Chapter 3

1.5K 102 23
                                    

K-Kasintahan? NO WAY!!!




Pinalabas ko siya saglit at tinapos ko agad ang pagligo at nagmadaling nagbihis. Tinawag ko siyang muli at pinasara ang pinto upang dito kami magusap. Mahirap nang may makarinig kung ano ang paguusapan namin. Andaming pa namang mga mata at tenga sa paligid. Pinakwento ko sa maid kung ano-ano pa ang mga nalalaman nito patungkol sa Debora na iyon.




Iba rin 'tong Iris na 'to eh. Mahihin sa kwento pero wild pala sa totoo!





Nagkikita pala ang dalawa nang palihim! Nakilala lang umano niya ito sa pamilihan nang minsan ay namili ito ng tela for stitching! Ang nakakadismaya pa ay tumatakas pa si Iris sa kalagitnaan ng gabi para makipagkita sa lalaking ito. Kasabwat pa ang personal maid nito na si Karen!


Bakit hindi ito nabanggit sa kwento ni Dad? Nawiwindang tuloy ako.



" Bakit hindi mo ko pinigilan?! Dapat sinumbong mo ko!" sabi ko.




" Hindi ko po kayang gawin yun dahil pareho po tayong mananagot."


"Tsk"


"At tyaka...."



" At tyaka ano?!"





" Tutol din po ang magulang niyo na makipagrelasyon kayo sa mga mabababa ang estado. Tulad ni Sir Debora na isang Baroon."





" This is insane." napailing ako. " Ilang taon na ang Ginoo?" tanong ko.





" Wala rin po akong ideya, Lady Iris, pero sa tingin ko ay masmatanda po siya sainyo ng ilang taon."





Kung 18 ang edad ni Iris, "Mga ilang taon?" napatingin ako sa kamay niya ng itaas niya ito. " 8 years? Ibig sabihin 26 years old na siya?!" di makapaniwalang sabi ko. Napatango siya. Ang estimate niya ay 8 years, hindi pa siya sure sa lagay na yan. Eh paano pala kung mas ahead pa dun ang edad nung Debora na iyo?! What the heck!




" Ano pang alam mo tungkol sa kaniya?" kahit naiistress na ako sa nalalaman ay kailangan ko pa rin siyang pigain ng impormasyon para magkaroon ako ng ideya sa mga susunod kong gagawin





" Bukod sa pagiging isang Baroon ay may-ari po daw ito ng isang maliit na lupain. Maliban dun ay wala na itong nabanggit na pagkakakilanlan niya." sabi ni Karen.




" Wala? As in wala na? Kahit kay Iri-- akin?" muntik pa akong madulas.




Napaisip ito. "mmm... Kapag nagtatanong po kayo sa kaniya ay madalas nitong nililigaw at iniiba ang pinaguusapan niyo. Minsan po ay umiinit din ang ulo niya kaya hindi niyo na lang po siya kinukulit dun. Madalas po na tungkol sa buhay ninyo sa mansyon ang pinaguusapan niyo kaya po siguro--" nahinto siya ng makita nito ang reaksyon kong mukhang nadidismaya sa naririnig.



This Iris girl is an easy target, tsk.Kukutusan ko 'tong babaeng 'to kung bakit pinatulan niya ang lalaking posibleng pumatay sakaniya.



" Isa pa po pala....." sabi nito.




Mayroon pa? May mas lalala pa ba sa mga narinig ko?



" What is it?" wala sa sarili kong sabi.




" Secretly engage po kayong dalawa." sabi nito.




"WHAT???!" Bulalas ko.
After that final blow bigla na lang akong napasabunot sa buhok ko. Aish!




Grrr!!! Antanga-tanga mo Iris! Huhuhu... pinapakumplika mo pa lalo ang komplikado ko nang sitwasyon! Urggh!!




I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesWhere stories live. Discover now