakit? Kasi gusto nilang kuhanin ang negosyo ng pamilya namin. Walang alam ang pamilya Rossi sa ginawang yon ng kapamilya nila. Mahal na mahal kita anak. Sa'yo ko iniwan lahat ng ari arian ko. Alam kong mangyayari ito kaya nakapaghanda na ako. Mahal na mahal kita.

Naiyak ako sa nabasa ko. Maling akala. Naikwento na sa'kin ito dati ni lolo. Matalik niyang kaibigan dati ang tatay ng adoptive father ni Ate. Finrame up si lolo dahil sa inggit. Hindi ko alam kung sino, pero magbabayad siya.

Pinabasa ko kay Raizen ang lahat. Naintindihan ko na. Wala silang kasalanan dito. Lahat kami ay biktima ng isang tao.

Bumalik na ako sa hospital. Kailangan akong iconfined.

Ilang araw ang nakalipas. Nakakaramdam ako ng morning sickness lagi, parte ng pagbubuntis. Habang tumatagal ay lalo akong nanghihina. Laging sumasakit ang ulo ko. May pagkakataon pa nga na dinugo ako.

Ngayon ang araw ng operasyon. I know that this operation will risk my life, but this is the only way for me and my unborn child to survive.

Pinasok na nila ako sa operating room. Sinaksakan nila ako ng anesthesia. I heard Raizen shouting before I closed my eyes.

"Damn it! Make sure to save my wife and my child! I'll pay. Kahit magkano. Save them. Save them." sigaw niya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Parang hindi ako inoperahan pagkagising ko. Parang wala akong maramdamang sakit. Parang ang gaan sa pakiramdam.

Naglalakbay ako sa hindi ko malamang lugar. Sobrang liwanag. My eyes widened when I realize where am I. May nakita akong stroller. There I saw a baby that look exactly like Raize. Babae siya pero kamukhang kamukha ni Raize. She's Rainbow. I wish I have a camera right now.

Magkakasama na ba kami? How about my family? My parents? My siblings? My Friends? Raizen? Raize? My unborn child?

Gustohin ko mang makasama si Rainbow pero hindi ko kayang isakripisyo ang pamilya ko. Pero paano ako makakabalik?

"You have to come back. It's not your time yet." saad ng isang malaking boses.

Pagkamulat ko ng mata ko ay nadatnan ko silang lahat na umiiyak.

"You survived!" humahagulgol na sabi ni Raizen. They hugged me tight.

"Mommy, don't leave us. Mommy.." si Raize.

"I won't leave you, baby." sabi ko sabay harap sakanilang lahat. "I saw Rainbow. She looks exactly like Raize. How I wish I got a picture of her... I thought kukunin na ako. Pero may narinig akong boses. He told me that I have to come back and It's not my time yet." humahagulgol na kwento ko.

"Sis, I got a picture of her." may inabot sa'kin na photo album si Ate Lianemy. I hugged her.

"Maayos ba ang naging operasyon? Please tell me that I did not lose my child. Please tell me." kinakabahang saad ko.

"Lomeli, We're..." hindi matuloy tuloy ni Mom ang sasabihin niya. Bakit? Anong nangyari?

"You guys are what?" galit na tanong ko. Ikamamatay ko kapag totoo ang hinala kong nakunan ako. Hindi ko kakayanin na mawalan ulit ng isa pang anak.

"We're glad that the operation went well. Ilang araw ka nang tulog. Maayos ang naging operasyon kaya kinabahan kami kasi biglang naging critical ang kondisyon mo." singit ni Dad.

"Does that mean that I didn't lose my child?"

"Yes, baby. We can go home after a week. Miss ko na gabi gabi." we laughed in unison.

Maraming problema ang sumubok sa'min. Sa pamilya ko. Pero sa tulong ni God, eto kami ngayon. Masaya. Kumpleto. Lahat kami ay biktima lang. Katulad nga ng sagot ko sa pageant, if I had the chance to change anything that happened in the past, I wont change anything. There are some awkward and bad moments that I wish never happened, but that's part of life. I learned to accept it. Experience is the best teacher. Everything happens for a reason.

Warmth of MemoriesWhere stories live. Discover now