Kabanata 6

283 10 1
                                    

Kabanata 6

Goodbye

Lomeli's POV

Months have passed. I already confront Ryza about her feelings for Jerome. Noong una, tumatanggi siya pero nahuli siya sa sariling salita. Sinabihan ko na rin sila Jerome at Raizen to stop courting me but they don't want to. Sinabi ko naman na sa kanila na hindi ko sila sasagutin, pero ayaw talaga nilang tumigil.

Lately, napapansin kong nagiging close na si Ryza at Kuya Luthor. I'm happy for them. Hindi parin nila alam na ang first love nila ay ang isa't isa. Sa haba ng panahon na lumipas, hindi na nila naaalala ang itsura ng isa't isa. Yung mga pictures naman nilang magkasama ay nasa nasunog na bahay namin.

"Close na kayo ni Kuya Luthor ah? May something na noh? Yiee." asar ko kay Ryza. Dati kasi ay inis na inis siya kay Kuya. Simula kasi nang pumunta si Ryza sa bahay namin ay lagi na siyang kinukulit at inaasar ni Kuya Luthor. Sabi nga ni Ryza, binabawi niya na daw na naaalala niya si Kuya sa First Love niya. One day, bigla nalang silang naging close. Feeling ko nga may something na sakanila.

"A-ah.. Wala a-ah. Nakakainis kaya 'yang Kuya mo. M-masyadong mahangin." pagtanggi niya.

"Talaga ba? Why are you stuttering then? Tsaka bakit parang kinakabahan ka? Meron na noh?" pang iintriga ko.

"Wala nga. Oo, medyo close na kami. Friends na kami. Pero hanggang 'don nalang 'yon. Alam mo namang si Jerome ang gusto ko diba?" napansin kong seryoso na si Ryza kaya tinigilan ko na ang pang aasar.

Biglang pumasok si Kuya Luthor sa condo namin. Halatang wala siya sa mood, may nababasa akong sakit sa emosyon niya. Hindi ko alam kung mali ang hinala ko, but one thing is for sure. My brother is slowly falling inlove with my bestfriend.

"Good Morning, pango." pilit na pinasigla ni Kuya Luthor ang boses niya.

"Tse! Pango ka diyan! Good Morning!" pabirong sigaw ni Ryza kay Kuya Luthor.

"Bakit, hindi ba?" nakaka-asar na tanong ni Kuya. Hindi naman talaga pango si Ryza. Hindi matangos ang ilong niya pero hindi siya pango. Kumbaga average lang. Pero bumagay sakanya ang ilong niya.

"Sabi ko nga!" tumalikod si Ryza. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag ngiti niya.

'Sino ba talaga ang gusto mo, Ryza? Sinasabi mong si Jerome, pero sa kilos mo naman si Kuya. Sana makapagdecide ka na. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang kapatid ko.' sa isip isip ko.

Umalis si Ryza. Saturday ngayon, tumutulong si Ryza sa parents niya tuwing Friday at Saturday. Monday toThursday kasi ay puro trabaho kami. Sunday lang ang pahinga niya. Habang ako ay Friday to Sunday.

Tapos na kaming maglunch. 12: 30 PM palang. Nandito ako sa kwarto ko, habang nag babasa ng wattpad. Kapag may freetime ako ay lagi kong ginagawa 'to. Twelve years old palang ako ng simulan ko ang magbasa ng wattpad.

Lumabas ako ng kwarto ko para pumunta sa kitchen. Kakainin ko yung binili kong cake at ice cream kahapon. I love to eat, specially mga sweets, pero hindi ako tumataba.

Huminto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. My brother is crying. Nilapitan ko agad siya para icomfort.

"Bakit Kuya Luthor? Did something bad happened?" nag-aalalang tanong ko.

"Nothing. Napuwing lang ako." pilit niyang pinasigla ang boses niya.

"Kuya, I know you. I know when you're lying. Tell me, bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Napuwing lang ako." matigas ang boses na sabi ni Kuya, but I don't believe him. Si Kuya Luthor kasi yung taong tinatago ang totoong nararamdaman niya. Minsan ko lang siyang makitang umiyak. When he's crying, I know there's a big reason.

Warmth of MemoriesWhere stories live. Discover now