Chapter 16

1K 101 8
                                    

" Somebody might see us here...." kinakabahang sabi ng isang binibini.






" Ano ka ba, walang katao-tao dito oh. Tayo lang ang andito." tugon ng ginoo tyaka hinila papalapit ang binibini at napadapo ang mga braso ng dalaga sa matigas na dibdib nito at agad namang siyang niyapos ng binata.




Biglang namula ang mukha ng binibini sa agresibong ikinilos ng kaniyang kasintahan. Ngunit hindi maalis ang kaniyang kaba at panay ang lingon sa paligid.





" Baka may makakita saatin dito, alam mong bawal ito..." alanganing sabi nito.






Lumayo naman ng kunti ang ginoo upang tignan ang mukha ng kasintahan ngunit hindi nito inalis ang pagkakayakap sa kaniyang sinisinta. " Anong bawal sa ginagawa natin? Magkasintahan tayo at iniibig natin ang isa't isa." turan ng ginoo.





" Alam ko naman iyon, irog ko ngunit hindi pa tayo kasal. Tulad kanina, ayokong matulad kay Lady Iris na nadawit sa isang iskandalo...."




"....At isa pa, hindi pa ako handa magpakasal. Baka pag nahuli tayo ay ipagkasundo na tayo agad ng ating mga magulang. Ni wala pa nga tayong napapatunayan. Ikaw, naguumpisa ka palang i-train ng iyong ama sa pagnenegosyo, habang ako ay nagaaral pa. Ayokong masira ang tiwala ng mga magulang natin saatin." nag-aalalang sambit ng binibini.





Napahinga ng malalim ang ginoo bago humiwalay at dumistansya sa kaniyang sinisinta. Kinuha nito ang kamay ng binibini at naglakad patungo sa Maze Garden.





" Teka, san tayo pupunta?" takang tanong ng binibini ng makapasok na sila sa Maze.




Huminto sa paglalakad ang ginoo. " Oh ayan, wala nang makakakita saatin dito." nakangiting sabi ng ginoo. Napatingin ang binibini sa kaniyang kasintahan tyaka natawa.




" Talagang sabik na sabik ka na makasama ako, irog ko." napailing na sabi ng binibini.





" Oo naman, matagal tayong hindi nagkita sa sobrang abala natin sa kaniya-kaniyang tungkulin. Oh, ano? Hindi mo pa rin ba ako yayakapin? Mmmh..." sabi ng ginoo at ibinuka ang mga braso na tila nanghihintay ng yakap.





Ngunit sa halip na yakapin ay tila may naisip ang binibini at tinignan ng nakakaloko ang binata. Humahagikgik na tumalikod ang dalaga at iniwan ang ginoo. " Saglit, san ka pupunta? Yung yakap ko!" nagtatampong sabi ng binata.




Lumingon ang binibini sa kaniyang kasintahan, " Habulin mo muna ako." sabi nito bago lumiko sa isang daan.





Natawa ang ginoo sa inasal ng kasintahan. Nakaramdam ng pagkasabik ang ginoo at agad na hinanap ang binibini sa loob ng Maze.





Puro mga tawanan at kantyawan sa paghahanap ang maririnig mo sa lugar. Mukhang makaibang direksyon sila ng tinahak dahil hindi nila matagpuan ang isa't isa. Maya-maya habang tumatawa ang ginoo, napansin nitong natahimik ang kanyang kasintahan. Tinawag niya sa pangalan ang kaniyang nobya ngunit wala siyang nakuhang tugon mula sa binibini.





Nakaramdam ng kakaibang kaba ang ginoo. " Irog ko. Huwag ka naman mag biro ng ganyan." sabi nito nang wala siyang naririnig na kung ano man sa dalaga. Dahil dun ay huminto siya sa paglalakad at pinakinggan niya ang tahimik na paligid.





Tunog ng mga insekto lamang ang kaniyang naririning. Maya-maya ay bigla siyang nakarinig ng isang matinis na sigaw galing sa kaniyang nobya kaya napalingon siya. Agad siyang tumakbo at tinahak ang direksyon kung saan niya narinig ang mga sigaw ng binibini.






I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesWhere stories live. Discover now