Kabanata 11

244 10 1
                                    

Kabanata 11

Mystery Mail

Lomeli's POV

Nakaupo ako malapit sa veranda ng kwarto ko. Malapit na ang sunset. Kitang kita mula sa kinauupuan ko ang sunset. Hobby ko na itong gawin lalo na kapag may problema ako o gustong magrelax.

Natapos ang araw ko kahapon kasama si Raizen. I enjoyed every seconds dahil alam kong malaki ang posibilidas na 'yon na ang huling araw na makakasama ko siya.

Nagsisisi ako. Bakit hindi ko nalang tinanggap si Raize at patawarin si Raizen? Sa kagustuhan kong walang masaktan ay nasasaktan ko ang sarili ko. Maybe, Jerome is right. Maybe, I'm too selfless.

But I would rather be selfless than hurt someone. I don't want to be the antagonist of my own story.

Hanggang ngayon hindi parin ako nakakapagdecide. Ano ba ang tamang gawin?

Nag isip ako ng nag isip pero wala paring pumapasok sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa. Pagkabukas ko palang ay tumambad sa'kin ang isang email.

Walang nakalagay na pangalan kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko pa nabubuksan ang mail pero nakaramdam na agad ako ng kaba. May kutob akong iisa lang ang nagmemessage sa'kin.

Mail From Unknown:

I know something about you that you don't know. Becareful. Protect your child. Protect him from him.

Protect my child? Protect him from whom? Apat na taon nang patay ang anak ko. Hindi ko inintindi ang mail. Baka wrong send lang.

Ipapasok ko na dapat ang cellphone ko sa bag pero tumunog na naman ito.

Mail From Unknown:

This mail is not a wrong send, Lomeliana Eyza Rossi. Hawak niya ako sa leeg. I don't want to do this. I don't want to be a traitor. I don't want to hurt anyone. Protect your child. Becareful. Don't trust anyone other than your self. Even your parents and sibling. Even your closest friend.

Kinakabahan man ay nagreply ako sakanya.

Mail To Unknown:

Who are you? Anong sinasabi mo? Sinong may hawak sa leeg mo? My child died four years ago, so sino ang ililigtas ko? How did you know my full name? Why should I believe you?

Sunod sunod ang tanong ko sakanya. Umaandar na naman ang kuryosisad ko. Sobrang dami ko nang problemang iniisip dumagdag pa 'to.

Nagt-type palang ako nang may nagmessage sa'kin. I didn't expect him to text me. Hindi ko pa naman binibigay ang number ko sakanya kaya paano niya ako namessage?

Kinikilig na binasa ko ang message niya.

From Raizen:

Good Evening, Lomeli ko. Miss na kita. Date tayo bukas?

Lahat ng mahawakan ko sa tabi ko ay nabugbog ko na dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Humiga ako sa kama ko.

Napanguso ako dahil sa kapalpakang nagawa ko. Nabasag ko ang babasaging frame kung nasaan ang litrato naming magkasama ni Raizen noong buntis ako. Fifteen weeks palang akong buntis sa litrato.

Bigla akong kinabahan. Hindi kasi bago sa'kin ang paniniwala ng matatanda na kapag nabasag ang picture frame ng walang dahilan ay may masamang mangyayari.

Hindi ko nalang inisip 'yon dahil ang picture frame naman ay nasanggi ko. Sa ngayon ay iintindihin ko muna ang kilig ko.

Winalis ko lang ang mga bubog pagkatapos ay binugbog ulit ang mga unan ko.

"Lomeli! Ano ba 'yan?! Kanina ka pa galabog ng galabog diyan! Nanonood ako! Hindi ko tuloy marinig dahil sa kaingayan mo!" sigaw ni Kuya Luthor mula sa kabilang pinto.

Magsasalita na dapat ako pero naunahan ako ni Mommy.

"Pabayaan mo ang kapatid mo. Kinikilig 'yan. Naiintindihan ko siya kasi pinagdaanan ko rin 'yan." narinig kong biglang umaray si Kuya kaya natawa ako. Binatukan 'yon panigurado. "Ikaw dapat ang pinapagalitan! Anong pinapanood mo? Nanonood ka na naman ba ng porno?!" galit na sigaw ni Mommy.

"Hindi ah." tanggi ni Kuya. Sus! Halata na nagsisinungaling pa.

"Hindi mo ako malolokong bata ka! Manang mana ka talaga sa tatay mo!" sigaw ni mom. Narinig kong ilang beses na umaray si Kuya Luthor. Buti nga. Nood pa more.

"Ma! 31 na'ko. Paalala lang. Tsaka hindi lang naman ako e. Kasama ko pa nga si Dad na manood ngayon. Pinalabas niya lang ako para sawayin si Lomeli." paliwanag ni Kuya. 52 palang sila Mom at Dad. Nagkakilala sila noong College. Katulad namin ni Raizen ay eighteen years old sila nagpakasal. Twenty one sila ng ipanganak si Kuya. Pero sa kabila noon ay hindi nila napabayaan ang pag aaral nila at ang career nila.

"31 ka na pala? Sige sige. Pwede na. You know, nasanay lang ako kasing lagi kitang sinasaway dati. Pero anong sabi mo?! Kasama mo ang daddy mong manood?! Lagot talaga sa'kin 'yan! Sa sofa siya matutulog mamaya!" narinig kong sigaw ni Mom.

Nagsalita si Mom mula sa labas.
"Support kita, dear."

Nireplyan ko si Raizen

To Raizen:

Sure! Ikaw na bahala sa kakainan natin ah? Ako naman sa lugar na papasyalan natin. May alam akong lugar. Good Evening din. : ) . Sorry sa late reply. May pinagawa kasi sa'kin si Mom.

Wala pang dalawang segundo ay nagreply na siya.

From Raizen:

It's fine. Wala man lang bang I miss you too diyan? Pero kung mabait ka kahit I love you nalang. I love you, baby Lomeli ko.

To Raizen:

Demanding? Bakit kita sasabihan ng I miss you too e hindi naman kita namiss?

Inasar asar ko siya. Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagvibrate ng cellphone ko.

Raizen is calling

Sinagot ko ang tawag niya.

"You don't miss me? I'm hurt." madramang tanong niya.

"Bakit? Angal ka?" galit galitang tanong ko.

"Baby naman e. Miss mo ako diba? Diba? Diba? Diba miss mo ako? Baby, sumagot ka naman." kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko ang itsura niya.

Hila hila niya ang laylayan ng damit ko habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa'kin. Lagi niyang ginagamit sa'kin ang baby talk niya.

Hay nako... bakit ba kasi ang rupok ko?

"Oo na. Miss na kita. Happy?" kunwaring napipilitang sabi ko.

"I'm more than happy. Pero mas happy ako kung I love you ang sinabi mo." I can feel that he's smiling from the other line.

Sana nga ganoon lang kadali 'yon. Sana nga. Hanggang ngayon nalang 'to. Dahil kapag natapos ang mga 'to at ikakasal na sila, puro sakit nalang ang nararamdaman ko. Ako naman ang nauna.

I smiled sadly. "Sana nga. Sa sitwasyon natin ngayon, gustohin ko man ay hindi pwede."

Naramdaman kong bigla siyang nagtatalon dahil rinig na rinig ko ang tunog ng paa niya. Narinig ko rin ang pagsapak niya sa mga unan. May narinig akong nabasag.

"Kuya Raizen naman! Nagbabasa ako ng wattpad dito e! Nandoon na ako sa scene na'yon e!" rinig kong sigaw ng isang babae. Kilala ko kung kanino ang boses. It's Rainie's voice.

Warmth of MemoriesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα