Chapter 29

104 6 0
                                    

Richie's POV

"Salamat sa pagtanggap sa 'kin dito kahit ang liit na nga nitong apartment mo makikisiksik pa ako na mataba." sabi ko kay Joren.

Nakaupo ako sa isang plastic na upuan na huwag naman sanang bumigay dahil nga mabigat ako. Naikuwento ko na kay Joren lahat pero hindi ako umiyak. Ayaw kong kaawaan niya ko.

"Wala 'yon. Kung may magagawa pa ko para makatulong, gagawin ko." nakangiti niyang saad. "Nagugutom ka ba? Magluluto ako."

Hindi pa ko sumasagot pero sumagot na ang tiyan ko sa pamamagitan ng malakas na tunog. Nahihiya akong tumingin kay Joren na natatawang dumiretso sa kusina niya.

Hindi kasing ganda ng unit ni Troyen and apartment ni Joren. Maliit lang ito at unang pasok mo palang, makikita mo na ang apat na sulok. Kahit pa maliit, malinis naman. May isang kama, banyo na nagsisilbing washing are na rin, telebisyon na nasa lumang version pa rin, dalawang bangkong kahoy, lamesang gawa rin sa kahoy at kusina na mayroong gasolito at kaunting gamit.

Sa pagkakaalam ko halos lahat ng kita ni Joren ay napupunta sa pamilya niya sa probinsya. Literal na buhay mahirap. Kahit na ganoon, mas maswerte pa rin siya kaysa sa 'kin. Hindi man niya nakasasama ang buo niyang pamilya araw-araw, at least alam niyang totoong pamilya niya 'yon. Samantalang buong buhay ko nama'y hindi ko alam na ang mga taong nananakit sa 'kin ay halos hindi ko naman pala kadugo.

Naiinggit ako sa kaniya. Naiingit ako dahil may totoo siyang pamilya. Alam ko ring masaya siya kahit malayo sila dahil palagi siyang nagkukuwento. Naiinggit ako na hindi gano'n ang sitwasyon ko.

"Ching, nakapagluto na ko ng pancit canton." sabi ni Joren.

Sabay kaming umupo sa lapag habang may hawak siyang dalawang plato na may lamang pancit canton. May extra pa kaming tig-isang monay.

Tahimik lang akong kumain kahit parang hindi ko naman nalalasahan ang kinakain ko.

"Ching?"

Napatingin ako sa kaniya. "Hmm?"

"Hindi ka talaga pwedeng pumunta sa burol o kaya sa libing ni Tita Tes?"

Napahinto ako sa pagsubo. Nawalan na ko ng gana. Bigla na naman akong nabusog ng kalungkutan.

"Kapag pumunta ako roon, baka isama na ko ni Tatay sa hukay." Sumama naman ang pakiramdam ko dahil sa isiping sinasaktan ako palagi noon ng lalaking hindi ko naman pala ama.

"Kung pupunta man ako para bisitahin si Nanay, kapag siguro nakalibing na talaga siya. Ayaw ko na ng gulo sa pagitan ng mga taong hindi ko naman kadugo." dagdag ko pa.

"Sasamahan kita kapag pwede na nating bisitahin si Tita Tes." nakangiti niyang sabi na ikinatango ko lang.

Nang matapos kaming kumain, ako na ang naghugas ng pinggan. Nagpaalam naman siya na lalabas na muna para sa sideline niya.

Naglinis lang ako ng buong apartment niya. Nakakahiya naman kasi kung tutunganga lang ako. At dahil nga lalaki siya, hindi gano'n kalinis ang apartment niya.

Matapos maglinis hanggang sa kasuluk-sulukan ng apartment, naligo na ako. Kailangan kong pumunta sa resto bar. Ilang araw ng hindi maayos ang pagtatrabaho ko. Baka magalit na sa 'kin si Madam.

Nagbihis lang ako ng simpleng damit. Puro gano'n lang naman ang mga damit ko. Mga mukha ngang basahan 'yong iba dahil sa sobrang luma. Mukha namang kumot 'yong iba dahil sa sobrang laki.

Ni-text ko na lang si Joren nang paalis na ko sa apartment niya. Hindi ako pwedeng maging pabigat sa kaibigan ko. Kahit gaano pa siya ka-macho, masyado pa rin akong mabigat para problemahin niya pa. Ang laking abala na nga ng pagtira ko sa apartment niya.

"𝑺𝒖𝒏𝒅𝒖𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒓𝒆𝒔𝒕𝒐 𝒃𝒂𝒓 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂𝒃𝒂𝒚 𝒕𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒖𝒖𝒘𝒊".

Iyan ang nakalagay sa text niya na ikinangiti ko. Ang swerte ko nga naman sa lalaking 'to. Ba't kaya wala pa siyang girlfriend? Dapat kapag nagka-girlfriend siya, hindi na siya pakawalan no'ng babae.

Linakad ko lang ang daan patungo sa resto bar. Ayaw ko ng gumastos ng pamasahe. Bukod sa kailangan kong mas lalo pang magtrabaho, kailangan ko ring magtipid.

Dumating ako sa resto bar. Maraming tao ang pumapasok sa loob. Baka may naisip na namang bagong gimik si Madam. Kaya gagalingan ko ngayon para mas lalo pang bumilib si Madam.

Papasok pa lang ako sa loob nang matanaw ko na si Madam. Nakatalikod siya sa direksyon ko. May kausap siyang babae na matangkad, maganda, at maputi. Nasa 23-25 years old lang siguro 'yong babae.

Tuwang-tuwa si Madam habang kausap 'yong babae. Halata iyon dahil sa gestures niya. Bagong waitress kaya 'yong babae?

Naglakad na ko papunta kay Madam. Magso-sorry din ako dahil hindi ako nakakapag-perform ng maayos. "Ahm,  Madam?"

"Yes?" Humarap siya sa 'kin. Ang malapad na ngiti sa mukha niya ay bigla na lang nawala. Sumimangot siya na ikinagulat ko naman.

"Madam, sorry po kung hindi maayos ang performance ko nitong mga nakaraang araw. Sunod-sunod lang po kasi talaga ang mga problema sa bahay. "

"Richie, ayos lang iyon." malungkot siyang ngumiti. "Nakahanap na ko ng papalit sa'yo."

Waring nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. "Ho? A-Akala ko ho ba magaling ako kaya hindi niyo ko papalitan?"

Tinapik ni Madam ang balikat ko na mas lalong nagparamdam sa 'kin na wala na talaga kong tiyansa. "I'm sorry, hija. Hindi ko na kasi pwedeng i-tolerate ang working ethics mo. Kung hindi ka late, hindi ka sumisipot sa trabaho. Magaling ka, Richie. Nakahanap lang ako ng babaeng mas gusto ng mga tao kaysa sa'yo."

Napalunok ako habang pinagmamasdan siyang bumunot ng pera galing sa wallet niya. Inabutan niya ko ng sampung libo. "Ayan na ang huli kong bayad sa'yo. Pasensya na talaga. Alam ko namang makakahanap ka pa ng ibang trabaho dahil magaling ka."

Ngumiti siya saka niya ko tinalikuran. Napayuko ako. Pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nang kumawala sa mga mata kong kakagaling pa lang mula sa pamamaga.

Lumabas ako ng resto bar saka ako umupo sa gilid ng kalsada. Tumitig lang ako sa mga sasakyang dumadaan.

Pinagpalit ako sa maganda kasi pangit ako. Sa maputi dahil maitim ako. Sa matangkad dahil tangina ng height ko. Sa mas nagugustuhan ng tao dahil hindi naman talaga nila ko gusto.

Ano pa bang inaasahan ko? Hindi na nga ko attractive hindi ko pa inayos ang trabaho. Tangina naman! Bakit naman ganito? Bakit masyadong sunod-sunod? Hindi ba pwedeng kalma muna?

What made me think that I can receive special treatment from work just because I have problems?

Fuck. I'm just fat.

TinTalim

Just Fat (Completed)Where stories live. Discover now