Kabanata 8

241 10 1
                                    

Kabanata 8

Beauty Pageant

Lomeli's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. I looked at the LCD Clock beside me. Alas dos palang pala ng madaling araw.

I saw a man sitting beside me. It was Jerome. Biglang pumasok sa isip ko si Raizen. Silang dalawa ni Jerome ang nakita ko bago ako mawalan ng malay.

Bakit nga ba ako umaasang nandito siya para bantayan ako? I know that he's busy making out with his fiancè, Sheena.

I tried not to make a noise, pero nabigo ako.

"Ahhhhhhhhh." I shouted crying in pain. Sobrang sakit ng ulo ko.

Hindi mapakaling napatayo si Jerome sa gulat. "What happened?! Why are you shouting?!" he look at me with widened eyes.

I tried to look at him, teary eyed. May pinindot siyang button. Biglang may pumasok na grupo ng doctor at nurse.

They injected something on me, and in just five seconds, nawala ang sakit ng ulo ko.

Wala pang isang oras ay dumating si Mom, Dad and Kuya Luthor. Binati nila saglit si Jerome. They talked with the doctor.

"The pain will lost eventually. May mga pagkakataon na sasakit talaga ang ulo niya. Lalo na kapag naiistress. Wala naman kayong dapat ipag alala dahil natural lang ang nangyayari sa anak niyo. Don't do things na ikaiistres niya. Lalabas na ako, Mr. and Mrs. Rossi." paliwanag ng doctor.

Mukhang nakahinga ng maluwag sila Kuya dahil sa sinabi ng doctor. Nilapitan ako ni Kuya at ginulo ang buhok ko.

"Pasalamat ka talaga masakit ang ulo mo! Kundi kotong aabutin mo sa'kin."

Sinaway ni Dad si Kuya.

"Luthor. Kasasabi lang ng doctor na wag istressin ang kapatid mo." Dad said with authority.

Kuya apologized pagkatapos ay nilingon ulit ako. Inaasahan kong bubulyawan niya ako but he hugged me. He hugged me like I'm the most expensive thing in the world.

Gumagalaw ang mga balikat niya. Palatandaan na umiiyak siya.

"Kuya! Ang baho baho ko na. 'Wag mo akong yakapin."

"Pinag alala mo ako. I thought I will lose you. Muntikan ka ng mawala dati. Hindi ko kakayanin kapag tuluyan kang nawala. I'm here. Pwede mo akong sabihan ng problema. 'Wag namang umabot sa puntong magpapakamatay ka." I saw my parents crying.

I looked at them. Confused. "Huh? Sino ba nagsabing magpapakamatay ako?"

Naguguluhang tinignan nila ako isa isa. "May lubid at upuan sa kwarto mo. You locked your door. Ano sa tingin mo ang iisipin namin?" sabat ni Jerome.

"Yes. Naisipan kong magpakamatay. But I realized, mali ang gagawin ko. Kapag ginawa ko 'yon, hindi ko kayo makakasama sa heaven. Tatanggalin ko na nga dapat yung lubid kaso bigla kayong pumasok." paliwanag ko.

Bigla silang nagtawanan na mukhang ewan.

"Wait.. don't tell me akala niyo magpapakamatay ako?"

"Bakit hindi ba?" kunot noong tanong ni Kuya.

"Hindi nga!" tumatawang sigaw ko.

I stayed in the hospital for three more days. It's Thursday today. Hindi ako nakaattend sa meeting namin noong Monday. May pasok dapat ako ngayon pero pinag day off ako ni Jerome.

"Nakakahiya na, Jerome." hiyang hiya na saad ko.

"Don't worry. Dalawang buwan pa naman bago ang kasal." he assured me that it's really fine.

Kasama ko ngayon si Kuya Luthor. Kakatapos lang namin manood ng sine. We'll just eat here in the cafè, then after that we will go to the arcade.

Nagbabasa ako ng wattpad books habang si Kuya Luthor ay may katext. Kanina pa nga siya pangiti ngiti e.

"Parang baliw." bulong ko. Akala ko hindi niya maririnig pero salubong ang kilay na nag angat siya ng tingin sa'kin.

"Ako? Baliw? Hiyang hiya naman sa'yong kapag kaharap ang libro, tumatawa at umiiyak mag isa." sabi niya haban nakaturo sa sarili. Puro siya ako.

"Baliw ka naman talaga e!" sigaw ko sa mukha niya. Bigla siyang lumapit sa'kin at ginalaw galaw ang mga daliri.

"Baliw pala ah!" halos maihi na ako sa katatawa. Kinikiliti kasi ako ni Kuya.

"St....op! Tam..a na!" hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko.

"Ang sweet naman nila. Bagay sila." dahil sa narinig ay umayos kami ng upo ni Kuya.

'Jusmiyo. Kami bagay? Yuck!' bulong ko sa isip ko.

"Yuck!" sabay naming sigaw ni Kuya. Umakto kaming parang nasusuka.

"Kami bagay?" parang naiinsultong tanong ni Kuya sa babaeng nagsalita.

"Opo." takot na sagot ng babae.

I smiled at her. "Don't be scared Ms. and he's my older brother. Pero hindi kami bagay ah? Yuck. As in iww."

Palabas na kami ng cafè nang lapitan kami ng babae kanina. This time may kasama siya. Lalaki... I mean paminta.

"I'm Farrah. Siya naman po si Brian." pakilala niya. By the way she looks, mukha siyang mayaman. Yung kasama niya, pamilyar din.

"Briana kasi." sabi nung Brian.

"Do you need something? We're in a hurry, Ms." masungit na tanong ni kuya. Siniko ko si Kuya Luthor at sinamaan ng tingin.

"Opo."

Biglang sumabat yung Brian. "I can make you a queen. Naghahanap kasi ako ng babaeng suitable, and you're not just suitable cause your perfect. Lalaban kalang sa beauty pageant. May cash prize. Ticket to London for five persons. Plus sisikat ka and you will be on fashion shows. Bongga diba? This is my calling card." inabot sa'kin ni Brian ang calling card niya. Kaya pala pamilyar siya. Siya yung sikat na fashion designer.

"Paano naman namin malalaman na hindi 'yan scam?" seryosong tanong ni Kuya Luthor.

"Halurr. Hindi mo ba ako kilala? I'm Briana Perez. The well known fashion designer."

"Sure! I want to. Matagal narin nung huling sali ko sa beauty pageant. Pero kailan ba 'yan? Magiging busy kasi ako sa October." August lang kasi ngayon. Pageant person ako. Madami na akong naipanalo. Ang last na sali ko ay noong college pa ako.

"Sa katapusan pa naman. Pero bukas simulan na natin ang preparations."

Sa buong pag uusap ay nakasimangot lang si Kuya Luthor at puro kontra.

Hindi pa kami tuluyang nakakalabas ng sumigaw si Farrah. "Bwiset ka! Wala kang modo! Ang bait namin sa'yo ni Brian tapos sisimangutan mo kami?!"

Walang sali salitang hinarap ni Kuya si Farrah. All of us were in state of shock.

My brother kissed her. Kuya Luthor kissed her.

She slapped Kuya Luthor. "Why did you do that?! Jerk!"

Warmth of Memoriesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن