Chapter 19

115 4 2
                                    

Richie's POV

"Okay na, ma'am. All set ka na po." sabi no'ng make-up artist na kanina pa naglalagay ng make-up sa mukha ko.

Inayos na rin ang buhok ko. Ang presko sa pakiramdam. Naka-bath robe pa ko at hindi ko pa sinusuot ang gown. Super excited na ko para doon sa gown. Sana naman bumagay sa 'kin. Sayang kalahating milyon ni Troyen kapag hindi.

Sinamahan ako no'ng dalawang make-up artist. Dinala nila ko sa loob ng isa pang kwarto. Naroon ang damit. Kumikinang sa gitna ng kwarto.

"Wow." mahina kong usal dahil sa pagkamangha.

"Ang ganda ng gown niyo, Ma'am. Mukhang bagay na bagay po sa inyo." nakangiting sabi no'ng nag-ayos sa buhok ko na sumama rin pala.

"Isuot niyo na po, ma'am. May kasama na pong sapatos 'yan at iba pang accessories. Lalabas na po muna kami." paalam nila saka lumabas.

Hinarap ko ang gown. Sobrang ganda. Parang mga gown ng mga artista. Pero, hindi naman ako kasing ganda ng mga artista.

Hinubad ko na ang bath robe at marahang sinuot ang gown. Natatakot kasi akong baka mapunit iyon dahil sa laki ko. Pero nang maisuot ko na, kasiyang-kasiya. It fits perfectly to my body.

Malaki akong babae. Mataba ako pero hindi man lang bumakat sa gown ang mga bilbil ko. Bago pa ko mahimatay sa sobrang saya, hinagilap ko na ang sapatos saka sinuot. Kulay itim din ang sapatos na may heels. Three inches lang naman 'yong heels.

Hindi ko alam kung anong trip ni Troyen. Bakit naman niya ko pinagsuot ng puro itim? Ang itim-itim ko na nga. Pero kahit na gano'n, ang saya pa rin sa pakiramdam.

Nahagip ng mata ko ang isang magandang kwintas. Kulay silver na may pendant na puso. Sweet naman talaga ni Troyen. Mas lalo ko na siyang nagugustuhan. At mukhang masasaktan ako ng matindi kapag mas nagkagusto pa ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiwi ako ng makitang litaw pala ang cleavage ko dahil mababa ang neck line ng gown.

Saka ako napatitig sa mukha ko. Ibang-iba. Parang nag-magic 'yong mga make-up artist para mapaganda ako ng ganito. Kahit isang gabi lang, magiging maganda ako.

Tumayo ako ng maayos. Hindi masakit sa paa ang heels pero sinubukan ko munang maglakad-lakad para malaman kung sasakit ba ang paa ko. Nakapagtataka nga na pati sukat nitong sapatos ay saktong-sakto sa mga paa ko.

Ngumiti ako ng matamis sa harap ng salamin saka naglakad palabas. Bago pa ko makalayo doon sa kwartong pinanggalingan ko, may narinig na kong mga boses.

"Ang taba naman no'ng singer."

"Bakit ba siya 'yong kinuha ni Sir Troyen? Pwede naman siyang mag-invite ng ibang singer na mas sikat at mas maganda."

"Hindi naman ako magiging mabait doon kung hindi sinabi ni Sir."

"I bet nilalandi niya si Sir. Pero sorry na lang dahil siguradong wala siyang pag-asa kay Sir Troyen. Asa pa siya."

"Ang kapal din naman ng mukha niya 'no? Gandang-ganda siguro siya sa sarili niya ngayon."

"Naasiwa nga ako no'ng nilalagyan ko siya ng make-up. Para na kong maduduwal sa sobrang pangit niya."

Kumirot ang puso ko dahil sa narinig ko habang nakikita ko silang nagtatawanan. Sila 'yong mga babaeng tumulong sa pag-aayos sa 'kin kanina. Akala ko pa naman totoong mababait sila.

Ano pa bang aasahan mo, Richie? Hindi ka maganda. Hindi ka sexy. Bakit ka naman nila magugustuhan?

