PROLOGUE

3.8K 143 14
                                    

"Maila, breathe! Sabayan mo si Mommy!"


"Inhale......Exhale....good, good. Malapit na tayo sa hospital."



"M-Mom-acck"


"Please Maila, hold on. Sige hinga lang baby!"


My eyes are blurry but I still hear my Mom's voice.



I don't know what's happening to me, basta na lang akong hindi makahinga at nahilo. Nasa lumang study room lang ako ni Daddy kanina para kolektahin ang mga libro niya roon at ilagay sa kahon. Napagdesisyonan na kasi namin ni Mommy na i-donate na lang yun sa mga public schools dahil hindi na napapakinabangan. Simula kasi nung pagkawala ni Daddy ay wala nang gumagamit ng kwartong yun.

Tatlong taon na siyang nawawala. Hindi namin alam pero basta na lang siyang hindi nagpakita. Sinubukan namin siyang hanapin ni Mommy pero ni bakas nito ay hindi namin matagpuan. Hindi namin alam kung patay na ba siya o sadyang inabanduna na niya kami, basta na lang kasi siya nawala ng parang bula.


Sanay na kasi kaming umaalis-alis si Daddy para maghanap ng inspirasyon sa mga kwentong isinusulat niya. Ang pinakamatagal na pagkawala niya ay isang buwan, kaya hindi kami nangangamba kada aalis siya. Pero nang lumipas na ang isang buwan dun kami biglang naalarma. Pinahanap namin siya ni Mommy, ngunit wala kahit anong lead sa pagkawala niya. 


Nung nawala si Daddy, gabi-gabi kong naririnig si Mommy na umiiyak. Gusto kong magalit kay Dad pero napaisip ako, paano kung may nangyaring masama sa kaniya kaya hindi siya makauwi. Sobrang hirap dahil kailangan kong maging malakas at hindi maipakita kay Mommy na nasasaktan din ako dahil baka mas lalo niyang di kayanin.


Andami rin naming pinuntahang punerarya upang tignan ang mga hindi nacla-claim na banggkay at kung may natatagpuang katawan ang mga pulisya ay agad na magpupunta si Mommy para tignan kung isa si Daddy sa mga yun pero bigo sila. Ayaw man naming isipin na patay na siya, ngunit mungkahi saamin ng mga awtoridad na sa tagal ng pagkawala niya ay may posibilidad na ganun nga ang nangyari sa kaniya kaya wala kaming makuhang balita kaugnay sa kaniya.

Ang buwan ay naging taon.....



Hanggang sa....si Mommy na mismo ang nagsabing itigil na namin ang paghahanap, pero umalma ako.



"Baka buhay pa ang Daddy? Baka nahihirapan lang siya makauwi o may nangyaring hindi magada kaya hindi siya makauwi. Mommy, baka kailangan ni Daddy ng tulong natin? I know in my heart that he's not dead! Please don't give up on him."


But my Mom already made up her mind.



" It's been a year Maila, kung hindi pa patay ang Daddy mo baka inabanduna na niya tayo. Isang taon na wala man lang paramdam? Never pumalya ang Daddy mo na mag update saatin, pero taon na ang lumipas ni sulat, video call o chat sa messenger, wala! Ang dali na kumunekta sa panahon ngayon pero maski isang mensahe mula sa kaniya...." a sob skip on her lip.

Napahilamos na lang si Mommy at pinunasan ang mga luha.


" But Mom--"

" I already told him to quit writing and look for another job dahil lagi siyang wala at nagpupupunta kung saang man lugar yun. Sinabihan ko siya na delikado! Pero hindi siya nakinig! Hindi siya nakinig!" she whispered.

" Dad loves his job-"

" Tsk, more than us?" Lumingon siya saakin ng walang emosyon sa mukha. " Ayokong matulad ka sa kaniya! From now on, I don't wanna hear anything regarded with your Dad. At ito..."


I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum