Chapter 14

135 6 0
                                    

Richie's POV

Sabado na ngayon. Sobrang weird ni Troyen kahapon. Una, bigla na lang niya kong hinatak papunta sa kotse niya habang kasama ko si Joren. Pangalawa, sinabi niya na nagseselos siya. Pangatlo, sinabi niya na hindi lang daw ako basta mataba para sa kaniya. At panghuli, pinakanta niya pa talaga ako.

May nakalimutan pa pala ko. Nasa ibabaw ko siya kahapon! Hindi ko alam kung paano magre-react. Hindi ko tuloy siya kinausap buong biyahe. Pero, hindi ko naman itatanggi. Kinilig ako do'n.

Nandito ako ngayon sa simbahan. Dito ako nagpa-practice dahil bukas na nga ang dating ng kapatid ni Troyen. Ayaw ko talagang mapahiya kaya ang ginawa ko munang audience ay mga bata dito sa simbahan.

Iniensayo ko ngayon ang kantang 8 𝑳𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓𝒔. Ito kasi ang pinaka mahirap para sa 'kin. Medyo mabilis tapos puro lalaki pa ang kumanta. Pero hindi naman ako nahihirapan sa 𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝑩𝒍𝒂𝒄𝒌 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒅𝒆.

"Ang galing mo, Ate Chingching!" sigaw ng isang bata na nasa harap ko at kanina pa nakikinig.

Napangiti ako agad nang magsimula silang magpalakpakan. Nakangiti sila. Mukhang masaya matapos makinig sa pagkanta ko. Todo papuri pa sila na ang galing-galing ko daw. Mga papuri at mga ngiti na hindi ko makukuha mula sa pamilya ko. Maliban na lang kay Nanay, syempre.

"Bibilhan ko muna kayo ng pandesal. Ang aga-aga pa masyado, oh."

Naglakad ako palabas ng simbahan saka tumawid papunta sa bakery. Naabutan ko si Joren na may napakaraming customers. Puro babae yata ang nakikita ko dito. Mukhang hindi pandesal na tinapay ang habol nila. Kundi 'yong pandesal ng nagtitinda.

Tumingkayad ako saka kumaway. Ang tatangkad naman kasi nitong mga babae. Ang laki ko pero nanliit ako bigla.

Napatingin sa direksyon ko si Joren. Ngumiti siya saka sumenyas na saglit lang daw. Tumango ako saka umupo sa nakita kong upuan sa may gilid.

Sobrang busy ni Joren. Sa tuwing magbibigay siya ng tinapay sa isang costumer, tatlong customer naman ang nadadagdag. Ang sipag-sipag naman niya. Sana lang taasan na kahit papaano ang sahod niya.

Matapos ang halos tatlumpung minutong paghihintay, naubos na ang mga bumibili. Naubos na rin kasi ang mga pandesal. Halos wala na ring natira sa mga naka-display na tinapay.

Hinihingal pa si Joren nang tingnan ko siya. Lumapit na ko at kinalabit siya. "Pahinga ka muna. Umaga pa lang, ubos na mga tinda niyo."

"Sorry, Chingching. Nakakagulat nitong mga nakaraang araw. Ganito palagi karami ang mga bumibili sa umaga. Ang dami-dami ko na ngang ni-bake pero pati 'yong mga extra naubos na." paliwanag niya saka nagpunas ng pawis.

Lumabas muna siya sa bakery dahil wala pa namang bumibili. Umupo na lang ako ulit habang nasa harap ko siya.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Saka huwag kang mainis na maraming costumer. Blessing iyon dito sa bakery niyo." nakangiting sabi ko.

Agad niya namang tinugunan ang ngiti ko. "Gano'n kadami ang mga bumibili dahil ang gwapo ko."

Magsasalita pa sana ako kaso bigla siyang nagtanggal ng t-shirt sa harapan ko. Oo, sa harap ko. At oo, nasa gilid lang kami ng kalsada.

Grabe! May abs pala 'to. At mukhang pandesal din 'yong abs niya. Napatingin tuloy lahat ng tao.

"Hoy! Magdamit ka nga!" sita ko sa kaniya.

Sumilay ang mapaglarong ngisi sa mga labi niya. "Bibili ka ba ng pandesal? Heto na lang bilhin mo. Pero, pwede ko rin namang ibigay."

Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Magdamit ka sabi! Pinagtitinginan ka na oh!"

Just Fat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon