chapter 26

10.1K 371 21
                                    

Hi guys!
Salamat sa mga sumusuporta sa storyang ito! Yeah! 3k reads na! Maraming salamat ulit at sana patuloy niyo itong suportahan.

So.... here's an update. ☺

Zach's POV

"Dude, nakikinig ka ba?" Nakabusangot ang mukha na tanong ni Matt sa akin. "Ah? Sorry. What are we talking about again?" Tanong ko, at napahimas sa batok ko. Bumuntong hininga naman si Nate, "Bro, we are talking about the stages of becoming an ultimate user. Baka maubusan na ng laway si Matt dito kakaexplain tapos magtatanong ka lang ulit baka mabaliw 'to." Napatingin naman ako kay Matt at nag roll eyes siya kay Nate dahil sa sinabi nito.

"Oh sige pasensya na. May naisip lang ako saglit. So, ano na?" Tanong ko na. "As I've said, ang naexperience mo kaninang umaga ay ang first stage ng pagiging ultimate user. Oh well, official na naman talaga na ikaw ang ultimate ability user, pero kailangan mo pang lubusan na makontrol ito, kasi kung hindi, pwede mo itong ikamatay." Seryoso niyang sabi sa akin. "Ooook, just go straight to the point Matt. Kanina ka pa nagsasabi ng mga babala diyan eh." Nababagot na sabi ni Ed. "Eh, kasi naman hindi nakikinig ang mismong sinasabihan ko. Chill ka nga lang." Ani Matt.

"Sige na Matt, ipatuloy mo na." Seryosong sabi ni Steph. "Ok, so, you have to have the full control of your ability Zach, kasi pwede ka nitong higupin kasi masyadong malakas ang ability mo. You need to train more kasi baka maoverpower ka ng mismong ability mo." Napatango tango naman ako sa sinabi niya. "Well, guess it won't be hard. Kasi naman advance ang training nating mga royalties and we already have the control of our abilities, beyond na nga iyang sayo Zach, so yeah. Huwag kang kabahan, kayang kaya mo yan." Nakangiting sabi ni Steph habang tinatapik tapik ang likod ko.

"Yeah, I guess." I just shrugged and gave them a small smile.

Zypher's POV

Habang kumakain ng dinner, napansin ko lang na palinga linga ang ulo ni Diego. Yeah, he's still with me. Ewan ko ba sa asong ito, ayaw niya akong iwan. At napansin ko ding wala ang royalties ngayon dito sa cafeteria. Naging tahimik lang ang pagkain namin ngayong gabi. Matapos kumain, napag desisyunan na naming bumalik sa mga dorm rooms namin.

Naglalakad na kami ngayon patungong dorm. "Zy!" Napatingin naman ako sa likod ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Balik na kayo sa dorm niyo?" Tanong ni Carl. Yeah, it's him again. "Obviously." Sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin. Napataas naman ang kilay ko. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Miss Alvarez." Napatalikod ako ulit ng biglang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. "Good evening Princess." At nagbow kami kay ate Gab. "Good evening to you too." Pormal niya ding sabi. "I've been wanting to talk to you about this dog. I've never seen anyone close to him until you came here." Sabi niya habang nakangiti ng tipid. Hinimas naman niya ang ulo ni Diego at mas napangiti pa no'ng bigla inilabas ni Diego ang dila niya at gumewang ang buntot niya.

"Mas gumaganda talaga siya kapag nakangiti." Mia whispered. "Oo nga eh." Alex seconded. "I also don't know why Princess, but he seems fond of me, and me too to him." Sabi ko nalang din. Eh, hindi ko naman talaga alam kung bakit gusto ako ni Diego eh. "Yeah, all of us doesn't know the reason. I've always thought that this dog is so mysterious. Even the very first day I came in this academy." Hinihimas niya pa rin ang ulo ni Diego habang sinasabi niya yan. My ate also loves dogs, actually kaming tatlo, pero ako ang pinaka may gusto.

She stood up straight and looked directly in my eyes. I can see that she just wants to see me. Tss. I told you, madali niya lang talaga akong namimiss. "Uhmm, Princess, bakit po nandito lahat ng member ng council sa labas? Tsaka may maraming tao sa loob ng academy?" Biglang tanong ni Alex. Naputol ang titig niya sa akin at napunta kay Alex. Naramdaman ko namang natense siya, nakakapit kasi ang kamay niya sa kaliwang braso ko, habang si Jill naman sa kabila. Yeah, -_______- I know I look like their date in a prom or something in this position.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon