Chapter 12

140 10 0
                                    


Richie's POV

Katatapos ko lang kumanta. Pangatlong lugar na 'to na napuntahan ko para lang kumanta. Ala syete palang ng umaga, kumakanta na ko. At ngayon, ala singko na. Mamayang ala syete hanggang alas nuwebe, kakanta pa ko sa resto bar.

Pagkalabas ko sa event, napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Biyernes na ngayon at malapit na ang Linggo. Nahihiya ako kay Troyen. Puro chat lang tuloy kami.

Practice pa rin ako nang practice. Sabi pa ni Troyen na dadagdagan niya daw ang bayad sa  'kin dahil nalaman niyang bunti ang ate ko. Sinabi ko na sa kaniya tutal hindi naman no'n mababawasan ang taba ko.

"Chingching!" Napaangat agad ang ulo ko dahil sa pamilyar na boses na iyon.

Nakita ko si Joren na tumatakbo palapit sa 'kin. "Oh? Paano ka naman napadpad dito?"

Napakamot siya sa ulo. "Nag-deliver ako nang tinapay. 'Yong bakery kasi gusto ng dagdag na kita kaya nag-online selling na din tapos ako pa ginawang delivery boy."

Kita kong aburido siya at mukhang pagod na. Umupo siya sa tabi ko. "May dagdag ka bang bayad?"

"Oo naman." sagot niya. "Dinagdagan ng isang daan 'yong sweldo ko araw-araw."

Napangiti naman ako. "Huwag ka nang magreklamo. Kaysa naman tambay ka lang sa kanto."

"Maiba ako." Humarap siya sa 'kin. "Buntis daw 'yong ate mong si Larice?"

Napalunok ako. "Saan m-mo naman nalaman 'yan?"

"Kalat na kaya sa buong lugar natin." napangiwi siya. "Alam mo namang maraming tsismosa doon na walang magawa sa buhay. Doon pa talaga nag-tsismisan sa tapat ng bakery kaya ko nalaman."

Bumuntong-hininga ako. "Totoo 'yon. Hindi sa 'min sinabi ni Ate Larice na nagtrabaho pala siya bilang bayaran. Tapos iyon, nadisgrasya."

Kumunot ang noo niya. "Kaya ba mukhang halos magpakamatay ka na sa pagtatrabaho?"

"Oo." ngumiti ako. "Kahit hindi naman siya ganoon kabait sa 'kin, ate ko pa din 'yon. Hindi ko matitiis na 'di tumulong."

Napailing-iling naman siya. "Ang bait mo masyado. Kasalanan 'yon ng ate mo. Hindi mo kailangang magsakripisyo nang ganiyan para sa iba, Chingching. Matanda ka na. May sarili ka na dapat na buhay."

Ako naman ang umiling. "Hindi ko sila maiwan. Lalo na si Nanay. Kilala mo naman si Tatay. Uubusin no'n ang pera ni Nanay kaya mas mabuti nang pera ko ang ubusin niya."

Pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Chingching, malaki ka na. Ang laki-laki mo na nga oh. May sarili kang trabaho at maraming raket. Mabubuhay mo ang sarili mo. Hindi mo kailangang magtiis sa poder ng pamilya mo. Naiintindihan kita na ayaw mong iwan ang nanay mo pero matanda ka na. Matanda ka na pero kinakawawa ka pa rin sa inyo."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, may point siya. Kaya ko namang umupa nang matutuluyan. Bakit ba ko nagtitiis doon sa bahay? Sinasaktan lang naman ako doon. Pero, paano ang nanay ko?

Nagulat ako nang akbayan niya ko. "Kain na lang tayo nang ice cream. Limang piso lang naman 'yon."

Natawa na lang ako sa pagiging kuripot niya. Naghanap kami ng sorbetero. Nakahanap naman kami at nilibre niya nga ako. Dalawa ang binili niya pero binigay niya sa 'kin pareho.

"Hindi ka naman kumakain ng madami palagi pero hindi ka pumapayat." nagtataka niyang sabi habang kumakain naman ako.

"Hindi ko rin alam. Hindi siguro nakatadhana sa 'kin na pumayat." tumawa ako. "Ganito na yata ako hanggang sa kabaong kaya kailangan XL 'yong kabaong."

Sumimangot siya. "Papayat ka pa. Hindi mo lang inaasikaso ang sarili mo dahil halos ibigay mo na pati kaluluwa mo sa pagtatrabaho."

Napapaisip talaga ko sa mga sinasabi niya pero mas gusto kong ibahin ang usapan. Baka bigla ko na lang mapagpasiyahan na lumayas sa bahay namin at manirahan mag-isa.

"May performance ako sa malaking lugar sa Linggo, gusto mong pumunta?" alok ko.

"Gusto, syempre." ngumiti si Joren. "Ako ang papalakpak ng pinaka malakas."

Nag-thumbs up naman ako. "Gagawa ako nang paraan para sa harap ka nakaupo."

"Ang nanay mo, manonood ba?" tanong niya.

Umiling lang ako saka pilit na ngumiti. "Stress na iyon kay Ate Larice. Gusto ko man siyang isama pero sigurado kong mas pipiliin niyang buksan ang karinderia."

Tinapik niya ang balikat ko. "Kaya niyo 'yan."

Magsasalita pa sana ako pero may biglang humatak sa kamay ko. Sa sobrang gulat, natapon ang ice cream sa damit no'ng humatak sa 'kin.

"Sorry po!" agad kong sabi pero napalunok ako nang makita ko kung sino ang humatak sa 'kin.

Madilim ang mukha niya at magkasalubong ang dalawang kilay. Wala ring mababasang ekspresyon sa mga mata niya. "Troyen..."

"Come with me, Richie." Hinatak niya ko papunta sa kotse niya. Kung hatakin niya ko akala mo naman ang liit-liit ko lang.

"Saglit lang!" sabi ko pero hinatak niya pa din ako. Binuksan niya ang pinto sa may backseat. Pumasok na lang ako dahil mukhang wala siya sa mood.

Nakita kong lumapit sa gilid ng kotse si Joren. "Pre, ba't mo naman hinatak si Richie ng gano'n?" Sumilip pa siya sa driver's seat kung saan nakaupo si Troyen.

"Shut up!" sigaw ni Troyen na nagpakabog sa dibdib ko.

Pinaharurot niya ang kotse. Hindi ko naman siya mapigilan. Paano ko naman pipigilan? Mukhang mananapak 'tong lalaking 'to kapag kinausap ko.

Hininto niya ang sasakyan nang makalayo na kami. "Damn!" Nagulat ako nang hampasin niya ng malakas ang manibela.

"Troyen, a-ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka nagagalit?" kinakabahan kong tanong.

"You're asking me why I'm mad?" umiling siya. "Hindi ko alam! I'm just fucking mad for no reason!"

Hindi ko ma-spelling kung anong susunod na itatanong. Ngayon lang siya naging ganito kagalit. Pulang-pula na nga ang mukha niya na nakikita ko mula sa rare view mirror.

"K-Kumalma ka, Troyen." pakiusap ko pero napahilamos lang siya sa mukha niya.

"He touched you." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "I saw that he touched you."

"Si Joren?" Kumunot ang noo ko. "Normal lang 'yon dahil magkaibigan kami. Saka, ang natatandaan ko lang naman ay tinapik niya ang balikat ko. May masama ba doon?"

Nakita kong humigpit ang kapit niya sa manibela. "I-I'm jealous."

Napatawa ako nang mahina dahil sa sinabi niya kahit pa bumilis din ang tibok ng puso ko. "Joker 'to. Ba't ka naman magseselos? Ang pangit ko kaya. Ang itim ko pa. Tapos ang taba-taba ko pa."

Nagtaka ako kung bakit siya lumabas sa kotse. Binuksan niya ang pinto sa may backseat.

Napaigik ako nang itulak niya ko kaya napahiga ako sa backseat. Babangon na sana ako pero nakaibabaw na siya sa 'kin.

Puno nang mga hindi mabasang emosyon ang mukha niya. "For me, you're not just fat..."

TinTalim

Just Fat (Completed)Where stories live. Discover now