Chapter 60: Beginning of the End

2.8K 130 11
                                    

Zach's POV

Nagmartsa na naman papunta sa amin ang tatlong hilera ng mga sundalo ng darkholds, na parang wala lang nangyari kanina.

Nakita kong halos tumumba na sa lupa si Princess Gab pero may sinabi si Headmistress Cassy sa kaniya na nagpatango sa kaniya.

May mga palasong lumipad sa himapapawid, galing sa painakadulong linya ng mga sundalo sa loob ng barrier, patungo sa lugar naming lahat pero itinaas lang ni Senior Aria ang kamay niya at nahulog itong lahat sa ibaba na dahilan ng pagtumba ng ilang nakatayo lang na sundalo sa loob. Nakita kong sinubukan ulit gibain nina Princess Gab at Headmistress Cassy ang barrier at this time Senior Aria helped.

Napakapit ako sa isang puno dahil sa lakas na naman ng impact na dulot nito. Tumalsik silang tatlo at maging ang lahat ng naglalaban ay natumba. Narinig kong may nagmura sa gilid ko. Nakita ko sina Nate sa gilid ko na tumalsik din sa isang puno.

Agad ko ring binawi ang tingin ko sa kanila at ibinaling sa barrier. Ni hindi man lang ito natinag. Ganun parin ang crack na namuo kanina. At kung may pagbabago man ay sobrang liit lang ng nadagdag na crack nito at halos hindi na mapansin.

Tumayo ako at tumingin sa paligid. Nakikita ko pa ang mga magulang kong magkasamang nakikipaglaban sa halos hindi ko mabilang na kalaban nila. Pati na rin ang mga magulang nina Steph, Nate at Ed.

Nakikita ko na ang bawat isa na kasapi namin ay may mas marami pang kalaban. We're already outnumbered. At masakit sa damdamin na makita ang halos naging pangalawang tahanan ko nang lugar na unti unti nawawasak. Ang Seandal Academy of Abilities. Ang lugar kung saan ako nakabuo ng mga kaibigan, pangalawang pamilya, at lalung-lalo na mga bagong alaala. Masakit makitang unti-unti itong nawawasak, nawawala.

Napatingin ako sa harap at nakita kong nag-uusap na silang tatlo at inaakay na ni Senior Aria si Princess Gab dahil halos mahimatay na ito sa kawalan ng lakas. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumakbo doon si Ed kaya sumunod agad kaming apat sa kaniya.

"...mamatay tayong lahat."

Iyon lang ang naabutan namin sa sinabi ni Senior Aria. Hindi ko maiwasang mangamba sa sinabi niya. Nawawalan na ba siya ng pag-asa?

"Hindi natin dapat hayaan na mangyari 'yan." Hindi ko maiwasang maisatinig. Hindi ko hahayaang maubos kami at manalo sila. Tumingin silang tatlo sa akin.

"Prince Zach, sa lagay nating ito ay hindi magtatagal at matatalo din tayo." Malungkot at diretsahang sabi sa akin ni Senior Aria. Nakita ko naman na kahit na hindi nagsasalita ang magkapatid na Halmington ay tila sumasang-ayon sila sa sinabi ni Senior Aria.

"No. We will win. I know we will. Malalakas tayo dito. Kasama natin ang mga hari at reyna ng bawat kingdom." Matigas kong sabi dahil sa frustration. Bakit ba nawawalan na sila ng pag-asa agad?

"Dahil kahit gaano pa kalas ang mga kasama mo, mapapagod at mapapagod din sila. Mapapagod din kayo." Bigla namang nagsalita si Headmistress Cassy na sa tingin ko ay nabasa niya ang tanong sa isip ko.

"Look at the surrounding Prince Zach. Natatalo pa natin ang bawat sumasalakay sa atin, pero unti unti na nila tayong natatalo. Pagod na ang lahat. Ang pagwasak nalang ng protective barrier na ito ang pag-asa natin para manalo." Pagpapatuloy pa nito. Gusto ko sanang sabihin na makakaya namin ito dahil nandito sila. Ang mga dyosa ng dimensyon. Pero umiling siya at napatingin sa akay-akay niyang si Princess Gab na halos pumikit na. "Ginawa na namin ang lahat." For the first time, ngayon ko lang nakita ang pagod at lungkot sa mga ginto niyang mata. Sa unang pagkakataon, nakita ko na katulad lang din pala namin sila. Napapagod at nahihirapan. Parang ngayon lang din rumehistro sa utak ko ang bawat sugat na nakikita ko sa katawan nilang tatlo. Kung kanina ay pakiramdam kong ang lakas lakas nila dahil sa sobra sobrang natamo nilang sugat, pero ngayon ay nakikita kong nanghihina na sila katulad namin.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon