Chapter 17

123 5 0
                                    

Richie's POV

Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinatahak namin ni Troyen ang daan papunta sa venue. Kinakabahan ako at excited. Gusto ko na agad makita kaso na-traffic kami.

"Damn traffic." asik niya.

Sumilip na lang ako sa labas ng bintana. Ang daming sasakyan na halos magkadikdikan na. May mga batang pulubi rin na nakikipag-patintero sa mga sasakyan.

Lumuwag na ang trapiko matapos ang ilang minuto. Naging tuloy-tuloy na ang biyahe namin na halos isang oras din.

Huminto ang kotse niya sa tapat ng malaking building. Nasa tatlong palapag siguro 'yong building. May malaking nakasulat sa harapan ng gusali.

"Greed." pagbasa ko sa nakasulat.

"It's one of my bars." Nauna siyang bumaba saka niya ko pinagbuksan ng pinto.

Ganito siya palagi. Parang naging hobby niya na siguro na pagbuksan ako ng pinto. O baka hindi lang siya sa 'kin ganito. Malay ko ba.

Nasa tapat na kami ng front door. Wala akong naririnig bukod sa mga sasakyan na dumadaan. Walang ibang tunog galing doon sa bar.

Lumapit si Troyen doon sa pinto. May kinuha siya sa bulsa niya na kulay gintong card. Wow! Ang sosyal naman. Totoo kayang gold 'yon?

Ni-slide niya lang doon sa parang scanner at kusa ng bumukas ang malaking pinto. Sinong mag-aakala na may ganitong klase ng bar dito? Samantalang ang mga nasa paligid ay puro mga pipitsuging bar.

"Richie, get back to your senses." Napatingin ako kay Troyen. Nakapasok na pala siya at naiwan ako sa labas.

Mabilis akong naglakad hanggang sa makapasok. Wala pa rin akong naririnig na kahit ano kahit pa nasa loob na kami.

"Ba't wala akong naririnig? Kadalasan sa mga bar maiingay, 'di ba? Sarado ba kayo ngayon?" sunod-sunod kong pagtatanong.

Tumawa muna siya saglit. "Bukas araw-araw ang Greed's bar. 24 hours 'tong bukas para sa lahat ng may gold card. Just chill there. You will finally see the venue."

Naguluhan lang ako sa sagot niya. Para sa isa lang na bar ang komplikado naman nito.

Sobrang lamig dito sa hallway na linalakaran namin. Sobrang kintab ng tiles tapos mabango rin ang paligid. Pero wala akong nakikita na ibang tao. Wala rin kahit staff man lang.

Nakakita ako ng isa pang pinto. Halos kasing laki rin no'ng pinasukan namin. Pinaghalong itim at puti ang kulay. Sobrang kintab naman nitong pinto. Mas makintab pa sa mukha ko kapag oily.

May scanner na naman na ginamit si Troyen kaya linabas niya ulit 'yong gold card. Nag-slide pabukas 'yong malaking pinto.

Muntik yatang mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tugtog na sumalubong sa amin. Nang tingnan ko kung ano ang nasa kabila ng pinto, napanganga na lang ako.

Sobrang daming tao. Mukha talaga silang mayayaman at mga sopistikada. May mga table na halos umilaw na sa sobrang kintab. Sobrang laki ng lugar. Pero mas natuwa ako dahil sa stage na nasa gitna. May malalaking speakers doon. May magaganda ring ilaw na mas lalong nagpapasaya sa lugar kasabay ng masayang tugtugin.

"You like it?" rinig kong tanong ni Troyen. Nasa tabi ko na pala siya. Hindi ko namalayan dahil masyadong abala ang utak ko sa pagpuri nitong lugar.

"Sobrang ganda rito! Sa'yo ba talaga 'to?" 

"Yeah." ngumiti siya. "This is my fourth bar. Masasabi kong ito ang pinaka maganda."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ang lambot. Tapos 'yong akin magaspang, maitim, mataba, at puro kalyo. Nakakahiya ang kamay ko. Nakakahiya din ang itsura ko. Parang hindi ako bagay dito sa bar.

Just Fat (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat