☑ Chapter 3: Healer

13.8K 493 28
                                    

Nasa labas na kami ng bahay at isa-isa nang nilalagay ang mga maleta namin sa loob ng mga sasakyan. As per our secret, iba ang sasakyan na gagamitin namin ni Jill.

"Gab, take care of the two them." Sabi ni Ate Cassy kay Ate Gab. She's checking everything almost frantically. Napapabuntong hininga nalang akong nakatingin sa kaniya.

"Jill, paki bantayan rin itong mabuti si Zy, please. You know it's her first time in Seandal and in the academy." masigla namang tumango tango ang huli.

I heaved a sigh again.

Ate Cassy is being her usual over protective self. Ang daming hinahabilin as if I'm a five year old kid. Tsk.

"And Jill don't forget not to call her princess, okay? Call her Ate instead." Tumingin na siya sa akin ngayon at bigla akong niyakap.

"You take care in there honey, okay? Be careful. Stay out of trouble and make new friends. I'm sure you're going to enjoy your stay in the academy." nakayakap pa rin na sabi niya sa akin. I felt her grip tightening around me. Napabuga na naman ako ng hangin.

"Hindi na ako bata Ate. I can protect myself." Tatango tango niya akong binitawan habang nakangiti ng bahagya sa akin. She suddenly caressed my hair that's in a loose bun. Napunta ang mga kamay niya sa pisnge ko. She stared at my eyes covered with thick-rimmed glasses and contact lenses. Looking at me with those emotions in her golden eyes that I've been seeing since that incident happened.

"Zypher honey, I know you're still upset and guilty——" pinutol ko siya sa pagsasalita.

"We're going to be late. We should go now." Sabay lakad at sakay sa sasakyan na e dadrive ko. I stared at the steering wheel, feeling their gazes on me. Ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyon. Bumabalik lang ang mga emosyon na ayaw ko nang balikan pa.

Ilang segundo kaming natahimik. Walang gumalaw ni nagsalita sa kanilang tatlo na nakatayo sa labas ng mga sasakyan.

Narinig kong bumuntong hininga si Ate Gab at nagpaalam kay Ate Cassy. Lumapit na rin si Jill sa sasakyan ko. Nilagay niya ang mga gamit sa likod at tumabi sa akin sa passenger's seat ng walang imik. I took a deep breath to calm myself nang biglang lumakas ang hangin sa paligid. I felt my eyes change color despite being covered by the contact lenses. Calm down Zypher. Calm. Down.

Biglang umandar ang puting sasakyan ni Ate Gab kaya agad akong sumunod. I saw Ate Cassy on my side mirror, watching us with those golden eyes full of worry.

Ibinalik ko ang tingin sa daan at nagfocus sa pagdadrive. They should know that I can take care of myself now. That I can handle it. That I'm not the same weak person I was before.

"Princess——"

"Ate," putol ko sa pagsasalita ni Jill. I gripped on the steering wheel as I saw the sky suddenly turning darker. Mabilis siyang bumaling sa akin. "P-po?——ayy!" irit niya at napatabon sa magkabilang tenga nang biglang kumulog ang langit.

I closed my eyes for a second. Dapat ay hindi na ako maapektuhan ng ganito sa mistulang memorya nalang na iyon. I trained to be strong. To be the person who I was destined to become. To prevent those things from happening again. Kaya dapat ay hindi ako magpakain sa emosyon. I need to calm down.

"Tawagin mo na akong Ate ngayon. I will be your older sister in the academy. Ngayon palang ay praktisin na natin 'yun." hindi nakapagsalita si Jill at tumango tango lang habang nakahawak ng mahigpit sa seatbelt niya.

Muli akong huminga ng malalim. I immediately felt my eyes turn back to its natural color. At agad na napansin ko ang muling pagkawala ng dilim sa langit.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon