Kabanata 16

277 12 1
                                    

Kabanata 16

Revelations

Lomeli's POV

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Ofcourse, It's familiar. Kwarto ko 'to e.

Ang huling naaalala ko ay sila Jerome at Raizen na nakatingin sa'kin habang yakap ko si Hera at Hans.

"Uhmm.. paano ako napunta dito? Last time I remember I was hugging the twins." naguguluhang tanong ko.

"You fainted." walang ganang sagot ni Hans.

"I what?" naguguluhang tanong ko. I saw my parents expression. They seemed worried.

Nag aalala narin ako. Ilang beses na akong nahimatay. What if? Hindi pa pala ako gumagaling? What if ito ang ikamatay ko?

I let out a heavy sigh.

Lumipas ang ilang oras. Dahil nasa bahay naman ako ay nagagawa ko kung anong gusto ko. Gabi na kaya kailangan ko nang matulog.

I was about to close my eyes when someone hugged me from the back. Nahugot ko ang hininga ko dahil sa nangyari. I almost shout but I stopped when I smelled his shirt.

Hinarap ko siya at nanlalaki ang matang tinignan "Raizen? What are you doing in my room? Gabing gabi na. My dad will kill you kapag nakita ka niya. Isa pa, paano ka nakapasok dito?" pabulong na tanong ko.

"I missed you. I was worried." he gently hugged me.

"Kahit na! You shouldn't have done that! Alam mo na galit sa'yo ang parents ko, even my brother. Nilalagay mo sa alanganin ang buhay mo."

Nakangising nginitian niya ako.
"You're worried! Nag aalala ka! Baby, sorry na po. Sorry na, but I won't promise that I won't do this again." he pouted his lips. This is torture.

Pabiro ko siyang hinampas.

Bigla siyang tumayo at diretso at seryosong tumingin sa'kin.

"May bagay kang hindi sinasabi sa'kin." seryosong saad niya na para bang siguradong sigurado.

I won't lie. Maybe this is the right time for him to know the truth. Pinaupo ko siya sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Kinuha ko rin ang mga death threats na natatanggap ko.

Nang mabasa niya ang lahat ng nakasulat ay hindi inaasahang mapaluha siya. He doesn't cry easily. Minsan lang siya umiyak at alam ko kung bakit.

"Buhay ang anak ko. Buhay sila. Buha..y" wala sa sariling bulong niya.

"Why didn't you tell me, Lomeli? Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Paano kung hindi maganda ang buhay nila? Paano kung.."

"I'm so sorry. May plano naman talaga akong sabihin. Humahanap lang ako ng tamang oras." nakayukong paliwanag ko.

"Hindi yan rason, Lomeli. I have tons of private investigators. Madali natin silang mahahanap kung sinabi mo agad. Isa pa, why didn't you tell me na may nagpapadala sa'yo ng mga death threats?" nag aalalang tanong niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabay sabay na ang problema ko." nanghihinang sabi ko.

He gently kissed me. Kailangan kong pumalag. Kailangan kong matauhan na hindi tama ang ginagawa namin. Malapit na siyang ikasal. May anak na siya. I have to, but I can't. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa halik niya.

"Everything will be fine. As long as you're with me, you're safe."

He kissed my forehead pagkatapos ay nagpaalam at umalis na.

I can finally close my eyes.

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko.

"Hmm.." wala sa sariling sabi ko.

Napatayo ako dahil sa narinig kong nahulog o natumba?

"Shit! Shit!"

"What happened?"

"I'm sorry, baby. Fuck! Your voice."

"Huh? Why, anong meron?"

"Kakagising mo lang? Cause baby, your voice.. It's damn fucking turning me on."

I laughed. "Lahat naman ng gawin ko natuturn on ka. Bakit ka nga pala tumawag?" nakangiting tanong ko.

"We have a lead. Alam ko na kung nasaan sila."

Natulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Totoo bang nahanap ko na sila? I miss them so much.

"Where? Saan?! Puntahan na natin sila Raizen, please. I want to meet them badly."

"Sure. I'll fetch you later."

"Bilisan mo ah. I badly want to see them." umiiyak na saad ko.

"I will. I badly want to meet them too, and I badly want to see you."

Nakarating na kami ni Raizen sa sinasabi niya. Limang oras din ang binyahe namin papunta dito sa Pangasinan.

Bawat hakbang namin palapit sa bahay na tinitirhan ng anak namin ay bumibigat ang hininga ko.

Nauna si Raizen na kumatok. Is this their house? Hindi ako nangmamaliit. Their house is fine. Pero mas maganda dapat ang buhay ng mga anak ko kung hindi sila nawala.

I remember, dito ako sa Pangasinan naaksidente. Malapit lang dito ang beach house ko.

May hinarap sila sa'ming dalawang bata. Kamukha namin sila na ikinahagulgol ko. I hugged Raizen and he hugged me back.

"Raizen..."

"What is it, baby?"

"Do you feel what I feel?" humahagulgol na tanong ko.

"I felt the same way too."

Hinarap namin sila while smiling.

"Hindi po sila ang anak namin. Sorry for the waste of time." paumanhin ni Raizen.

"But don't worry po. Bibigyan namin kayo ng negosyo at kami ang magpapa aral sa dalawang bata." nginitian ko sila sabay abot ng number ko.

Akmang yayakapin nila kami nang mapatigil ako.

"Ako nalang po yakapin niyo, wag na si Raizen." sabi ko na tinawanan nila.

Raizen hugged me from behind.
"Possesive mo naman baby ko. Sa'yo lang ako."

"Don't flirt with me. Hindi pa kita sinasagot."

Bigla niya akong binuhat at nagtatalon. "Yes! Does that mean na pinapayagan mo na akong manligaw?" nakangiting ani niya.

"Ayaw mo?"

"I want, baby."

Pumunta kami sa beach house ko. I called my parents. Dito na kami magpapalipas ng gabi. Hindi ko sinabi sakanilang kasama ko si Raizen.

Niyakap ako ni Raizen. "Baby, may second lead ako pero hindi ako sigurado. Kapag napatunayang ang second lead ang anak natin, makakapatay ako ng babae. How dare her fooled me?" tiim bagang na sabi niya.

"Bakit, sino ba ang second lead mo?" kunot noong tanong ko.

"I'm not sure and I can't accept the fact that someone fooled me."

"Sabihin mo, sino? Please, Raizen sabihin mo. Baka pag nalaman ko, maunahan pa kitang patayin ang sinasabi mo."

"Baby, matagal mo na siyang kilala."

"Sino nga, Raizen e! I want to know kung sino! Sawa na akong umasa, so please tell me who!"

"Si Raize."








Warmth of MemoriesWhere stories live. Discover now