Chapter 35

98 3 0
                                    

Larice's POV

Bumaba ako mula sa kwarto ko matapos kong maglinis doon. Ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Hindi na nga ako nakakalabas masyado. Ang laki na rin kasi ng tiyan ko. Limang buwan na akong buntis. Ilang buwan na lang at lalabas na ang baby ko.

Matapos ang tangka kong pagpatay sa baby ko at matapos mamatay ni Nanay, natauhan ako. Kailangan kong alagaan ang magiging baby ko. Kahit pa hindi ko kilala ang ama niya. Hindi ko siya pwedeng patayin. Anak ko siya. Aalagaan ko siya at mamahalin.

Napahawak ako sa tiyan ko. Nagugutom na ko. Alas dose na rin kasi ng tanghali.

Ininit ko na lang ang tirang instant noodles pati na rin ang kanin. Dinagdagan ko na lang ng isang itlog pero kahit papaano ay may sustansya naman.

Umupo ako at nagsimulang kumain. Kailangan nasa tamang oras ako kung kumain. Ayaw kong lumaking payatot ang anak ko.

Napatingin ako sa family picture namin na nakasabit pa rin pala sa dingding. Kasama roon si Nanay, Tatay, Karice, ako, at si Richie. Tama, si Richie.

Naging masama ako sa kaniya. Halos mapatay ko na rin siya noong nakaraan. Lagi ko siyang nasasaktan, nasisigawan, at napagsasabihan ng kung ano-ano. Nitong nakaraan lang ako nakapag-isip-isip na sana pala naging mas mabait pa ko sa kaniya. Napagtanto ko na lang na kahit mas maganda ako sa kaniya, mas maputi o mas maganda ang katawan noon, mas gusto pa rin siya ni Nanay.

Sa kabila ng mga nagawa ko sa kaniya, siya pa rin ang nagdala sa 'kin sa ospital. Gustong-gusto kong magpasalamat kaso pinalayas siya ni Tatay. Pero, napakabait talaga ni Richie. Nakita ko siya noong nakaraang araw. Siya pala 'yong nag-iiwan ng groceries dito sa bahay. Hindi naman ako makalapit sa kaniya. Nahihiya ako sa mga nagawa ko noon.

Sana ganito rin ang maisip nila Tatay at Karice. Kaso, hindi na rin naman babalik dito si Richie lalo na't alam niya na ang totoo. Saka, mukhang hindi mawawala ang galit ni Karice kay Richie.

Ito namang kapatid kong si Karice, nalihis na rin ng landas. Nakikipag-sex ba naman doon sa Harold na 'yon para makuha niya ang mga gusto niya. Sinubukan kong pigilan pero ayaw magpaawat. Huwag lang sana siyang mapahamak kagaya ng nangyari sa 'kin. Ang hirap mabuntis ng hindi pa handa.

Tinapos ko na lang ang pagkain. Hinugasan ko na lang ang mga pinagkainan ko saka nagsimulang manood sa TV.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko naman kung sino na, si Tatay lang pala.

"Tay, kain na po." sabi ko habang pinagmamasdan siya. Pawis na pawis siya at medyo namumula ang mga mata niya. "Tay, ayos lang po ba kayo?"

"Lumapit ka nga rito, Larice." utos niya kaya lumapit naman ako.

Nagulat ako nang hawakan niya ko sa magkabilang balikat. Ang higpit ng pagkakahawak niya. "Tay, b-bakit po ba?"

Napatili ako nang dakmain niya ang magkabila kong dibdib. "Ang laki na nito, 'nak. Naiisip ko ng dito sususo ang magiging anak mo. Ang swerte naman niya. Matagal ko na ring gustong matikman 'to."

Buong lakas ko siyang tinulak. Nandidiri akong lumayo sa kaniya. "Tangina! Tumigil ka, 'Tay! Respeto naman! Anak niyo ho ako!"

Napaupo ako sa sahig ng dumapo sa kaliwang pisngi ko ang malaki niyang palad. Namanhid yata ang mukha ko sa lakas ng sampal niya.

Natatakot na ko sa mga titig niya. Parang wala siya sa sarili. Parang hindi siya matino!

Tatayo na sana ako nang bigla niya kong inihiga sa sahig. Umibabaw siya sa 'kin. Wala akong nagawa kundi magpumiglas at paghahampasin siya.

Diyos ko! Tulungan niyo ho ako!

"Huwag ka ng pumalag, Larice. Maya-maya naman masasarapan ka na. 'Di ba naging pokpok ka naman? Sigurado akong sanay na sanay ka na."

Karice's POV

"Nasasaktan ako, Harold!" pag-angal ko dahil sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Who's that guy who keeps on texting you?! Fucking answer me you stupid bitch! Ayaw ko ng niloloko ako!"

Napaatras ako dahil galit na galit ang mukha niya. Noong nakaraang araw pa siya kakaiba. Ginagalaw niya ko ng walang pakundangan. Tapos ngayon, sinisigawan niya naman ako.

"Hindi ko kilala 'yon! Ni wala ngang naka-register na pangalan sa cellphone ko!" ganti kong sigaw at marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Call him and tell him to stop texting you!" sigaw pa niya. Ang talim ng mga titig niya sa 'kin. Kung totoong matalim ang mga iyon, lasog-lasog na ko rito sa kinatatayuan ko.

"I blacklisted him on my phone! Wala na kong matatanggap na message mula sa kaniya! Tigilan mo nga ang pagsisisigaw mo sa 'kin!"

Medyo kumalma na ang itsura niya pero ang sama pa rin ng tingin niya sa 'kin.

"Make me angry again, Karice at hindi ka makakalakad ng isang buwan." pagbabanta niya saka sumakay sa kotse niya. Umandar na ang kotse niya paalis.

Iritado kong napairap sa hangin dahil sa inasal ni Harold. Psh, ang OA naman niya. Gwapo lang siya saka mayaman pero hindi ko siya jowa. Wala rin akong balak magkagusto sa kaniya.

Napangisi rin ako dahil nakukuha ko ang gusto ko. Even though he's fucking me all the time, binibigay niya naman basta hilingin ko. Nagkukunwari lang naman ako na hindi ko gusto 'yong mga binibigay niya. Ayaw kong mahalata niya na pera lang niya ang kailangan ko.

Akala ba ni Richie siya lang may kayang makabingwit ng mayaman na lalaki? Tangina ang pangit-pangit niya tapos may umaaligid sa kaniyang mayaman na lalaki noon. Sigurado kong pinagsawaan na siya no'ng lalaking 'yon. Ang itim-itim niya at nakakadiri pang tingnan.

Imagine, nagse-sex sila no'ng lalaki tapos ang pangit ng mukha niya habang umuungol. Parang linamukos na papel pa naman mukha no'n. Boses lang naman niya ang maganda pero bakit ba paborito siya ni Nanay noon? Tapos may kaibigan pa siyang kasing pogi ni Joren! Argh!

Kinuha ko ang phone ko mula sa sling bag nang mag-ring iyon. Si Ate Larice pala ang tumatawag.

"Hello, Ate? May kailangan ka ba?"

"Kamag-anak po ba kayo ni Larice Estrella?" boses ng babae mula sa kabilang linya.

"Oo. Kapatid niya ako." naguguluhan kong sagot.

"Sinugod po siya ngayon sa ospital dahil sa excessive bleeding. Kailangan niyo na pong pumunta ngayon. Nasa panganib ang anak niya."

"Ano?!"

TinTalim

Just Fat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon