Chapter 61: End

3.2K 143 25
                                    

Zach's POV

"Zypher."

Mahina kong naiusal ng makita ko ang imahe niyang nakikipaglaban. Ngayon ko napagtanto ng lubusan kung sino talaga siya. Malakas. Ang pinakamagaling at pinakamakapangyarihan sa aming lahat.

Hindi ko lubos maisip na siya ang babaeng nakakasama ko sa araw araw dito sa academy. Natitiis niya ang lahat ng pangbubully sa kaniya ng mga estudyante sa kabila ng mga kakayahan niya. I realized that she was that kind of person who thinks more of others than herself. She's that weak type of person who unconciously allows anyone who wants to destroy her. Until it happened and she broke down. Hindi niya nakayanan kaya nag-iba siya. Hindi niya nakayanang maging matatag at nawala ang totoong siya. Nawalan siya ng pananalig sa sarili niya. Kahit siya pa ang itinakdang pinakamalakas sa buong dimensyon. Ganun siya ka hina. Kahit na ipinaparamdam niyang malakas siya pero front lang pala 'yun para pagtakpan ang totoong fragile niyang kalooban. Natatakot siyang masaktan ulit kaya sinarado niya ang sarili niya sa lahat.

Hanggang sa napunta siya dito. Kung saan kailangan niyang makipaghalubilo sa mga taong hindi siya nakikilala. Hinayaan niyang ganunin siya ng mga tao dahil bukod sa kinailangan niyang itago ang sarili niya, natatakot siyang mahusgahan dahil sa pagkatao niya. Natatakot siyang harapin ang nakaraan niya. Pero ngayon ay natutunan niyang buksan ang sarili niya upang matanggap ang kinahinatnan niya. Lalung-lalo na upang matanggap niya ang sarili niya.

Mali siya. Hindi porke't siya na ang pinakamalakas na ability user sa dimensyon ng Seandal ay mapoprotektahan niya kaming lahat. Na kailangan niyang maging perpekto at palaging maging matatag para sa amin. Nakalimutan niyang tao lang din siya. Napapagod, nasasaktan at natatalo.

Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga nababasa ko sa kilos niya noon. Nasabi ko sa sarili ko ngayon, kaya pala. Kaya pala ganun siya sa amin dahil ganito siya. Inakala niyang malakas siya pero sa kaloob-looban niya alam niya pa din kung gaano siya kahina. Naging masyado siyang protective sa sarili niya kaya nawalan siya ng pakiramdam sa ibang mga bagay.

Pero naisip ko din na siya na din siguro ang pinakamatapang na taong nakilala ko. Dahil sa kabila ng pagiging mahina niya at pag shut down niya sa sarili niya, nakabangon parin siya sa halos pailalim na pailalim na hukay na siya din mismo ang naghukay para sa sarili niya. Walang nag push sa kaniyang bumangon, siya't siya lang. At para sa akin, isa iyon sa pinakamahirap na kayang gawin ng tao. Ang piliin na huwag piliin ang napili mo noon para sa sarili mo. Ang biglang ibahin ang nakasanayan at harapin ang sakit para tumatag.

Nakikita ko ang takot at lungkot sa likod ng mga mata niya noon. Pero akala ko ay normal lang iyon sa kaniya. Pero sa mga nalaman kong impormasyon tungkol sa pagkatao niya ay napagtagpi tagpi ko ang bawat detalye at nasabing, kaya pala.

She's weaker than I've imagined someone as powerful as she is. But at the same time, she's way stronger than I've imagined someone as weak as she is. Or should I say, she was. And I adored her for that. I just don't know now if I just adore her. Basta ang alam ko ngayon ay patuloy na umuusbong ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Halos hindi ko makita ang bawat galaw nila. Ang palatandaan lang namin ay ang puting tela na nakikita namin sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko lubusang maisip kung paano nila nagagawang ganito kabilis ang bawat kilos nila.

"Dad!"

I heard Zypher shout. Agad namang umamba si Diego sa harap at tumalon ng sobrang lakas. Paglapat niya sa lupa ay namuo ang mga crack sa paanan ng Empress. Agad na inilahad ni Zy ang kamay niya sa Empress pero nakaiwas ito agad at pinaulanan siya ng mga maiitim na bola na agad niya din namang naiwasan at nagpaulan din ng mga puting bola.

Nakagawa ito ng mga pagsabog sa iba't ibang bahagi ng lugar. May narinig pa akong nagsigawan ng may mapunta malapit sa amin. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lalim ng nabungkal sa lupa dahil sa dumapong pasabog na galing sa kanila.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon