Chapter 28

104 3 0
                                    

Harold's POV

I played with Karice's hair while she's sleeping nicely. Covered with blankets  but completely naked under those little piece of fabric.

It's already 4 in the morning. I don't know when I stopped making her body throb in heat. She's so seductive. But, she's not a virgin anymore.

Humiga ako sa tabi niya at yinakap siya. Siguro iika-ika siyang lalakad paggising niya. She was moaning loudly just a while ago. Begging me to make it faster for her. So, I did. Masunurin naman akong lalaki.

Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.  She's in peace and not crying anymore. It feels like I wiped the sad thoughts in her for a moment.

What the hell am I talking about?! Shit! She's just a cheap woman who needs my money that's why we had sake! For Satan's sake, I'm going insane. I need to clean my head. The higher head.

Tumagilid ako patalikod sa kaniya. Ano ba kasing nangyayari sa 'kin? Fuck! I just had sex with a girl I don't know that well. Paao kung magkaroon ako ng sakit?

Even if my mind is telling me that she's just poor, the back of my mind keeps on complaining. Saying that I really enjoyed every moment while making her come multiple times.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. Naiinis ako dahil hindi naman ako tigang. Bakit ko ginagawa 'to para sa babaeng mahirap na nga maldita pa?

I even punched a man's face inside the bar because I became irritated in just a split second. I don't know where this is going to but this is bad. Totally bad. Things will be messed up. I can feel that.

I stopped thinking when I felt an arm started hugging my waist. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa 'kin na para bang ayaw niya kong paalisin.

Marahan akong humarap sa kaniya. Kitang-kita ko ang mukha niya na maamo naman pala kapag tulog siya. Hindi nakataas ang kilay o kaya'y nakabusangot.

Her eyes are still sore. Alam ko na. I did this because I pity her situation. Her mom just died and she doesn't have enough money to giver her mother a decent burial and all. Yes, I just pity her.

Fuck! Pero hindi naman ako taong maawain. Ano namang pake ko sa problema ng iba? Bakit ako maaawa sa kaniya? Tinarayan niya kaya ako noong una naming pagkikita.

Argh! The battle inside my head is getting worst. Hindi ako ganito. I used to push people away. Lagi ko silang sinisigawan. Lagi ko silang linalait at minamaliit. But this girl named Karice just told me on our first meeting to clean the mess on the road made by my car by licking it. And guess what, I licked her clean today.

Damn! Maybe I'm just tired that's why I kept on over thinking things. I need to relax and rest. That's right. Maybe I just need to sleep first and think about the next move once I woke up.

"Harold... Hmm..." Napatingin ako rito sa babaeng katabi ko nang mahina siyang magsalita.

Bigla na lang akong napangiti nang marinig kong tawagin niya ko sa pangalan ko. Reminds me of the way she moaned my name.

Wait, I'm fucking smiling because of a cheap and poor girl who needs money that's why she had sex with me? Oh, heaven!

This is trauma.

Richie's POV

Narito ako sa tapat ng bahay namin. Nakalabas na ko ng ospital. Nakagugulat nga na wala akong binayaran. Sabi doon sa ospital bayad na raw lahat ng bills namin.

Pinuntahan ko pa nga si Ate Larice doon sa dati niyang kwarto sa ospital pero sinundo na raw siya ni Tatay. Oo nga pala. Hindi ko nga pala sila kadugo. Ano namang pakialam nila sa mataba, maitim, at pangit na kagaya ko?

Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Bakit pa ko umuwi sa bahay na gawa lang naman sa kahoy, semento at iba pa pero hindi ko naman naramdaman na tahanan para sa 'kin? Si Nanay lang ang nakakapagparamdam sa 'kin na pwedeng maging tahanan ang bahay na ito.

Nagulat ako nang lumabas bigla si Tatay. Kumunot ang noo niya saka napalitan ng gulat na mukha. "Anong ginagawa mo rito? Kukunin mo na ba mga gamit mo?"

"H-Ho?"

"Tangina, binge ka ba? Maglinis ka nga ng tenga mo! Pangit ka na nga binge ka pa."

"Tatay... "

Pumasok ulit siya sa loob ng bahay. Papasok sana ako pero biglang may tumama sa mukha ko. Nahulog sa sahig ang telang tumama sa mukha ko. Nagulat ako nang makitang puro damit ko ngayon.

"Putangina! Lumayas ka na! Patay na ang nanay mo kaya wala ka ng karapatan dito. Umalis ka na lang! At huwag mong tatangkaing pumunta sa libing ni Teresita kundi isasama kita sa hukay!"

Tahimik ko na lang na pinulot ang mga damit ko. Pinigilan kong umiyak kahit pa linagpasan lang ako ng tinuring kong ama pero kahit kailan ay hindi naman naging ama para sa akin.

Hindi na ko pwedeng umiyak. Kailangan kong magpakatatag para kay Nanay. Sinabi niya sa 'kin noon na maraming pagsubok sa buhay. Kung iiyak ka lang, hindi ka makakausad.

Tinawagan ko si Joren para humingi ng tulong. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may natira pang tao na makatutulong sa akin. Nandiyan pa si Renren na hindi ako iiwan.

Ilang minuto lang ang tinagal at nandito na agad si Joren. Nakasakay pa siya ng tricycle. "Chingching!"

"Renren." panimula ko. "Pwede bang makitira muna ako sa apartment mo?"

Ngumiti siya saka tumango. Siya na ang nagbitbit ng mga damit ko saka niya pinasok sa tricycle. Sumulyap muna ako sa bahay namin na hindi ko na pwedeng balikan. Sumakay na ko sa loob ng tricycle.

Napayakap na lang ako sa mga damit ko. Sa mga damit na sabay naming binili ni Nanay sa ukay-ukay. Nahihirapan kaming maghanap palagi ng damit dahil masyado akong malaki.

Mabigat ako. Ang taba-taba ko kaya. Pero kahit gaano pa ko kabigat, mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon.

Nay, sana po gabayan niyo ako kahit wala na po kayo. Hindi ko 'to kakayanin kung mag-isa lang ako. Pero hindi ako susuko. Pangit na nga ako tapos susuko pa ko.

"Mahal na mahal kita, Nanay." bulong ko sa sarili ko.

TinTalim

Just Fat (Completed)Where stories live. Discover now