Chapter 45 Special Chapter

47 26 0
                                    

-Flashback-

Naalala ko pa ang sabi nila. "Highschool years are one of the best things in your life."

Actually totoo naman 'yon. Highschool years are the best. Because lahat ng mga kalokohan mo sa ibang tao o 'di kaya mga lungkot na nadarama ay nandoon.

Ramdan na ramdam ko 'yon. Hindi ko alam pero habang nasa rooftop ako kasama ang tropa ko, feeling ko ay secured na ako. Masaya na ako dahil kompleto at buo kami.

"Tim to the hell, akin na ang Iphone ko!" sigaw ni Urane.

I rolled my eyes. Here we go again, bakit kasi napaka-torpe ni Tim? Ayaw niya maisabi ang kanyang nararamdaman dito kay Urane. At napakamanhid naman ni Urane o sadyang nakakainis si Tim.

"Yo, si Noa oh!" My eyes widened.

"NASAAN?" Agad ako napatayo.

Itinuro ni Yanny ang direksyon at nakita ko siya. May babae na kasama, nanliligaw. Agad na nanlambot ang tuhod ko sa nakita. Wala na talaga akong pag-asa!

"Oh! lintek na pag-ibig~" pakantang sabi ni Clauddete sa akin habang kumakain ng ice cream.

"Bakit?" Inosente niya na tanong sa akin.

"Nyemas ano ang gagawin ko ngayon! *pout* Wala na, hindi na magiging kami ni Noa *pout*" sabi ko.

Naramdaman ko na dumikit si Yanny sa akin kaya napatingin ako sa kanya nakita ko siyang ngumisi sa akin kasama si Clauddete samantalang si Urane ay busy kay Tim. Hay nako, ano kaya 'yang ngisi na 'yan?! Nyemas di ko alam yun ah.

"Be bad for him..."

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now