Gusto ko ng umiyak. Ilang araw ko ng pinipigil ang pag-iyak ko kahit gustong-gusto ko ng bumigay. Pero hindi pwede ngayon. Kailangan kong ipakita sa kanila na may ibubuga ako. Na pangit man ako at mataba, maganda naman ang boses ko.

Lumiko na lang ako ng daan at dumiretso sa likod ng malaking stage. Nagkaroon naman ng orientation kaya hindi ako mangangapa.

Binati ako no'ng mga operator sa backstage. Sila ang bahala sa background music, special effects, at iba pa. Pero ang tingin ko na rin ay palihim na rin nila kong nilalait sa mga isipan nila.

Paano pa kaya 'yong mga bisita? Iyong mga mayayaman, mapuputi, makikinis, at mga matataas ang estado sa buhay? Paano na kung titingnan nila ko na puno ng panglalait?

Umiling-iling agad ako upang iwaksi ang pangit na ideya sa isipan ko. Kailangan kong maging maayos. Kailangan kong mag-perform ng maayos.

Nagulat ako nang may yumakap sa 'kin mula sa likod. "You're more beautiful now, my dear. The gown suits you well."

Sinilip ko kung sino 'yon at tama nga ako. "Nasundo mo na ba ang kuya mo?"

"Yep. We're starting in 10 minutes. I'm just here to say good luck."

Humarap na ko sa kaniya saka ngumiti. "Gagalingan ko para hindi naman nakakahiya sa mga bisita ninyo."

"Hindi mo na kailangang galingan dahil magaling ka naman talaga. Kahit nga yata pambatang kanta kaya mong bigyan ng buhay na may kasama pang birit."

Natutuwa talaga ko kay Troyen dahil palagi siyang nakasuporta pero may isa pang tao na darating para suportahan ako. "Makakapunta ba si Joren?"

Sumimangot siya. "Yes. Pumunta ako sa bakery kanina bago ako pumuntang airport. Binigyan ko siya ng gold card."

Lumapad ang ngiti ko. "Maraming salamat talaga."

Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko saka marahang hinalikan ang noo ko. Shit! Nag-tumbling yata 'yong bulate ko sa tiyan.

"Good luck, my dear." sabi niya at umalis na rin.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Nakakahiya kung may nakakita pero wala na kong pakialam. Masaya naman sa pakiramdam.

Ilang minuto pa ang hinintay ko at nagsimula na ang tugtog sa labas. Hindi lang naman ako ang magpe-perform. May iba rin na sasayaw at kakanta.

May opening speech, prayer, at ilang messages muna saka naman nag-perform 'yong unang sasayaw.

Kabang-kaba na ko dahil ako ang huling lalabas doon para magtanghal. Pinagpapawisan ang kamay ko. Sana naman huwag ng pawisan 'yong kili-kili ko.

Tumalbog yata ang puso ko palabas nang matapos na ang ikaapat na performance. Napalunok na ko ng sunod-sunod.

"And for our last performance please welcome, Miss Richie Estrella!" sabi ng host.

Naglakad na ko papunta doon sa daan patungo sa harap ng stage. Madilim pa kaya hindi pa ko nakikita ng mga tao. Pero kita ko na sila kaya kinakabahan ako.

Bumukas ang isang spotlight at tumutok sa 'kin. Nagsimula na ring pumainlalang ang magandang musika.

Lumapit ako doon sa microphone stand at hinawakan ang mikropono. Nakita pa ng mga mata ko si Joren na ngiting-ngiti.

Sisimulan ko na sana ang pagkanta ko nang may malakas na sigaw na halos magpadagundong sa buong lugar.

"Stop the fucking music! At sinong tanga ang kumuha sa balyenang 'yan para kumanta sa party ko?!"

Nanginig ako nang mapagtanto kung kanino galing ang boses na 'yon.

Galing sa lalaking kamukhang-kamukha ni Troyen.

Ang kuya niya...

TinTalim

Just Fat (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora