Kabanata 3

410 11 1
                                    

Kabanata 3

Confession

Lomeli's POV

"L-lomeli? Raizen? What the fuck is this?!" galit na galit na sigaw ni Jerome

Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Raizen sa kamay ko pagkatapos ay hinarap ko si Jerome at Ryza.

"It's not what you guys think! Aksidente lang ang lahat! Natulak ko siya tapos napasandal ako sa kanya dahil nawalan ako ng balanse." I lied. Hindi naman talaga ako nawalan ng balanse. Hindi ko napansin magkahawak ang kamay namin ni Raizen nang itulak ko siya at dahil napalakas ang impact ay nahatak niya ako kaya aksidenteng naglapat ang mga labi namin.

"I'm not stupid! I heard moans!" sigaw ulit niya. Hindi naniwala sa sinabi ko kanina.

"Ano bang kinakagalit mo? You're not her boyfriend." walang emosyong sinabi ni Raizen kay Jerome. Natigilan si Jerome sa sinabi ni Raizen. May dumaang emosyon sa mata niya na hindi ko nabasa.

"Right. Ano nga naman ba ang pakielam ko?" Jerome laughed bitterly. Nagseselos ba siya? Imposible, ang sabi niya sa'kin si Ryza ang gusto niya. Kaya nga inaasar ko silang dalawa e. Crush ko si Jerome pero kung sila ni Ryza ang endgame, magiging masaya ako para sakanila.

Nakabalik na kami sa pagkain. Kaya pala hindi nila Ryza kasama kanina si Raize dahil naiwan ito sa kapatid ni Raizen. Tinawagan ito ni Jerome para bantayan muna si Raize.

Hiyang hiya ako sa kapatid ni Raizen. Alam kong hindi niya alam ang sinabi ko noon, pero naguiguilty ako. Naaalala ko yung mukha ko 'non na galit na galit sa kanya. Rainie and I were close before.

Sobrang tahimik naming lahat dahil sa nangyari kanina. Kanina nang makita ako ni Rainie ay nagulat siya. Alam kong alam niya na ako ang ex wife ng kuya niya. Buti nalang binasag ni Rainie ang katahimikan na mukhang nakahalata sa namumuong tensyon.

"Enchanted Kingdom tayo? Isang oras lang naman ang biyahe papuntang Santa Rosa, Laguna." nakangiting pag aaya niya.

Biglang tumalon talon sa tuwa si Raize kaya nagtawanan kami. Ang saya talaga kapag may kasama kang bata. Kung nabuhay lang si Raize, kasama ko dapat siya ngayon.
Lahat kami ay tumango na nakangiti.

"Okay na ah? Commute tayo." sabi ni Rainie

"That's a good idea! Pero kasya ba tayong lahat sa taxi?" tanong ni Jerome.

"Anong taxi? We're going to ride a bus!" excited na ani Rainie

"Bus? So ibig sabihin, dalawahan ang magkatabi?" tanong ko.

"Yup. Hindi ka pa ba nakakasakay ng bus?" sabat ni Ryza.

"Nakasakay na ako. Twice. With my 'Ex Husband'." diniian ko ang salitang ex husband. Rainie ang Ryza laugh awkwardly. Then, I realized. Si Jerome nalang pala ang walang alam na ex husband ko si Raizen.

"Ex husband huh?" rinig kong bulong ni Raizen.

"Yes. 'Ex Husband.'" bulong ko pabalik.

"Buhay ka pa pala?" nakataas ang kilay na dagdag ko. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita.

"Yes. My head is alive." nakakaasar na bulong niya.

Nakasakay na kami sa bus. Magkatabi sila Rainie at Raize, habang sila Ryza at Jerome naman ang magkatabi. Hindi kami magkatabi ni Raizen. Dinahilan ko nalang yung nangyari kanina. Habang umaandar kami ay padagdag ng padagdag ang pasahero.

Dalawa nalang ang bakanteng seat. Sa tabi ni Raizen at sa tabi ko. Biglang may sumakay na lalaki. I'm not being a judgemental pero sa akin siya tatabi. Nakangisi siya sa'kin na animo'y may binabalak na masama. He looks like he's on drugs.

Warmth of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon