Kabanata 12

239 12 1
                                    

Kabanata 12

Death Threats

Lomeli's POV

Hinihintay ako sa labas ng subdivision ni Raizen. Buti nalang at wala si kuya at ang parents ko. Magagalit 'yon sa'kin lalo na kay Raizen. Kagabi noong sinabi ni Mom na support niya ako ay hindi ako naging masaya. Alam kong kung alam niya kung sino ang nagpakilig sa'kin ay imbes na maging masaya ay magagalit siya.

Ngayong araw na ang date namin. Sa sobrang excited ko ay hindi ako nakatulog kagabi.

Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. I wore a plain black above the knee turtle neck dress. Pinartneran ko ito ng stilletos na black. Pinanatili kong nakalugay ang buhok ko. Halos hindi ko matignan ang mukha ko. I looked like a mess. Sobrang kapal ng eyebags ko dahil sa hindi ko pagtulog kagabi. I wore a light make up. Hindi kasi bagay sa'kin ang makapal na makeup.

Hindi ko pa nakikita si Raizen. Nagmessage lang siya sa'kin kanina kaya nalaman kong nandito na siya.

Biglang pumasok si Ryza sa isip ko. Hanggang ngayon ay hindi parin siya bumabalik. Pangatlong araw na simula nung umalis siya. Wala akong nareceive na kahit anong text o tawag sakanya. Nag aalala na nga ako dahil baka kung napano na siya.

Inabutan ko si Raizen na may kasamang dalawang teenager. Nagpapapicture sakanya yung dalawa.

"Kurutin ko mga singit niyo e." inis na bulong ko.

Grabe kung makalingkis yung dalawa kay Raizen. Daig pa nila ahas sa totoo lang. Si Raizen naman, ngiting ngiti. Halos umusok na ang ilong ko sa galit.

Nilapitan ko si Raizen. Isinukbit ko sa braso niya ang braso ko. I looked at the two teenagers.

"Hi!" plastic na bati ko.

They both smiled at me. "Hello po! Kapatid ka po niya?" tanong nung mas matangkad.

'Aba! Ako? Napagkamalang kapatid?' sa isip isip ko.

"Nope. I'm Lomeliana Eyza Rossi. His 'Girlfriend'." pagpapakilala ko. Diniinan ko ang salitang girlfriend. Alam kong pagkatapos nito ay aasarin ako ni Raizen. Sinabi ko lang naman na girlfriend niya ako para tumigil yung dalawa sa kakalingkis sa kanya.

"Ay... girlfriend. Sige po alis na kami." bakas ang panghihinayang sa boses ng babaeng mas maliit sa kasama niya.

Nakataas ang kilay na hinarap ko si Raizen. "Malandi ka rin e noh?" galit na saad ko.

"I'm not! Nilapitan lang nila ako para magpapicture. Mabait naman sila e. They're both pretty." pagtanggi niya.

"Pretty? Bulag ka ba? O sadyang malandi ka lang talaga?" may itsura naman talaga yung dalawa. Siguro dahil sa selos kaya ko nasabi 'yon.

"Hindi nga. I'm just being generous. Tsaka ayaw mo no'n, gwapo kaya pinagkakaguluhan ang 'boyfriend' mo?" bakas sa boses niya ang pang aasar.

"Tse! Ikaw din naman ah?"

"So inaamin mo? Don't be jealous, baby Lomeli ko."

"I'm not jealous! Nag iilusyon ka na naman?" galit na tanggi ko. Hindi ko siya hinayaang magsalita. Dumiretso lang ako sa sasakyan niya. Sumunod na'rin siya.

Buong byahe ay hindi ko siya pinansin. Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko siya sinagot. Landi pa more.

Pumunta kami sa Enchanted Kingdom. Umalis kami nang ala una ng tanghali. Dahil isang oras lang ang biyahe papuntang Santa Rosa, Laguna ay saktong alas dos ng dumating kami.

Wala parin ako sa mood hanggang ngayon. Alam kong sobra na ang ginagawa ko pero hindi niya ako masisisi. Natrauma na ako sa mga ganito. Pakiramdam ko mawawala na naman si Raizen sa'kin. Ngayon nga lang ay nahihirapan na ako sa sitwasyon namin paano pa kaya kapag may dumagdag pa.

Papasok palang kami sa vikings ay napansin kong parang namumutla si Raizen.

I laughed.

"What are you laughing at?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Masama?"

"Baby naman e. 'Wag na tayo sumakay dito." nakangusong pakiusap niya.

"Bakit takot ka?" nang aasar na tanong ko.

"I'm not. Mas takot parin ako sa'yo." he said.

"Good."

Lumipas ang ilang oras. Medyo gumanda na ang mood ko dahil sa pagsuyo sa'kin ni Raizen. May konting tampo pero wala nang galit.

Isang oras nalang ay alas dose na. Nakasakay na kami kanina ng ferris wheel pero gusto ko paring sumakay ulit para makita ng mas maganda ang fireworks display.

"Ferris wheel tayo?" nakangiting tanong ko.

Umiling siya. "I'm hungry. Nakasakay na naman tayo kanina." he said coldly. Bigla nalang naging malamig ang pakikitungo niya sa'kin.

"Please? Sige na." pilit ko.

"Ayoko nga. Gutom na ako."

Wala sa sariling tinanguan ko siya. Kanina niya pa sinusunod ang gusto ko kaya ako naman ang magpaparaya.

Nauna siya sa paglalakad. Hindi niya ako hinintay hanggang makarating kami sa kainang sinasabi niya.

"This way, ma'am" turo sa'kin ng babaeng waiter.

Nag paalam si Raizen na pupuntang restroom. Dinala ako ng waiter sa veranda ng restaurant. Hanggang third floor ang restaurant na 'to.

Napaluha ako dahil sa nadatnan ko. Sobrang ganda ng table namin. May tumutugtog pa.

Biglang may kumalabit sa'kin. Pagkaharap ko ay tumambad sa'kin ang nakangiting si Raizen. He's holding a bouquet of roses.

"Will you be my date tonight?"

Maluha luhang tinanguan ko siya.

Sobrang romantic ng nangyayari ngayon. Hindi parin ako makapaniwala. Kinabahan ako kanina. Akala ko nagsawa na siya sa'kin.

Biglang tumugtog ang theme song namin. Eternal Flames by The Bangles.

Close your eyes, give me your hand, darlin'
Do you feel my heart beating
Do you understand
Do you feel the same
Am I only dreaming
Is this burning an eternal flame

I believe it's meant to be, darlin'
I watch you when you are sleeping
You belong with me
Do you feel the same
Am I only dreaming
Or is this burning an eternal flame

Kasabay ng chorus ay ang fireworks display.

Pagkatapos ng mga romantic things na nangyari ay pinaghahampas ko si Raizen.

"Pinakaba mo'ko! Akala ko nagsawa ka na sa'kin! Bakit ba kasi bigla kang naging cold sa'kin?" mangiyak ngiyaj na sigaw ko. Naglalakad kami ngayon sa parking lot.

He laughed. Ang gwapo niya talaga. Totoo nga ang sinasabi nila. Yung tipong bumabagal ang galaw ng mundo. "I did that to surprise you. Bati na tayo ah?"

Magsasalita na dapat ako ng bigla akong niyakap ni Raizen. Sobrang lakas ng pintig ng puso niya.

Kinalas niya ang pagkakayakap sa'kin. "Muntikan ka na. Gago yun ah."

Naguguluhang tinignan ko siya. "That bastard almost hit you. I got his plate number. Halatang sinadya. Sobrang laki ng kalsada pero sa'tin dumaan?" tiim bagang na sabi niya.

Nakita kong may papel na nasa lapag. Kinuha ko ito at binasa.

Wish for your life. You'll be dead soon. Sulitin mo na ang nga nalalabing oras mo.

My phone beeped. May nag email nanaman. It's the same person who emailed me before.

Mail From Unknown:

Nagsisimula na siya. Ingatan mo ang anak mo. Ingatan mo ang buhay mo. Lagi kang tumingin sa paligid mo. He's watching you. Your child is alive. Kambal ang anak mo.

Warmth of MemoriesWhere stories live. Discover now